CHAPTER FIFTYFOUR-UNEXPECTED SITUATION

938 18 4
                                    

Erika's Pov

"Kanina ka pa tahimik huh...may problema ba?"pagaalalang tanong sakin ni Raphael halos patapos na rin kasi ang party at unti unti na ring nagsisibalikan ang mga guest sa kani kanilang kwarto.

"Huh..Hindi ok lang ako siguro napagod lang..."tugon ko pero sa totoo lang rumeregister pa rin sa isip ko yung ginawa sakin ni Gabriel kanina yung paghalik nya sakin na naabutan kami ni CANDICE...Hindi mawala sa isip ko yung reaksyon nito ng makita kami sa ganung tagpo nakita ko sa mga mata nya ang sakit...

"Gusto mo magpahinga ka na tapos naman na ang party eh sige na umakyat ka na ako na bahala dito"

"Sure ka?"

"Oo naman late na rin noh baka makasama sa baby kung magpupuyat ka right"

"Sige...Mauna na ako huh..."paalam ko kay Raphael..

"Sige babe.."tugon nito sakin binaunan pa nya ako ng halik sa cheek .

"Sunod ka kaagad huh.."pahabol ko.

"Opo Mam"nakangiti nyang sagot.

Pagbukas ng elevator nagulat na lamang ako ng nandun si Candice at Gabriei gusto kong tumalikod at wag ng sumakay lalo nat kaming tatlo lang ang nasa loob pero ningitian naman ako ni Candice at baka kung ano ang isipin nya kapag hindi naman ako sumakay bago mas lalo syang magisip sakin ng hindi maganda..

"Hi.."nakangiting bati sakin ni Candice.

"Hi.."tugon ko.

"Nice party.."sya

"Thanks"ako...Hindi maiwasan ng mata ko ang mapatingin kay Gabriel ma nakapwesto sa pinakasulok ng elevator at nakatingin sa kawalan...

"So ..when is the wedding?"tanong ni Candice.

"Two months from now"ako...napaka awkward ng moment na ito sa pagitan naming tatlo na para bang ang hirap maging casual knowing sa loob loob namin ay may namamagitang tensyon sa bawat isa...

Bumukas na ang elevator at sila ng dalawa ang bumaba ang ibig sabihin magsasama sila ngayong gabi ni Gabriel na kanina lang ay naabutan kami ni Candice na magkadikit ang labi.."Hui Erika wag madumi ang isip....malay mo inihatid lang ni Gab si Candice sa kwarto nito"convince ng isip ko..

Dumeretso na ako sa kwarto ko at isinalampak ko na ang aking likod sa kama....medyo napagod din ako sa pageestima ng bisita kanina kaya yun hindi ko na namalayan na napapikit na rin ako........

RAPHAEL'S POV

Inayos ko ng pwesto si Erika ng maabutan ko sya sa kama napagod siguro kaya hindi man lang nakapagpalit ng damit bahagya akong ngumiti habang minamasdan sya..

''I love you so much Erika"bulong ko habang nakatitig ako sa kanya hinalikan ko muna sya sa noo at tumayo na rin para magshower...

"GOOD MORNING BABE"nakangiting bati sakin ni Erika ng maabutan ko syang nagseset ng table for breakfast...

Naglakad ako palapit sa kanya at niyakap ko sya mula sa likod.."Ahhhmpp...Ikaw talaga tinulugan mo ako kagabi..."malambing kong sambit.

Humarap sya sakin "Ohh..sorry sobrang napagod lang talaga ako paghiga ko nga nakatulog na ako ng deretso eh"sabi nito habang nakatingin sa mga mata ko.

"Okay lang noh by the way nakita mo ba si Gabriel kagabi kasi saglit lang kami nagkita bago magstart ang party then hindi ko na sya nakita"tanong ko kay Erika na ngayon ay nakaupo na ako at sya sinasalinan ng coffee ang tasa ko.

"Ah oo nakita ko sya kagabi"tugon ni Erika..

"Hmmm...Nagusap ba kayo?"

"Nagbatian lang kami...."

FOR ALL OF MY LIFE (ASHRALD FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon