CHAPTER TWENTYSIX-I can't fool myself.

1.3K 16 3
                                    

RAPHAEL'S POV

Hindi ko alam kung bakit lumabas sa bibig ko ang tungkol sa pagkakaroon ng relasyon nina Erika at Gabriel paano kung itanong ni Erika kung paano ko nalaman gayong wala pa namang nababangit sakin si Gabriel tungkol dito kasi hindi pa naman kami naguusap ilang araw na rin ang nakaraan nasa branch yata sa Bacolod para i check ang operation doon...

"Paano nyo nalaman ang tungkol dyan Sir?"pagtatakang sambit ni Erika.

"Wala obvious naman diba.....aware naman ako na gusto ka ni Gab....At don't tell me hindi sya nagtatangkang ligawan ka at hindi mo pa sya sinasagot.."

Sandali syang natigilan bago muling magsalita..."Siguro po Sir...Hindi naman sakop ng pagiging Ceo nyo ng kumpanya ang panghimasukan ang personal na buhay ng mga empleyado nyo...."

"Ms.De Asis...kung ang pagiging girlfriend ni Gabriel ang magiging dahilan para gawin mo ang gusto mo sa hotel ang hindi pumasok na wala man lang sabi sabi siguro may pakealam ako dun dahil hindi mo pwedeng gamitin ang kapatid ko para lang hindi seryosohin ang trabaho mo dito sa hotel....."

"Pasensya na po Sir....hindi na po mauulit...at gusto ko lang po malaman nyo na hindi ako umabsent ng walang dahilan.....At hindi ko po aabusin ang kapatid nyo para sa sarili kong interes..Mauna na po ako Sir..."tugon nito ni hindi na nga nya ako hinintay pang makasagot kasi naglakad na itong palayo.

Tinanaw ko na lang si Erika na papalayo kung ano man ang meron sila ni Gabriel ngayon kailangan ko na lang siguro tangapin sana nga nakalimutan na ako ni Erika at si Gabriel na ang mahal nya.....ang gusto ko lang naman hindi na sya masaktan at alam ko isa ako sa mga taong makakapagdulot nito sa kanya....

Pumasok na rin ako sa opisina kasunod si Vicky para i discuss kung ano ang schedule ko ngayon..

"Sir...Ok lang po ba kayo?"puna nito na tila lumilipad ang isip ko sa kawalan habang nagsasalita sya.

"Ah..Im ok..So what's for today?"sabi ko na lang na para akong biglang natauhan..

At doon ay isa isa na ngang sinabi sakin ni Vicky ang gagawin ko ngayon.....

Meeting with the board para sa isang project proposal presentation,,meeting with Mr. Lee para sa plano nyang pagiinvest sa kumpanya,,early dinner meeting with Engr. Corpuz para sa pagrerenovate ng ilan sa mga kwarto sa Batangas branch...

"Thanks Vicky..."sabi ko...tsineck ko ang oras isang oras pa bago magstart ang board meeting...That's why I decide na umikot ikot sa hotel.....

"Good Morning,,Sir.."bati ng isang empleyado na nakasalubong ko...

"Good Morning..."tugon ko....

Nandito ako nakatayo sa itaas bandang pool area at mula sa kinatatayuan ko.ay tanaw na tanaw ko ang buong vacinity...pero bakit kahit anong pilit kong i focus sa trabaho ang isip ko kusa pa ring rumeregister si Erika sa alaala ko..kahit anong pagiwas ko nagsisink in pa rin sya sa buong sistema ko at pakiramdam ko ay kinukurot ang puso ko...Yung pakiramdam na nasa tabi ko lang sya pero parang ang layo layo nya at kailangan ko pa syang itulak palayo at pakitaan ng hindi maganda para lang makalimutan nya ako....

Kinalimutan naba nya talaga ako dahil sinagot na nya si Gabriel na dapat makampante na ako dahil ang kapatid ko naman talaga ang nararapat sa kanya na sigurado akong hindi sya nito sasaktan gaya ng ipinaramdam ko sa kanya....

Naglakad na rin ako papuntang opisina at heto makakasalubong ko si Francis.....

"Hui tol..pasensya na hindi ako nakarating sa party mo noong nakaraang araw huh emergency lang talaga eh...."sabi nito...at saglit akong tumigil sa paglalakad...

FOR ALL OF MY LIFE (ASHRALD FF)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora