Chapter 18

484 30 4
                                    


Arabella's Pov

Sumapit ang break time kaya nagsitayuan na ang lahat at tumakbo palabas ang iba. Lumapit ang iba sa amin na may ngiti, si James naman ay parang may sasabihin dahil ngumiti siya sa akin pero pilit.

Tumayo ako at akmang lalapit kay James nang biglang nasa harapan ko si Kevin.

Kayo na?!” nakangiti niyang tanong at kumikislap pa ang mga mata.

Huh? Pinagsasabi niya?

Nino?” takang tanong ko.

Maang-maangan,” dinig kong sabi ni Amber at nakita ko pa pag-alis niya sa room.

Kung ang Nepal ay bansa puwes sa amin ang Epal ay tao,” out of the nowhere kong saad at nagtawanan ang mga kaklase kong bunak.

Iniiba mo ang usapan!” Napalingon kaming lahat kay Kevin at masama ang tingin nito sa akin.

A-ano?!” taka kong tanong kay Kevin.

Ikaw! Iniiba mo usapan, ang sabi ko kako kung may namamagitan na ba sainyo ni Jace?” tanong niya at ngumiti pa nang napakalaki at nagsimula na mag tanong ang mga bunak at may hiyawan pa.

A-ano pinagsasabi mo–

Walang namamagitan sa amin,” putol ni Ruru sa sasabihin ko at tumango ako bilang pagsang-ayon sa sinabi niya.

Kakausapin ko lang si Ara sandali,” Napatingin ang lahat kay James dahil sa sinabi niya. Hinatak niya ako pero hindi nagpatinag si Kevin at Roger na hinatak din ako.

Potatongina

Hindi! hindi aalis si Ate Cass! Noooo!” anak ka ng putcha Kevin!

Hindi puwede umalis si Ac,” saad naman ni Roger.

May kailangan lang kami pag-usapan,” nauurat na sabi ni James.

Bakit, Ate Cass, pinagpalit mo na ba si Jace? Si Nathan? Kaya ka na kay James ngayon? May namamagitan ba sainyo? Wuaahhh nooooo!” hinatak ko ang kamay kaya ang ending ng dalawa nasubsub sila sa sahig.

Wala akong maintindihan sa sinasabi ninyo,” inis kong sabi at hinatak na si James palayo sakanila nakasalubong namin si Ivan na ikinasinghap ko.

Ara, alang-alang sa kambal at sa kaso. Maaari ba na sumama ka muna kay Ivan? Kahit sandali lang? Ivan has a disorder, please,” nagmamakaawang sabi ni James at wala akong ginawa kong hindi tumango. “Pasensya na talaga. Babawi ako, babawi kami. Matatapos din itong case,” dagdag niyang sabi at tumango na lang ako para na rin matapos na ang kaso.

Lumapit ako kay Ivan. Nakangiti siyang hinawakan ang kamay ko at hinila niya ako kung saan hindi ko alam kung saan kami pupunta. Nakakaramdam talaga ako ng awa sakaniya at nakakaramdam pa ako ng kaba.

Ivan has a disorder

Hindi talaga ma prossess sa utak ko ang sinabi ni James kaya tumango-tango lang ako pero hindi ko talaga maintindihan. Papaano? Anong disorder ang meron kay Ivan? Papaano ito mapapagaling? Papaano na ang mga bata? Kung makukulong si Ivan? Papaano na ang mga bata? Kaya bang buhayin ni Kimshie? Ang daming tanong pero hirap hanapan ng sagot.

Tumigil kami sa cafeteria at nagtinginan ang iilan sa amin, nahagip ng mata ko si Kimshie na may malungkot at galit sa mga mata dahil malapit lang siya sa may pintuan at mag-isa.

Ang itsura ni Kimshie ay ginawang katatawanan kahit wala naman katatawanan ang pinaggagawa nila. Puro siya powder, itlog, sauce at kung ano-ano pa na pinagbabato sakaniya balak ko sana lapitan nang pinisil ni Ivan ang palad ko kaya kagat labi ko siyang nilingon na may inis.

S2: The Fighter Girl In Section GL (COMPLETED; Under Revision)Where stories live. Discover now