Chapter 25

21.3K 672 124
                                    

Maggie

UMIKOT IKOT ako sa harapan ng salamin at tinitingnan ang sarili. Suot ko ang isang halter bodycon dress na kulay maroon na hanggang tuhod. Pinaresan ko ito ng silver na ankle strap na apat na pulgada ang taas ng takong. Litaw litaw ang kaputian ng balat ko dahil sa kulay ng bestida. Tinali ko ng paponytail ang mahaba kong buhok at naglagay ng simpleng make up lang. Ng makuntento na ako sa hitsura ko ay kinuha ko na ang sling bag at sinukbit. Baka nasa baba na sila ate at hinihintay ako.

Hindi nga ako nagkamali nasa baba na sila ni kuya Austin at bihis na bihis na. Kasama din si Adelline na hindi rin nagpakabog sa mommy nya sa bihis nya. Nakadress sya ng pink at nakahairband na may pink din na ribbon. Si ate Mikay naman ay mukhang dalagang dalaga sa suot nyang nude na dress na medyo hapit din sa kanyang katawan. Hindi nga halatang may anak sya eh. At syempre si kuya Austin gwapong gwapo din sa kanyang formal attire.

"Wow! Ganda tita ah!" Bati at puri sa akin ni Adelline.

"Bagay sa'yo ang damit mo sis." Puri din ni ate.

"Thanks!" Umikot ikot pa ako sa harapan nila sabay pose. Ginaya naman ako ni Adelline. Lukaret din itong pamangkin ko eh. Mukhang sa akin nagmana.

Ngumisi naman si kuya Austin. "Masyado ka namang nagpaganda hipag. Siguradong may mababaliw na naman mamaya."

"Sinong mababaliw?" Tanong ni ate.

Ako naman ay napakunot ang noo.

"Maya ko na lang sabihin babe. Tara na, baka hinahanap na tayo dun." Aya ni kuya Austin.

"Daddy buhat." Ungot naman ni Adelline at tinaas ang dalawang braso. Binuhat naman sya ng daddy nya.

"Bigat mo na baby ko." Natatawang sabi ni kuya Austin at pinupog pa ng halik sa pisngi si Adelline.

"Sarap kain daddy eh."

"Mana ka kasi sa tita Maggie mo." Sabat naman ni ate Mikay at nakipisil na rin sa pisngi ng anak.

"O bakit ako na naman?" Nakangusong sabi ko.

"Totoo naman." Nakangising sabi ni ate. Tumawa naman si kuya Austin.

"Parehas kami tita ganda. Laging kumakain pero always pretty." Sagot naman ni Adelline.

Ako naman ng napangisi. Ganyan nga ang sagutan pamangkin.

"Huu! Inuuto ka lang ng tita ganda mo." Hirit pa ni ate. Sya talaga nagmana kay nanay eh. Mahilig kumontra minsan.

"Wag ka ng magselos babe, ikaw naman ng pinakamaganda at pinakasexy sa akin." Sabi naman ni kuya Austin.

Namula naman ang mukha ni ate at inirapan ito. 

Kunwari pa eh. Pero kinikilig yan.

Sumakay na kami sa sasakyan. Sa unahan ang mag asawa at kami naman ni Adelline ay sa backseat.

At makalipas lang ng ilang minuto ay nasa harapan na kami ng isang malaking bahay na nagliliwanag dahil sa mga ilaw. Bukas ang malaking gate at marami ng bisita sa loob. Marami na ring mga sasakyan ang nakaparada sa labas. Halatang mga may sinasabi sa buhay ang mga bisita. Naririnig sa labas ang tunog ng violin at piano. Pumasok na kami sa loob ng gate at nakipagbatian pa si kuya Austin sa mga nakakasabayan at nakakasalubong naming nga bisita. Pinapakilala din nya kami. Medyo naiilang lang ako sa ibang mga kakilala nya na iba ang tingin sa akin. Lalo na ang mga lalaki na nakipagkilala din sa akin. Mabuti na lang at hindi naman revealing ang napili kong isuot na damit bagama't hapit sya sa katawan. Ang isang lalaki pa nga na kinindatan ako ay inirapan ko na lang.

"Kuya."

Halos sabay naming nilingon ang tumawag kay kuya Austin. Nanlaki ang mata ko ng makita si kuya Ace.

[The Bachelors Downfall Series #5] My Sweet KarmaUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum