FINALE CHAPTER

1.1K 15 4
                                    

ERIKA'S POV

"Maraming maraming salamat po sa tulong nyo"pasalamat ko kay Mang Erning hinintay na rin namin ang kinabukasan tsaka kami nagdecide na lumuwas na papuntang Manila...

"Basta magiingat kayo huh...isasama ko kayo sa dasal ko"nakangiting tugon ng matanda.

"Sige po...salamat po ulit basta po kung kailangan nyo ng tulong ko wag po kayong magdadalawang isip na lapitan ako dyan nyo po ako pwedeng kontakin"sambit ko sabay abot ng kapirasong papel kung saan nakasulat ang phone number ko...

"Salamat hija...magiingat kayo huh...."pahabol ni Mang Erning ng ihatid pa nya kami papuntang terminal...At binigyan pa nya kami ng konting pera para pamasahe dahil alam nyang wala kami kahit singkong dala dala...Pagdukot kasi samin ni Athena ay kinuha na rin ng mga tauhan ni Francis ang mga bags namin.

"Bibisitahin ko po kayo dito kapag naayos na po namin lahat ang problema hindi hindi po namin makakalimutan ang pagmamalasakit na ibinigay nyo samin"sagot ko bago ako bumaba sa jeep ni Mang Erning..

Kapwa pa kaming kumaway ni Athena sa matanda bago pa tuluyang sumakay ng bus patungong Manila...

Pagbaba namin sa terminal ng Manila ay kaagad na kaming sumakay ng taxi ni Athena at nagpahatid sa bahay ng mama sigurado akong sobra na itong nagaalala sakin halos tatlong araw din akong nawala at si Miggy alam kong hinahanap na ako ng anak ko sobrang nanabik na akong yakapin sya....Panalangin ko na sana matapos na ang lahat ng ito para matahimik na rin kami..

"Ms.Erika..Okay lang po ba kayo?puna sakin ni Athena napansin nya siguro na malayo ang nilalakbay ng isipan ko...

"Namimiss ko lang kasi sobra ang anak ko sigurado hinahanap na ako nun..."tugon ko.

"Magkikita na rin po kayo ng anak nyo Ms.Erika..."nakangiting sambit nito.

"Oo nga mayayakap ko na rin sya....By the way hindi ka muna pwedeng umuwi ng Bulacan sigurado na doon ka unang pupuntahan ni Francis...Hanggat hindi pa sya nahuhuli kailangan nating maging maingat lalo na natakasan natin sya panigurado na uunahan nya tayo bago pa tayo makapagsumbong sa mga pulis sumama ka muna sakin kakausapin ko si Raphael para tulungan tayong magsampa ng kaso laban kay Francis na yan....wala pa syang idea na ang itinuturing nyang kapatid ay syang may utak sa lahat ng gulo na nangyayari"

FOR ALL OF MY LIFE (ASHRALD FF)Where stories live. Discover now