CHAPTER SIX-He left me no choice

2.2K 24 7
                                    

Still KARINA'POV

"Oh anak akala ko isang buwan pa ang training mo sa Batangas.."takang salubong sakin ni nanay ng mabungaran nya ako sa pinto..

"Opo nay pero naisip ko na mas may itutulong po ako sa inyo sa pangastos kung magtatrabaho ako ngayong sembreak"pagsisinungaling ko nasa tingin ko wala pa silang alam tungkol sa nangyari samin ni Raphael...

"Hay naku Karina......kami pa lokohin mo...napanood ka namin kaya sa TV at inaanounce ng Raphael my labs mo na girlfriend ka nya...."nakangiting sabad ni kuya Den alam nmn kasi dito sa bahay este sa buong barangay namin kung gaano ko hinahangaan si RAPHAEL ESQUIVEL pero ngayon ni ayaw ko ng marinig ang pangalan nito.....

"Wag nyo na p intindihin yon nagkasubuan lang...hindi totoo yun kuya....nay"pilit ko silang pinaniwala na talagang wala lang yun ayoko na pati sila maapektuhan sa sakit na nararamdaman ko lalo na ang mga kuya ko alam ko kung anong kaya nilang gawin para lang protektahan ako..

"Sigurado ka bunso? Baka naman may ginawang masama sayo yung mistisong hilawna yun huh...Alam mo naman na ayaw ka naming maagrabyado"ani ni Kuya Den na biglang sumeryoso ang mukha.

"Anak...may nangyari ba huh?may gusto ka bang sabihin samin..."si nanay..

"Nay,naman ang kulit wala nga po yun...ok lang talaga ako...At kuya Den wag OA magreact kaya kong ipagtangol ang sarili ko kaya alam nyo naman na hindi ako magpapaagrabyado"kahit sobrang hirap para sakin ang ngumiti sa ngayon ginawa ko pa rin yun para lang masigurado sa kanila na okay lang ako.

"Sige nay..pasok po muna ako sa kwarto napagod lang po ako sa biyahe"paalam ko...

Huminga muna ako ng malalim bago ko buksan ang pinto ng kwarto ko dahil alam kong bubungad sakin ang lahat ng alaala ni Raphael Esquivel ang mga litrato nito na nakadikit sa bawat sulok ng kwarto ko ipaalala nito kung paano ako nagpakabaliw para lang sa kanya..

Tuloy tuloy ang pagdaloy ng luha ko habang tinatangal ang posters nya na nakadikit sa dingding ng kwarto ko.....Hanggang sa tuluyan ko na itong natangal lahat at kahit gustong gusto ko na sumigaw hindi pwede alam kong magtataka ang kuya at nanay kaya humiga na lamang ako da kama at niyakap ang aking unan ng mahigpit na mahigpit na parang ito na lang ang kinakapitan ko at pakiramdam ko mauubusan na ako ng lakas.

Bumabalik sa alaala ko kung paano ko minahal at pinangarap ang isang Raphael Esquivel...Kung paano ako nakikipagunahan sa mga magazine stand makakuha lang ng kopya kung saan sya ang front cover..Kung paano ko ginugupit ang dyaryo na kung saan meron syang article...Kung paano ako nakikipagaway sa Tv kapag may naka schedule syang interview....At higit sa lahat ay kung paano ako naniwala na isang araw darating na mamahalin din nya ako gaya ng pagmamahal ko sa kanya....Pero ang lahat ng iyon ay likha lamang ng aking paniniwala na totoo ang fairytales na pwedeng maging possible ang imposible pagdating sa pagmamahal pero ngayon nagising na ako sanapaka habang panaghinip.

OO GISING NA GISING NA AKO!!! SIMULA NGAYON IBABAON KO NA SA LIMOT NA MINSAN NAGPAKATANGA AKO SA ISANG RAPHAEL ESQUIVEL......

"Oh Ynah akala ko isang buwan ang leave mo..Anong ginagawa mo dito?"tanong ng supervisor namin sa trinatrabahuhan kong coffeeshop..

"Sir,,oo nga po eh kaso mas gusto ko pong magtrabaho ng makatulong naman sa pangastos sa bahay..."

"Ok pero bukas ka na magreport puno kasi ang shift ngayon eh....Ayusin ko na rin sked mo ok?"nakangiting sambit nito.

"Thank you po Sir"

"Diba si KARINA yun...Yung girlfriend ni RAPHAEL ESQUIVEL"sabi ng isa sababaeng nakaupo sa gitnang bahagi ng shop malapit sa kinatatayuan namin ng supervisor habang naguusap kami...

FOR ALL OF MY LIFE (ASHRALD FF)Where stories live. Discover now