BONUS CHAPTER

1K 16 2
                                    

ERIKA'S POV






Nabuhay ako sa dalawang katauhan pero iisa lang ang tinibok ng aking puso...







Nawala nga ang aking alaala pero may isang mga tao namang nagparamdam sakin na hindi ako nagiisa..









Ang pagmamahal hindi ito nasusukat sa sa kaya mong ibigay o minsan nasusukat din ito sa kaya mong tangapin...







Kung iisipin talaga hindi normal na pagiibigan ang pinagdaanan namin ni Raphael...Maraming sumubok at maraming humadlang..






May mga pagsubok na akala namin ito na ang magiging katapusan pero mas pinatatag pa nito ang aming pagmamahalan...







Si Gabriel na walang ginawa kundi ang mahalin ako ng totoo na minsan sa pagmamahal ay hindi na rin natin naiisip kung ito ba o tama...Minahal nya ako sa paraang minsan ay nakalimot na sya kung sa ano ang tama...Kinamuhian ko sya sa naging kasalanan nya dahil sa pagmamahal nya sakin pero bandang huli ay naturuan ko rin ang puso ko na patawarin sya dahil mas lalong iaabsorb ng puso mo ang galit o poot hindi ka makakaramdam ng katahimikan...Masaya ako dahil natagpuan na rin nya ang babaeng magmamahal sa kanya ng walang katumbas si Candice at ngayon ay nasisiguro ko na magiging maligaya si Gabriel sa piling nito dumaan din sa maraming pagsubok ang kanilang relasyon pinatatag pa rin ito ng pagmamahal nila sa isat isa..

Mas masakit umasa keysa sa tumangap...Na umasa ka na isang araw ay mamahalin ka rin ng taong minamahal mo sadyang hindi natin pwedeng diktahan ang puso sa gusto nitong ibigin kaya masakit man o mahirap mas mabuti na tangapin na lang natin ang lahat at magsimula ng bagong buhay...Hindi ginawang perpekto ang buhay may mga gusto tayo na kahit anong pilit natin ay hindi natin makuha na habang pinipilit natin ang sarili natin na makuha ang isang bagay sa bandang huli tayo rin ang masasaktan dahil ang bagay na ito ay hindi naman talaga nakalaan para satin..

Ang tunay na pagibig ay walang katumbas na salita walang definition walang explanation..Nagmahal ka yun lang yun...

Pero paano kung sobra ka ng nasaktan ng taong pinaglaanan mo ng walang katumbas na pagmamahal?Hindi lang isang beses kundi paulit ulit pagmamahal pa rin ba para sa kanya ang mananaig sa puso mo o matutumbasan na ito ng galit at pagkamuhi ?

Si Cassandra ang unang minahal ni Raphael at ang babaeng nagmahal sa kanya ng lubusan pero ng dahil sa hindi inaasahan ay nagkrus ang landas namin ni Raphael at mas pinili nya ako at iniwan si Cassandra...Pero dumating ang pagkakataon na muling umasa si Cassandra na mamahalin ulit sya ng lalaking minamahal pero gaya ng dati  ako parin ang pinili nito...Walang ginawa si Sandra kundi ang mahalin si Raphael pero kung talaga pa lang sobra ka ng nasaktan ng taong minamahal mo ay darating sa point na mapapalitan ito ng galit at poot....Nabigo man si Sandra na sirain kami ni Raphael hanggang sa huling pagkakataon hindi man sya nakahingi ng tawad bago pa sya bawian ng buhay noong araw na tinangka nyang barilin si Raphael...Noong panahon na alam ko na sabay kaming nagaagaw buhay dahil nabaril din sya ng pulis alam ko may dahilan ang diyos kung bakit ako ang mas pinili nyang buhayin kung ano man yun sya lang ang nakakaalam..

FOR ALL OF MY LIFE (ASHRALD FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon