CHAPTER EIGHTEEN-The reason behind the lies

1.5K 18 6
                                    

KARINA'S POV

Pilit ko man sabihin sa sarili ko na kaya ko ang sakit ang puso ko naman ang kusang bumibigay akala ko noon na totoo ang fairytales na ang akala ko mauuwi sa happily ever after ang lahat yun pala hindi....Sana nga hindi na ako umasa sana nga hindi na ako naniwala.....

Nabalitaan ko na rin mula kay Gab na nakaalis na papuntang Macau si Raphael at simula noon ay binigyan ko na rin ng chance na maging malapit sakin pero nililinaw ko parin sa kanya na hindi ko masusuklian ang nararamdaman nya sakin...ayoko rin naman na maging unfair sa kanya....Iniiwasan na rin namin na pagusapan si Raphael kahit sa ganung way madali akong makakalimot....

"Congratulations anak...."nakangiting bati ni nanay...Nakagraduate na rin pala ako....Ang lahat ng pangarap ko unti unti ng matutupad pero ang dahilan ng pagabot ko nito tuluyan ng naglaho at dapat ko na ring ibaon sa limot....

Niyakap ko ang nanay at hindi ko na napigilang lumuha...dahil sa wakas umpisa na ito ng pagbabago ng buhay namin pagsusumikapan ko na pagtagumpayan ang lahat ng ito hindi para sa isang tao na inaakala ko na nararapat para dito kundi para sa pamilya ko at higit sa lahat para sa sarili ko...

"Congrats Ynah...."salubong sakin ni Gab ng palabas na kami sa university nila nanay at mga kuya.....

"Salamat Gab.. kung hindi dahil sa words of encouragements mo pinanghinaan na ako ng loob....Sobrang salamat sa lahat ng suporta"tugon ko.

"May tiwala ako sayo Karina hinding hindi mo babalewalain ang pangarap mo dahil lamang sa personal mong pinagdaraanan alam ko kung gaano kahirap sayo ang mga nagdaang buwan pero heto ka ngayon nalampasan mo ang lahat ng yun simula na para matupad mo ang lahat ng pangarap mo"

"Oo nga Gab....para sa pamilya ko sisikapin ko na maging maganda ang buhay nila"

"Tuloy pa ba ang balak mo nasa Esquivel magtrabaho matapos ang lahat ng nangyari sa inyo ni Raphael?"

Naikwento ko na kay Gab ang pagiwan sakin ni Raphael para puntahan at sundan si Erika sa Macau.....ang katotohanan na kahit kailan hindi ko pwedeng tapatan ang pagmamahal nito kay Erika kaya alam ni Gab ang lahat ng pinadaanan ko hetong nakalipas na buwan dahil bukod kay Joyce hindi sya nawala sa tabi ko kahit noong una gusto ko na sumuko sya ang nagparealize sakin na kailangan kong lumaban hindi lang para sa pamilya ko kundi para sa sarili ko...

"Oo Gab.....Sa Esquivel ako magtatrabaho walang magbabago at diba napagusapan na natin kung maaari wag na sana nating balikan ang nangyari samin ni Raphael ilang buwan na rin yun okay na ako at sigurado okay na rin sya kasama si Erika sa Macau"

"Pasensya na....hindi na mauulit...."

"Sunod ka na lang sa bahay Gab..may konting salo salo..."yaya ko kay Gabriel...

"Sige ba...hindi ko tatangihan yan minsan mo lang ako imbitahin..."

Nagpaalam na rin ako kay Gab may tatapusin lang daw sya sa loob tapos susunod na rin daw sya sa bahay mamayang konti.

GABRIEL'S POV

Kung dati gustong gusto ko na bumalik ang alaala ni Erika dahil ayoko na sya mabuhay sa katauhan ni Karina na gusto ko harapin nya ang nakaraan nya para na rin sa ikakaayos ng lahat alam kong masasaktan sya once naalala nya ulit yun pero mas alam kong mas masasaktan sya kung patuloy nya pa rin syang mabubuhay sa katauhan ng ibang tao pero dati yun ng hindi ko pa nalalaman na ako ang naging dahilan ng lahat ng ito...Gugustuhin ko nang mabuhay sya bilang Karina kesa bumalik ang alaala nya at madiskubre nya na ako ang gumahasa sa kanya hindi ko kakayanin na kamuhian ako ni Erika lalo ng malinaw na ang lahat sakin na tama ang sinabi ng papa....

FLASHBACK 2YRS AGO

"Bro...magpopropose na ako kay Erika....yayain ko na syang magpakasal...."sabi sakin ni Raphael.....

FOR ALL OF MY LIFE (ASHRALD FF)Where stories live. Discover now