CHAPTER THIRTYNINE-FACE TO FACE

1.2K 18 9
                                    

ERIKA'S POV

"Bakit hindi mo sinabi kaagad huh?"ani ni Raphael ng sabihin ko sa kanya kung paano ko natuklasan ang totoo na si Gab ang sumira ng buhay ko at ang paraan kung paano ko sya paghihigantihan.

"Dahil ayaw na kitang madamay sa lahat ng gulo dahil ayaw kong sirain kung ano mang pangalan meron ka ang gusto ko tuluyan ka ng mawala sa buhay ko dahil ayoko pati ikaw masadlak sa kahihiyan"

"Erika naman mahal kita at kapatid ko si Gabriel kahit saan mo tingnan hindi pwedeng hindi ako madadamay at wala akong pakealam kung ano man ang meron ako ang importante sakin ay ikaw lang wala ng iba"

"Hindi ko naman kasi inexpect na hahantong sa ganito ang lahat ang gusto ko lang ay kalimutan ka para maisagawa ko na singilin si Gabriel sa lahat ng ginawa nya sakin dahil alam ko once na maramdaman ko na hindi pa rin ako tumitigil mahalin ka alam kong yun ang bagay na makakapanghina sakin para pagbayarin ang kapatid mo pero nangyari na nga ito mga bagay na hindi natin inaasahan mga damdaming hindi mapigilan at ang pagmamahal ko pa rin ang nangibabaw sa kabila ng galit na meron ako sa kapatid mo"

"Pero ngayon alam mo ba kung gaano kasakit sakin ang malaman ang totoo yung pakiramdam na nagpupuyos ang dibdib ko sa galit na gusto kong sugurin si Gabriel para ipamukha sa kanya na hindi lang ang buhay mo ang sinira nya pati ang buhay ko pero may part ng puso ko na nagsasabi na kapag ginawa ko yun ano na lang ang mararamdaman ng mga magulang namin alam ko bukod sating dalawa higit din silang maapektuhan once malaman nila ang ginawa sayo ni Gabriel lalo na ang mama"

"Kung nagawa kong kalimutan ang galit dahil sa pagmamahal ko sayo na kung dati halos sumabog ang puso ko sa galit para sa kapatid mo na pakiramdam ko biglang naglaho dahil nahigitan ito ng pagmamahal ko sayo..At noong sinabi mo totoo tungkol sa pagkatao ni Gabriel naisip ko na paano kung nalaman nya na ang kinikilala nyang pamilya ay hindi pala ito ang totoong pamilya panigurado ako na hindi ito makakayanan..Hindi pa ba sapat yun na kabayaran sa lahat ng ginawa nya sakin ang nabuhay sya ng ilang taon sa katauhan na puro kasinungalingan..."

"Yun nga ang isa pang masakit Erika na alam ko kung anong mararamdaman ni Gabriel once malaman nya ang totoo na hindi sya tunay na Esquivel na buong buhay nya ay nabuhay lang sya sa kasinungalingan paano ko haharapin ang taong simula pa ng ipanganak ay ipinagkait na sa kanya ang katotohanan?Hindi ko alam kung saang parte ng puso ko ilulugar ang galit ko sa kanya dahil may part din ng puso ko na nagsasabing kapatid ko pa rin sya pero habang iniisip ko yung ginawa nya sayo parang sya ang unang nakalimot ng pagiging magkapatid namin"

"Hindi ko alam kung saan tayo dadalhin ng lahat ng ito dahil ako hindi pa rin alam kung handa kong patawarin si Gabriel sa lahat ng ginawa nya sakin pero handa akong kalimutan ang lahat ng galit na nararamdaman ko para sa kanya at alam ko magagawa ko yun dahil sa pagmamahal ko sayo"

"Madaling magpatawad Erika pero mahirap makalimot lalo na kung ang taong nanakit sayo ay isa sa mga taong pinahahalagahan mo walang kasiguraduhan ang buhay gaya nang mga nangyayari ngayon na buo na sa puso mong paghigantihan si Gabriel pero isang iglap handa kang kalimutan ang galit mo para sa kanya.."

"Sapat na ang nararamdaman kong mahal kita para iabsorb pa ng puso ko ang galit...Na kung dati akala ko hindi ko kayang malimutan ang galit ko kay Gab na akala ko magiging masaya ako once mapagbayaran ang ginawa nya sakin pero hindi mas sasaya ako sa pagmamahal ko sayo.Raphael kakausapin ko si Gabriel sasabihin ko sa kanya na alam ko na ang ginawa nya sakin ang lahat ng plano kong paghigantihan sya at kung ano man ang magiging resulta ng paguusap namin yun ang kailangan nating harapin"

"Tayong dalawa ang kailangan humarap kay Gabriel.."

"Hindi na Raphael wag biglain ang lahat ayokong malaman nya kung ano man ang namamagitan satin sa ngayon mahirap para sakin ito Raphael na humarap kay  Gabriel at sabihin ang lahat lahat sa kanya kung paano nya sinira ang buhay ko pero kailangan ko tong gawin kailangan ko ng kumawala sa sakit dulot sakin ng nakaraan"

FOR ALL OF MY LIFE (ASHRALD FF)Where stories live. Discover now