CHAPTER FOURTYEIGHT-for the rest of my life

1.2K 29 7
                                    

RAPHAEL POV

Papungas pungas pa ako ng mata ng maaalala ko na dito pala ako sa coach sa labas nakatulog dahil ayaw akong makatabi ni Erika kagabi...Pero natatandaan ko wala akong kumot ng natulog ako pero bakit meron ng kumot na nakapatong sakin...napangiti ako ng maisip na si lumabas si Erika para i check ako..Babangon na sana ako ng makita ko si Erika na paupong natutulog sa sofa sa may side ng coach na hinigaan ko...Napabalikwas ako ng tayo at nilapitan sya...

"Erika..."sambit ko sa pangalan nya para gisingin sya...

Bahagya syang napaungol habang nakapikit pa rin sya..

Tinapik ko sya sa balikat para gisingin....at doon ay idinilat na nya ang kanyang mga mata..

"Gising ka na pala Raphael wait lang huh...Ipeprepare kita ng bfast..."natatarantang tugon ni Erika...

"No thanks okay lang ako...At ikaw bat dyan ka naman natulog?Hindi ka pumasok sa loob Im sure nangawit yang katawan mo sa posisyon mo magdamag"nagaalala kong sambit sa kanya.

"Gusto lang kita samahan..."sagot nito at tumayo na ito sa pagkakaupo...

"Oh saan ka pupunta bat ba aligaga ka?"

"Ipaghahanda nga kita ng food"pagpupumilit nito..

"Ano yan peace offerring dahil sa pagsusungit mo sakin kagabi?"nakangisi kong sabi..

"Sorry po...Kulit mo kasi kagabi eh"sabi nito na nagpapaawa pa ang facial expression.

"Halika nga dito....."sabi ko sabay hatak ko sa kamay nya at ngayon ay nakaupo na sya sa lap ko...

"Wala sakin yun siguro ganyan talaga ang mood swings ng mga buntis paiba iba...Minsan okay minsan hindi basta iintindihin ko kahit pagsungitan mo pa ako araw araw atleast sigurado ako na maganda o pogi yang baby natin"masaya kong sabi sabay himas sa tiyan ni Erika na sa ngayon ay hindi pa naman umuumbok....

"Thank you Raphael ah...Hindi ko nga din maintindihan kung bakit ganito ako minsan gusto kita makita minsan naman ayaw ko...At yung pakiramdam na parang ang bigat bigat ng katawan ko..."

"Konting tiis lang babe mabilis lang ang panahon soon lalabas na rin yang si baby...."tugon ko kay Erika...."At ikaw naman baby wag mo masyadong pahirapan si nanay okay...chill ka lang dyan sa loob ako tuloy ang pinagiinitan..Ang sungit sungit sakin..."kausap ko sa baby sa tiyan ni Erika.

"Oo nga baby...wag mo naman masyadong pahirapan si nanay pati kasi si tatay nahihirapan kapag sinusungitan ko sya eh...Wawa naman sya kapag gabi gabi syang matutulog sa sofa...."si Erika naman ang kumausap sa baby sa tiyan nya...

"Okay babe dahil lumipas na yang topak mo sakin ngayon ay ipaghahanda na kita ng almusal dahil for sure gutom na rin yan si baby...."

"Ako na babe....Ako naman ang magsisilbi sayo..."

"No ang gusto ko magrelax ka lang dyan usap muna kayo ni baby while Im preparing your food ayokong napapagod ang prinsesa ko kaya wag ka ng magreklamo ok?"sabi ko tumayo na rin si Erika na nakaupo sa lap ko at ako naman ay dumeretso na sa kusina para maghanda ng pagkain..

"Ikaw talaga buntis ako noh hindi ako imbalido kailangan ko rin bumawi sayo dahil sa pagsusungit ko sayo kagabi"

"Dyan ka lang wag kang kikilos okay at wag ka ng humirit pa madali lang ito "sigaw ko mula sa kusina..

Hindi rin naman nagtagal ay natapos na rin akong luto...

PANCAKES,,SCRAMBLED EGGS,BACON,and SAUSAGE ang prinepare kong bfast para kay Erika.....

"Food is ready my princess"nakangiti kong sabi ng puntahan ko sya sa pwesto nya kanina.

"Ikaw huh masyado mo akong iniispoiled baka masanay ako nyan"

FOR ALL OF MY LIFE (ASHRALD FF)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora