CHAPTER FOURTYTWO-This is extra ordinary

1.2K 34 12
                                    

ERIKA'S POV

Habang kausap si Gabriel nagulat na lamang ako sa paglapit ni Tita Veron at kaagad nya itong niyakap..

"Thanks god you're safe,anak"mangiyak ngiyak na sambit ni Tita Veron.

"I'm sorry Ma."tugon niya sa kinikilalang ina.

"Shhhh...Basta mangako ka lang na hindi mo na uulitin huh..Nagaalala ako sayo "

"I promise Ma."pangako ni Gab.

Lumapit sakin si Tita Veron."I'm sorry Erika hindi ko alam kung paano ako makakabawi sa lahat ng naging kasalanan ko sayo" seryosong sabi ni Tita Veron sakin.

"Kalimutan na po natin ang nakaraan Tita...Napatawad ko na po si Gabriel"nakangiti kong tugon at tsaka nagyakapan kami ni Tita Veron.

"Alam nyo na Ma?"takang tanong ni Gabriel.

"Oo Gab alam na ng mama mo..."ako na ang sumabad kinakabahan ako baka inaakala ni Gab na alam na rin ng kanyang mama ang tungkol sa lihim na hindi sya totoong anak nito.

"Pati ang tungkol sakin?Sa totoong......"hindi pa natatapos magsalita si Gabriel na mabilis ko syang pinigilan.

"Gab..wag na muna natin siguro pagusapan ang lahat positive vibes muna tayo ngayon."pagiiba ko ng topic..

"Tama si Erika,,anak.Ang importante nakapagpatawaran na ang lahat at ngayon handa na ulit tayong harapin ang bukas na darating"

"Yeah Ma..at sobrang saya ko dahil wala akong hinangad kundi ang kapatawaran ni Erika at sana mapatawad din ako ni Raphael sa lahat...By the way nasaan nga pala sya?"ani ni Gabriel.

"Wait anak nasa labas sila ng papa mo...Tawagin ko na..Uuwi na rin ako muna ako para makapag freshen up at makakuha ng gamit mo"tugon ni Tita Veron.

"Sige po Ma..Take care"sambit ni Gab...

Yumakap muna si Tita Veron sa anak..."See you later anak"ani ng mama nito.

"Ikaw muna bahala kay Gab huh..Erika"bilin ni Tita Veron sakin...

"Opo Tita..ako po bahala sa kanya"tugon ko.

"Erika...Paano tinangap ng mama ang lahat?"

"Alam na namin ang lahat Gabriel....Ang tungkol sa nangyari noong gabing yun...ikinuwento na samin ni papa mo ang totoo pati ang pagbablackmail mo sa kanya tungkol sa totoo mong pagkatao wag lang sabihin samin ang katotohanan pinagtakpan ka nya dahil ayaw nyang malaman ng mama mo na hindi ka nya tunay na anak"

Hindi kaagad nakatugon si Gab alam ko kahit anong iwas namin na balikan ang nakaraan may mga oras na kailangan namin itong pagusapan para sa ikakalinaw ng lahat.

"Sobrang mahal na mahal lang kita Erika kaya ko nagawa yun dahil ayokong kamuhian mo ako at mawala ka sakin..."

"Tama minsan may nagagawa tayong mali once na nagmamahal tayo nakakalimutan na natin ibalance ang mga bagay bagay kapag ang puso na ang nasunod hindi na natin naiisip na minsan sa sobrang pagmamahal natin sa isang tao nasasaktan na pala natin sya..Hindi pala pwedeng mahal mo lang ang isang tao Gabriel para maging okay na ang lahat dahil sa pagmamahal nayun marami ka pa kailangan i consider marami ka pang kailangan isipin.."sabi ko na hindi na ako sigurado kung para ito kay Gab o para sa sarili ko dahil ako habang nararamdaman kong mahal ko si Raphael hindi ko na rin iniisip ang tama sa mali.

"Alam ko mahihirapan na ako para maibalik satin ang lahat Erika dahil sa nangyari alam kong napatawad mo na ako pero sarado na ang puso mo para sakin..Pero ako hindi ako titigil na mahalin ka Erika sisikapin ko na pagkatiwalaan mo ulit ako.."

FOR ALL OF MY LIFE (ASHRALD FF)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt