CHAPTER FIFTYTHREE-

973 22 5
                                    

GABRIEL'S POV

Ayoko ng dagdagan pa ang sakit na nararamdaman ng puso ko na akala ko kaya ko kaya ako pumunta dito pero sarili ko lang ang na convinced ko hindi ang puso ko kaya sinadya ko ng hindi pa pakingan ang pagaannounced ni Raphael na engaged na sila ni Erika ngayon nandito ako nakaupo sa buhanginan at tinatanaw ang buong dagat...

Nagulat na lamang ako ng may lumapit sakin at umupo sa tabi ko...

"Candice?"taka kong sambit sa pangalan nya ng tingnan ko sya na nakatingin sa kabuan ng dagat.

"Mahal mo pa nga sya....."

"I'm sorry.."

"Bakit ka nagsosorry huh Gab?"sabi nya na ngayon ay nakatingin na sakin.

"Dahil nasaktan kita noong sinabi kong may gusto ako sayo.."

"Alam ko yun na kahit sinabi mo sakin na may gusto ka sakin hindi naman ako tanga para maniwalang hindi mo na mahal si Erika alam kong nasabi mo lang yun dahil kinoconvince mo ang sarili mo na kaya mo syang kalimutan..Take your time Gabriel not in one glimpse alam mo sa sarili mo na ganun mo na lang kadaling makakalimutan ang babaeng minahal mo buong buhay mo..At ang pinaka importante wag na wag kang kukuha ng sinuman para ipangtapal sa sugat dulot ng sakit"

"Gustong gusto ko na syang kalimutan kung alam mo lang na gustong gusto ko ng mamatay ang lahat ng pagmamahal na nararamdaman ko para sa kanya..Sinabi ko sa kanya na pinakakawalan ko na sya pero bakit pilit pa rin akong kumakapit sa pagmamahal kay Erika.."

"Walang paraan kung paano natin kayang kalimutan ang taong buong buhay nating minamahal na kahit sabihin pa natin dito na pinakakawalan natin sila it doesn't mean ito rin ang sinasabi ng puso natin..Gab it's a very long process kung paano tayo bibitaw sa isang pagmamahal isa dun ang time and acceptance..Time na hindi kailangan pinipilit at minamadali dahil mas lalong masakit kung ipepressure natin ang sarili natin na makalimot walang time limit sa isang taong gustong makapaglimot isang buwan dalawang buwan o kahit taon at sa panahon tinuturuan mo ang sarili mo kung paano lumimot unti unti mo ring turuan ang sarili mo na tangapin ang lahat..Acceptance is the hardest part of letting go but once tangap mo na dyan sa puso mo ang lahat magigising ka na lang isang araw na nakawala ka na sa pagmamahal mo kay Erika..Gabriel kaya mo yan kung mahal mo si Erika this time ikaw ang kailangan na magparaya para sa ikakaligaya nya..."

Hindi napigilan ng mga mata ko ang lumuha sa sinabi ni Candice hindi ko alam kung saan nang gagaling ang lahat ng mga lumalabas sa bibig nya..Naranasan na rin ba nya ang ganitong klaseng pagmamahal gaya ng naranasan ko kay Erika dumaan na ba sya sa ganitong point gaya ng pinagdaraanan ko dahil kung hindi saan nya hinuhugot ang salitang sinasabi nya sakin..

"Ikaw Candice..Naranasan mo na ba ang magmahal?"biglang lumabas sa bibig ko..

Hindi kaagad nakatugon si Candice..

"Oo Gabriel...isang beses na akong nagmahal sa isang tao na walang idea na mahal ko sya minahal ko sya na nakuntento na lamang ako na sarilinin yun..Sya ang kaisa isang lalaking nagturo sakin ng salitang pagmamahal.."

"Anong nangyari nasaan na sya ngayon?"

"Gabriel hindi mo ba talaga ako natatandaan?"

Nagulat ako sa huling sinabi ni Candice hindi ko alam kung anong gusto nyang ipaalala sakin..

"Huh?What are you talking about Candice?Wala akong maalala..."

"I don't know if this is the right time para sabihin ko sayo ang lahat lahat...but alam ko naman na malalaman mo rin soon.."

"Can you get straight to the point...."

FLASHBACK (CANDICE DEL MUNDO's POV)

Bagong lipat lang ako sa univesity na ito galing ako sa Nueva Ejica na grant lang ang scholarship ko kaya ako nagkaroon ng oppurtunity na makapasok dito sa Maynila..Ang tatay ko may ari lang ng maliit na lupain na taniman ng palay sa probinsya katulong ang aking nanay may kapatid akong lalaki na naiwan sa probinsya si Estong mas bata sya sakin ng tatlong taon at nasa second yr highschool na sya..

FOR ALL OF MY LIFE (ASHRALD FF)Where stories live. Discover now