Chapter 42

377 19 4
                                    


Arabella's Pov

Nagpapalitan lang kami ng matalim na tingin nang umawat si Kuya Melvies.

Tama na 'yan! Fire gang, please pumunta muna kayo sa ring may kakausapin lang ako,” aniya at lumingon ito sa akin na nakangiti, “welcome to my Undergang Nation Peace short for UNP,” dagdag niya at naglakad na kaya sumabay ako at inirapan ko ang mga Fire gang.

Tsk! Weak pa rin naman.” Tumigil ako at nilingon siya.

Sorry to say, mas mahina pa ako sa inaakala mo,” ngumisi ako at tinalikuran na siya.

Kabaliktaran ng sinabi ko ang mahina. Akala niya ba makakalimutan ko siya? Sungal-ngalin ko siya ng pana.

Kuya Melvies, bakit Undergang Nation Peace?” kuryos kong tanong.

Underground ito, tapos nilagyan ko ng gang kasi sa underground ring sumasabak ang mga gang, kumakalat sila kaya dapat Undergang kasi ito ang tirahan nila. Nation? Kasi hindi lang mga pilipino at pilipina ang nandirito kung hindi ay mga nasa iba't-ibang bansa na may Koreano rito katulad ni Kevin,” Kevin??? “Ang Peace ay katahimikan, dito sila namamalagi kasi ito ang peaceful place nila kapag gusto nila pumunta,” dagdag niya at tumango-tango ako.

Ang galing naman sino kay may-ari nito?

Sino po may-ari nito?” tanong ko.

Tumigil siya at hinarap ako. “My father owned this UNP but, he gifted this to me,” sagot niya.

Nasaan po ba siya?” tanong ko at lumungkot naman ang mga mata niya.

Hala may nasabi ba akong mali?

He died,” hindi ko alam ano gagawin ko, hindi ko naman sinasadyang tanongin kuryos lang talaga ako. “But I know he's not dead. You wanna know why? Secret. And I know rin na tinatago siya para hindi siya makuha ng kalaban nila dahil alam nila na may tyansa rin kami at walang laban kapag wala si Papa,” paliwanag niya na ikinaliwanag ko at tumango-tango.

Wow, nasaan kaya siya?

Tumalikod na siya at naglakad na siya kaya sumunod na ako papunta. Binuksan niya ang pinto at bumungad ang mga bouncer na may malalaking katawan, hinatid nila kami papunta sa taas dahil may hagdan pa tapos binuksan ng isang bouncer ang pinto.

Bumungad sa amin ang mga malaking nagkikiningan sa loob dahil sa silver at sinag ng ilaw sa kisame. Nandoon din si Kuya Gello naka-upo sa may visitor seat habang nakain, napa-angil naman ako.

Wow! Kuya Gello, kaya mo ba hindi ako pinapapasok dito kasi nakain ka mag-isa?! Madamot!

Nilibot ko ang tingin at napako ang tingin ko kay... Deven? Ano ginagawa niya rito? Rumehistro ang gulat sa mukha ni Deven nang makita ako at napalitan ito ng seryoso.

Oy, Gello! Ang kapal mo naman kumain sa opisina ko? Akin 'yan ihh,” sumibangot si Kuya Melvies at umupo sa swivel chair. “Hindi mo man lang pinapasok pinsan mo rito?” tanong ni Kuya Melvies at humalukipkip ako sa tabi ni Deven na tiningnan ako mula ulo hanggang paa, sinusuri ang pagkatao ko.

Why? Is there something wrong? Hindi puwede niya malaman ang loob na 'to, Vies. Alam mo naman kung gaano ako nag-aalala kapag pumupunta siya rito noon hindi ba?” saad ni Kuya Gello at napalingon ako sa kaniya.

Pumupunta ako rito noon?

Paano kapag nandito siya? Sa opisina ko,” tanong ni Kuya Melvies at agad na napalingon si Kuya Gello sa akin. Nanlaki ang mata niya at tumayo.

What the freaking heck! Ano ginagawa niya rito, Vies?!” gulat na tanong ni Kuya Gello.

Gello, delikado na ngayon sa labas at hindi na ito katulad ng noon. Kaya, Gello, huminahon ka at huminga. Kalma hindi ka naman mamamatay,” pabirong saad ni Kuya Melvies at binato naman siya ng yakult ni Kuya Gello na hawak niya saka umupo sa upuan. Dumako ang tingin ni Kuya Melvies kay Deven, “ey, Ranzonell heir, ano pinarito mo?” tanong ni Kuya Melvies kay Deven.

S2: The Fighter Girl In Section GL (COMPLETED; Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon