CHAPTER FIFTYEIGHT--ALL WE NEED IS TIME

858 14 8
                                    

ERIKA'S POV

"Babe remind ko lang may meeting tayo wedding coordinator"sabi ni Raphael mula sa kabilang linya...

"Okay babe..."tugon ko

"I'll pick you up around three"

"Sige Raphael...see you later"

Nandito lang ako sa bahay maghapon hindi na rin ako pumasok sa opisina dahil mabigat ang pakiramdam ko kaninang umaga pag gising ko marahil epekto ito ng pagbubuntis ko ayon naman sa doctor normal lang naman daw minsan ang bumigat ang pakiramdam at kailangan lang daw na ipahinga kaya ngayon medyo maayos na ako kaya hindi ko na pinacancel pa kay Raphael ang meeting with the wedding coordinator.

Kaya hihintayin ko na lang si Raphael dito hanggang sa sunduin nya ako..At hindi ko na rin namalayan na nakatulog ako at bigla na lamang akong nagising sobrang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa napanaghinipan ko...SI CASSANDRA pilit nyang kinuha ang baby namin ni Raphael at nang habulin ko sya bigla na lamang syang naglaho.

"Anak nasa baba na si Raphael..may usapan pala kayo "sabi ng mama ng pumasok ito sa kwarto buti na lang nakabihis na ako bago ako nakaidlip.

"Sige Mom...bababa na ako..."

"Are you okay..hija?You looked pale..."puna ng mama sakin.

"Don't worry Mom..I'm fine.."pagdedeny ko na kahit sobrang affected pa rin ako sa napaghinipan ko kanina.

"Babe...Mukhang tahimik ka kanina parang wala kang imik ng nakikipagusap tayo sa coordinator..Masama pa rin ba pakiramdam mo huh?Sana pina posponed na natin at ini schedule sa ibang araw para naman makapag pahinga ka ng mabuti"pagaaalalng sabi ni Raphael habang nandito kami sa kotse kakatapos lang namin ng meeting with the coordinator.

"Raphael..Nagkausap na ba kayo ni Cassandra?"naitanong ko dahil hindi mawala sa isipan ko ang napanaghinipan ko kanina and it's really bothering me.

"Hindi pa Erika this past few days hindi ko naman sya nakikita gusto ko nga rin sya makausap to clear things up pero hindi naman sya nagpapakita sakin"

"Mas lalo akong kinakabahan Raphael hindi natin alam kung anong plano ni Cassandra dahil sigurado ako humahanap lang yun ng tiyempo para totohanin nya ang banta na nya na sisirain nya tayong dalawa"

"Erika..Don't worry about her once mabigyan kami ng chance na magkausap sasabihin ko na sa kanya na tigilan na ang lahat ng ito na tangapin na nya ang lahat na tayo ng dalawa basta ikaw wag mo masyadong iisipin yun remember kung anong nafefeel mo nafefeel rin ng baby natin kaya dapat laging stress free and worry less para positive vibes lang ang maabsorb ng baby okay"

Tumungo lang ako ayoko na rin naman pagisipin at pagalalahin si Raphael sakin kaya iiwasan ko na hanggat maaari na alalahanin si Cassandra..

"Wag ka nga masyadong praning best"sabi sakin ni Joyce isang araw na nagkayayaan kami na maglunch dito lang sa may tapat ng opisina nabangit ko kasi sa kanya ang pagaalala ko kay Cassandra at sa mga banta nito.

"Friend...Okay lang naman na sakin kung lalaban sya ng patas at yung wala akong dinadala sa sinapupunan ko pero Joyce may buhay akong isinaalang alang ang anak namin ni Raphael kung hindi lang ako buntis hindi ko naman aatrasan ang impakta na Cassandra na yan pero paano kung may masama syang balak at magawa nya akong saktan?"

"Erika,,hindi ka pababayaan ni Raphael hindi nya hahayaan na makalapit sayo yung Cassandra na yun para saktan ka kaya ikaw wag na kung anong iniisip mo......"

"Hindi ko lang maiwasan lalo nat ilang araw na ring hindi ko nararamdaman ang presence nya baka isang araw bigla na lang yun bumulaga at magpasabog"

FOR ALL OF MY LIFE (ASHRALD FF)Where stories live. Discover now