chapter 45

25.7K 655 101
                                    

wedding day..

Dan

PABALIK BALIK ako sa salamin habang sinisipat ang hitsura ko kung ayos na. Lalo na mag barong na suot ko. Pinasadahan ko ng daliri ang buhok kong bagong gupit. Bagong ahit din ako kaya malinis na malinis ang mukha ko ngayon. Gusto kong maayos ang hitsura ko at gwapong gwapo kapag nagkita kami ni Maggie sa harap ng altar mamaya.

Humugot ako ng malalim na hininga. Kinakabahan ako na nae-excite. Ito ang pinakahinihintay kong araw. Ang araw ng kasal namin ni mahal.

Tok! Tok!

Nilingon ko ang pinto. Bumukas ito at sumilip ang binabaeng staff ng wedding planner na inupahan ko.

"Sir, oras na po para bumaba." Aniya sa malambot na boses.

Ngumiti ako. "Bababa na ko." 

Tumango lang ang staff at ngumiti sinarado ang pinto.

Muli kong tiningnan ang sarili sa life sized mirror. Inayos ko ang manggas pati ang relong suot.

Natawa ako sa sarili ko. Dati wala akong pakialam kung ano ang hitsura ko sa suot ko kahit kameeting ko pa ang mga executives. Ganun ako kaconfident. Pero iba kasi kapag si Maggie ang kaharap ko. Ayokong may mapuna sya sa akin kahit sa maliit na bagay lang. Tama na yung edad ko lang ang napupuna nya. Gusto ko perfect ako ngayon sa mga mata nya.

Humugot ako ng malalim na hininga at lumabas na ng kwarto. Nakaabang na sa baba ang mga staff ng wedding planner na inupahan ko.  Aligaga sila sa pag asikaso sa akin. Pinasakay na nila ako sa kotseng maghahatid sa akin sa simbahan. Sinenyasan ko ang driver. Tumango sya at binuhay na ang makina. Lumabas na kami sa hotel and resort na pinag checkin-an namin.

Humugot ako ng malalim na hininga habang patingin tingin sa labas. Mangilan ngilang establisyemento at bahay lang ang nakikita ko at puro luntian na. Dito sa Isabela namin napagkasunduang ikasal. Parehas espesyal sa amin ang lugar na ito. Sya ay dahil dito sya pinanganak at lumaki. Ako naman dahil dito ko sya nakilala.

"Mukhang kinakabahan kayo ser ah." Untag sa akin ng may edad na driver na nakangiti.

"Excited lang ho." Nakangiting sabi ko.

"Nakow! Alam na alam ko yang pakiramdam na yan. Ganyan na ganyan din ako ng ikasal kami ng misis ko. Para akong asong di maihi." Natatawang sabi nya.

Natawa na rin ako. Ganun nga ang nararamdaman ko ngayon.

"Congratulations ho ser." Bati ng driver.

"Salamat ho."

Pagkahinto ng kotseng lulan ko sa harapan ng simbahan ay napunta sa akin ang mata ng lahat. Bumaba na ako sa backseat at nginitian ang mga bisita. Present ang mga kaibigan ko kasama ang mga asawa nila at anak. Ganun din ang mga kaibigan ni Maggie na galing pang Manila. May mga kaibigan din syang taga dito na imbitado din.

"Naks! Ang gwapo natin ngayon ah!" Puri ni Seb.

"May tinatago ka pa lang kagwapuhan pare." Banat naman ni Lex.

"Gagu, kahit kelan di ko tinago ang kagwapuhan ko." Nakangising sabi ko.

"Pero mas gwapo ako sa'yo nung kasal ko." Hirit naman ni Austin.

"Noong kasal mo yun. Eh kasal ko ngayon kaya mas gwapo ako sa inyong lahat at mga panget naman kayo." Bira ko sa kanila.

"Nasa harap ka ng simbahan pare bawal magsinungaling." Nakangising sabi naman ni Pierre sabay tawa nilang lahat.

Inikutan ko lang sila ng mata. Minsan gusto ko na rin silang itakwil bilang kaibigan eh.

"Ninong pogi ang gwapo mo po ngayon. Para kang artista sa movie." Singit ni Addie na cute na cute sa suot na dress na kulay baby pink. Hawak nya ang tali ni Danie na imbitado din sa kasal namin ni mahal. Syempre hindi sya pwedeng mawala dahil sya ang unang baby namin.

[The Bachelors Downfall Series #5] My Sweet Karmaحيث تعيش القصص. اكتشف الآن