"Kayo ang katrabaho niya?" napakunot ang noo na pag-uulit niya. Muli namang tumango ang babae, "Anong nangyari sa kaibigan ko?" she added a direct to the point question.



"'Yong client niya, sinaksak siya ng mismong client niya," paunang kwento nito sa nangyari.



Athena covered her mouth after being surprised by the information she heard. "Sinaksak? Anong rason para gawin 'yon? Mabait ang kaibigan ko, wala naman siyang gagawing ikakapahamak niya. Alam ko 'yon at sigurado ako! Bakit sinaksak? Anong motibo para gawin 'yon?!" sunod-sunod niyang tanong na napapasigaw na siya, mukhang hindi na niya ma-control ang sarili. 



"Ikaw po ba si Athena? Konektado po kasi kay Athena ang nangyari. 'Yon po ang sigurado kami," tugon nito na tumingin pa sa kasama niya. Tumango naman ang kasama niya kay Athena para ipahiwatig na totoo ang sinasabi ng katrabaho niya.



"Sa akin? Oo, ako si Athena. Anong kinalaman ko sa nangyari?" ngayon ay mas nadagdagan ang napakaraming katanungan sa isip ni Athena dahil sa mga nalalaman niya.



"Kaano-ano niyo po si Raoul? 'Yon po ang huling client ni Clarice bago siya natagpuang nakahandusay sa kwarto habang halos maligo sa sarili niyang dugo."



"Raoul? Tatay ko 'yon! Ibig kong sabihin, dati kong tatay. S-Siya may gawa nito sa kaibigan ko?!" nagkatinginang muli ang dalawa dahil sa naging tugon ni Athena. "Sagutin niyo ako! Siya ba ang may gawa nito sa kaibigan ko?!" hindi mapigilan ni Athena na mapasigaw dahil sa mga nalalaman niya.



"Nakwento sa amin ni Clarice na gusto siyang maging client no'ng Raoul na 'yon, no'ng una ay ayaw niyang pumayag dahil masama ang lalaking 'yon, at dahil galit daw ang kaibigan niya ro'n which Is ikaw, dahil sa pag-iwan sa inyo ng Raoul na 'yon kaya ayaw niyang tanggapin ang alok nito."



"Pero anong nangyari? Bakit pumayag si Clarice na maging client ang hayop na 'yon? Anong nagpabago sa isip niya?"



"Ginawa niya 'yon para sa inyo ng kapatid mo. Faith ba? Ay hindi. Faye, oo Faye ang sabi niya. Dahil sa inyo kaya siya pumayag, kapalit ng pagpayag niya ay hindi na kayo guguluhin ng tatay niyo, ilang beses na niya naging client 'yong Raoul na 'yon."



Napaisip naman si Athena. "Kaya pala bigla na lang siya naglaho. Kaya pala hindi na siya muling nagpakita sa amin, at hindi na siya nagtangkang kunin sa akin ang kapatid ko dahil kay Clarice. Hanggang sa huli, kami pa rin ni Faye ang iniisip niya kahit sarili niya na ang kapalit nito. Hindi niya dapat dinanas 'to, e. Napakabuti niyang tao. Dapat magbayad ang Raoul na 'yon! Dapat niyang pagbayaran ang ginawa niya sa kaibigan ko!"  asik ni Athena na hindi matanggap ang dahilan ng pagkawala ng kaibigan niya.



"Siguro kaya niya nagawa 'yon ay para walang hahadlang sa kaniya para makuha ang kapatid mo. Para wala siyang iisipin na kasunduan, pinatay niya na lang si Clarice," dagdag pang komento ng katrabaho ni Clarice.



"Bakit kailangan ang kaibigan ko pa? P'wede namang ako! P'wede namang ako na lang ang pinatay niya! Bakit pati ang kaibigan ko ay kailangan niyang idamay?! Napakasama niya! Kahit kailan ay napakasama niya!"



"Huwag na kayo mag-alala sa Raoul na 'yon, Athena. Pagkatapos ng ginawa niya ay kaagad din naman siyang sumuko, inamin niya ang ginawa niya sa nangyari kaya mabubulok na 'yon sa kulungan."



Athena was stunned because of what she heard again. The anger on her face was obvious. She hates her father too much. Her anger increased even more because of what he did to Clarice.



Lumapit na ang dalawa kay Clarice. Kinausap nila ito na hindi naman maiwasan ni Athena na marinig ang usapan ng dalawa habang sinasariwa nila ang mga bagay na nagpapa-alala sa kanila kay Clarice, kung paano ito naging mabuting kaibigan sa kanila, kung paano ito makisama at magmalasakit sa kanila.



Countless Nights with Mayor | COMPLETEDWhere stories live. Discover now