CHAPTER ONE-- MEET KARINA DE ASIS

4.4K 28 3
                                    

KRINGGGGGGGGGG* (tunog galing alarm clock)

Nakapikit pa ang mata ko habang kinakapa ko ang alarm clock sa table sa gilid ng kama ko.."BADTRIP MALAPIT NA EH"sabi ng isip ko na ang tinutukoy ko ay ang panghinip ko na konti na lang ay magkikiss na kami ng aking love of my life na si RAPHAEL ESQUIVEL...

Bahagya akong bumangon nakasanayan ko na bago ako tumayo ay para lang akong baliw na nakikipagusap sa mga posters nya na nakadikit sa pader ng kwarto ko.."GOOD MORNING MY LABS...Promise bukas matutuloy na rin ang kiss natin inistorbo lang kasi tayo ng bwisit na alarm clock na eh" kausap ko sa nakadikit nyang larawan...

Pero nagulat na lamang ako ng may bumatok sakin..."Ouch!!"sabay hawak kung saang parte ako ng ulo binatukan...Expected ko na si nanay yun...

"UY KARINA...AYOKONG MAGKAROON NG ANAK NA LINGO LINGO DADALAWIN KO SA MENTAL HUH..."sambit ng nanay....ewan ko ba sa kanya na sa tagal ng panahon hindi pa rin nya natatangap si RAPHAEL bilang future son in law nya..

"Makabatok wagas...Nay kahit ilang beses nyo akon batukan hindi maalog ang utak ko no para magkaroon ako ng amnesia dahil hindi naman utak ang nagsasabing mahalin ko si RAPHAEL kundi ito..."sabay turo ko sa bahagi ng aking puso...

"Tsaka nga pala anak...kamusta yung inaalok sayong trabaho ng Ate Gina mo sa Macau? "

"Nay alam nyo naman pong ikakamatay ko kapag malayo ako sa inyo..At pangarap ko pa rin po matapos ang college ko kaya nga po nagwoworking student ako diba gusto ko pong maging sikat na chef balang araw nay....Kaya nay please dalawang sem na lang tapos na ako....Sayang din naman po yung scholarship diba po ba?"

"Ok Anak kung ano man ang makakapagpaligaya sayo..Masaya na rin ako na kahit halos mabaliw ka na dyan sa RAPHAEL na yan hindi mo pinababayaan ang pagaaral mo at determinado ka matupad ang pangarap mo"

"Opo nay pangarap na maging Mrs.KARINA DE ASIS- ESQUIVEL......"

"Ewan ko sayo bata ka....Sya magayos ka na baka malate ka sa klase mo.."

Scholar pala ako dito sa ESQUIVEL culinary school diba hindi obvious ang undying love ko para kay RAPHAEL dahil pinilit ko talagang makapasok sa pagmamayari nilang eskwelahan...Dahil lahat ng pumapasok dito autimatic dumederetso sa company nilana syang may hawak ng pinaka sikat na hotel,,restaurants and resorts sa buong Pilipinas...At ako sinisigurado ko na ako ang magiging pinakamagaling na PASTRY CHEF buong Pilipinas para naman hindi na ako maalangan sa kanya...

"Ynah........"sigaw ng bestfriend kong si Joyce nakatayo sa harap ng gate ng university na exclusive para sa gustong maging chef....Ynah pala ang nickname ko short for KARINA ..

"Oh balita?"tanong ko kay JOYCE ng lumapit ako sa kanya.

Hindi sya tumugon bagkus ay hinawakan nya ako sa braso at hinila papasok sa loob ng campus..."Bakit ba nanghahatak..?"

At tumapat kami sa bulettin board "Best..naguundergo ang ang university para pumili ng ilang students para magtraining sa isa sa mga HOTELS ng mga ESQUIVEL...This is your chance Ynah para ma meet ang love of your life na si RAPHAEL tara apply tayo magstastart ang training this sem break atleast walang hassle diba?"sabi ni JOYCE ng ituro nya sakin ang announcement na naka paskil sa bulletin board...

Kumabog ang dibdib ko once mapili ako na isa sa mga trainees may possibilidad na makasama ko ang aking pinakamamahal....at tama si JOYCE sembreak kaya walang conflict sa sked ko makakapasok pa rin ako sa coffee shop...

"Ano sis? GORA na tayo...Kuha na tayo ng form para maka pagfill up..."yaya ni Joyce...

"Tara......"ako naman ang humawak sa braso ni Joyce at nagmamadal kaming tumakbo papuntang admin kung saan makakakuha ng form..

FOR ALL OF MY LIFE (ASHRALD FF)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang