CHAPTER EIGHTYONE

643 7 3
                                    

ERIKA'S POV

"Ready ka na ba for the launch tomorrow huh Raphael?"tanong ko sa kanya habang nagaalmusal kami.

Pero hindi sya sumagot na para bang ang layo ng nilalakbay ng kanyang diwa.

"Raphael...."tawag ko sa pangalan nya sabay hawak sa kamay na nakapatong sa ibabaw ng lamesa at tsaka ko lang napukaw ang kanyang atensyon.

"Ah ano ulit yun Erika?"sabi nito na tila bumalik sa sariling ulirat.

"Are you okay? Para kasing wala ka sa sarili mo eh"puna ko dito.

"I'm fine ...iniisip ko lang yung launch bukas..."

"Akala ko ba okay na ..tsineck mo na nga yung presentation na ginawa ng marketing dept sabi mo maganda and sigurado ka na magiging positive ang magiging outcome nito."

"Syempre hindi ko rin ma avoid ang mag worry .."tugon nya sakin.

"Kailan ka pa nagalala about sa launch?Every year namn itong ginagawa ng kumpanya huh at lagi naman nagiging successful ang results..."taka kong sabi.

"Tama ka,,Bakit nga ba ako magaalala kahit kailan naman hindi ako dinisappoint ni Francis he always make sure na laging okay lahat"

"Kaya ikaw wag mo na istress ang sarili mo tungkol dyan lalo pang confident ka naman kay Francis na talagang ginawa nya ang lahat to make sure na maging maganda at maayos ang outcome ng launch bukas"

"I know and I'm confident na magiging okay din ang lahat bukas...."nakangiting sabi ni Raphael..

"Oh yun naman pala eh kaya relax ka lang at don't worry about it okay"

Tumungo sya at ngumiti....

Nagpaalam na rin sakin si Raphael na papasok na sa opisina...

Hindi ko alam kung bakit hindi ako makonvince na tungkol sa launch ang dahilan kung bakit parang wala sa sarili si Raphael pero iniiwasan ko na rin na pangunahan ako ng kutob ko at pinilit ko na lang din ang sarili ko na maniwala sa kanya.

Umalis muna kami ni Miggy para bisitahin si nanay Josie nagpaalam naman na ako kay Raphael kagabi pa gusto ko na rin makita si Joyce at kamustahin ang pagbubuntis nya..

"Oh Erika wala dyan ang nanay mo isinugod sa hospital si Joyce manganganak na yata"sabi sakin ng kapitbahay ng maabutan ako nito na nasa harapan ng bahay nina nanay Josie..

"Ganun po ba?Alam nyo po ba kung saang hospital dinala si Joyce?"tanong ko dito..

Matapos sabihin sakin kung saang hospital ay kaagad na akong sumakay sa kotse at sinabihan ang driver na dalhin ako sa hospital kung saan isinugod si Joyce.

"Nanay..pupuntahan po natin si Mommyninang then we're gonna see the baby?"sabi sakin ni Miggy habang binabagtas namin ang way papuntang hospital narinig kasi nya ng usapan namin ng kapitbahay kanina kaya heto naguusisa na.

"Yes baby pero dapat wag masyadong magulo sa hospital dapat behave lang tayo para hindi magising ang baby ni Mommyninang okay?"bilin ko sa bata.

"Of course nanay...behave lang po ako promise hindi po ako makulit"mabilis nitong tugon tinaas pa nito ang kanang kamay bilang pangangako na hindi ito magiging makulit.

Inabutan din kami ng traffic kaya napatagal din bago kami makarating sa hospital tinawagan ko naman si Kuya Dennis sabi nito nasa delivery room pa rin si Joyce..

Nang makarating kami ng hospital ay patakbo akong naglakad hawak hawak ang kamay ni Miggy..

"Nay dahan dahan naman po madadapa na po ako"reklamo nito hindi ko namalayan na kinakaladkad ko na pala sya dahil sa bilis ng paglalakad ko..

FOR ALL OF MY LIFE (ASHRALD FF)Where stories live. Discover now