Chapter 33

22.1K 713 137
                                    

Dan

"WOW! ANG LAKI din pala ng bahay mo." Komento ni Maggie ng pagpasok namin sa bahay ko. Bakas sa kanyang mukha ang pagka mangha. Ito ang unang beses na nakapunta sya dito. Maaga kasi syang lumabas sa school nila at sinundo ko sya. Iniwan ko sa sekretarya ko ang trabaho ko sa opisina para lang masundo sya. Ganun ako kadeds sa kanya.

"Hindi lang tong bahay ko ang malaki sa akin." Nakangising sabi ko.

Clueless naman syang tumingin sa akin. "Ano pa?"

"Yung ano ko."

Kumunot ang noo nya. Pero maya maya ay nanlaki ang mata at namula ang pisngi sabay hampas sa braso ko.

"Ang bastos mo!" Asik nya.

"Bakit? Ano bang sinabi ko?" Natatawang tanong ko habang hinihimas ang braso kong pinalo nya.

"Sabi mo malaki ang 'ano' mo."

"Ang alin?" Painosenteng tanong ko.

"Yung ano mo." Paasik na sabi nya.

"Yung ano nga?"

Sinamaan nya ako ng tingin at inirapan. "Ewan ko sa'yo."

Tumawa ako. Alam ko naman kung ano ang tinutukoy nya. Well, malaki talaga ang 'ano' ko.

"Kung ano ano kasi ang iniisip mo eh." Natatawa pa ring sabi ko. Ang cute nya talagang mainis.

"Bakit ano ba sa tingin mo ang iniisip ko?" Mataray na tanong nya.

"Yung ano ko." 

Tinaasan nya ako ng kilay. "Sigurado ka bang malaki yan?"

"Oo naman! Pakita ko pa sa'yo eh." Pagyayabang ko at lumapit sa kanya.

Napasinghap naman sya sabay atras. Para ng kamatis sa pula ang mukha nya. Muli nya akong hinampas sa braso. Mas malakas na.

"Ang bastos bastos mo talaga!"

"Aray! Bakit na naman?" Natatawang daing ko. Medyo mabigat ang kamay nya.

"Ang bastos mo!"

"Ano namang bastos ang sinabi ko?"

"Ang sabi mo ipapakita mo sa akin yang.. yang 'ano' mo?" Asik nya sa akin.

Kunwaring kumunot noo ako. "Bakit ano ba sa tingin mo ang ipapakita ko sa'yo?" Tanong ko sa kanya habang pigil ang tawa.

Inirapan nya ako habang namumula pa rin ang kanyang pisngi. Sarap kagatin eh. Pati yung nguso nyang nanunulis.

"Heh! Ewan ko sa'yo!"

Tumawa na ako. "Ang ibig kong sabihin yung kwarto ko malaki din. Yun ang ipapakita ko sa'yo. Ikaw kung ano ang iniisip ko. Pero kung yung iniisip mo yung 'ano' ko talaga. Malaki yun nandudura pa." Sabi ko.

Nanlaki na naman ang mata nya sa sinabi ko at akmang hahampasin ulit ako pero inunahan ko na sya ng takbo paikot sa malaking sala. Inis na inis na hinabol naman nya ako. Tawa lang ako ng tawa.

"Ay susmaryosep! Akala ko kung sino na ang nakapasok dito sa bahay. Ikaw lang pala Danon."

Nilingon ko si manang Oreng na galing sa kusina. Mukhang nagsisyesta sya doon habang nanonood ng tv.

"Magandang hapon manang." Bati ko sa kanya. Tumabi naman sa akin si Maggie na bahagyang hinihingal pa.

"Magandang hapon din iho. Ang aga mo naman yatang umuwi. At sino itong magandang dalaga na kasama mo?" Tanong pa ni manang at binaba pa ng kaunti ang suot na salamin.

[The Bachelors Downfall Series #5] My Sweet KarmaWhere stories live. Discover now