Chapter 13

20.7K 642 161
                                    

Maggie

ANG LAKAS ng kalabog ng dibdib ko. Sinundan ko ng tingin ang asong papalayo.

"Ano ba yan manong? Muntik na tayong makasagasa ng aso. Hindi ka kasi tumitingin sa kalsada eh." Sermon ko kay manong.

"Bakit ako? Ikaw yung nagtatanong sa akin dyan na tingnan ko yung labi mo kung masyadong mapula eh." Angal nya.

"Eh ang bagal mong sumagot eh, nakatitig ka lang."

"Tsk!" Palatak nya at hindi na nagsalita. Pinausad na nya ang sasakyan. Tinatahak na namin ngayon ang malawak na kalsada ng metro manila.

"Bakit ba kasi naglalagay ka pa ng ganyan?" Biglang tanong nya pagkatapos ng ilang minutong katahimikan.

Ngumuso ako. "Syempre para maganda ako."

"Hindi mo na kailangan ng ganyan dahil maganda ka na."

Natigilan ako sa sinabi nya. Hindi ako makapaniwala na sinabihan nya akong maganda. Baka inuuto lang nya ako.

Ngumuso ako. "Weh di nga? Sabi mo noong una tayong nagkita sa bahay pangit ako."

Lumingon sya sa akin at ngumisi. "Nagbibiro lang ako nun."

Tinaasan ko sya ng kilay. "Talaga lang ha?"

"Oo nga." Natatawang sabi nya.

Ngumiti na ako. "Eh di maganda talaga ako?"

"Depende."

Nawala ang ngiti ko at kinunutan sya ng noo. "Dependeng ano?"

"Depende kung titigilan mo na akong tawaging manong, ang sakit sa tenga eh." Nakangiwing sabi nya.

Ngumuso ako. "Pero sanay na akong tawagin kang manong eh."

"Hindi naman ako ganun katanda sayo kaya wag mo na akong tawaging manong."

"Eh di ano na lang? Kuya?"

Mas lalo syang ngumiwi. "Mas masakit sa tenga."

Sinimangutan ko sya. Ang dami namang arte!

"Anong gusto mo tatang?"

Sinamaan nya ako ng tingin. Tinawanan ko naman sya. Nagbibiro lang naman ako.

"Char lang!" Natatawang sabi ko.

"Di nakakatawa." Nang uuyam na sabi nya.

"Eh di wag kang tumawa. Ang hirap mo namang pasayahin." Nakangising sabi ko.

"Kung gusto mo kong sumaya, tawagin mo ko sa pangalan ko." Aniya na bahagya pang nakasimangot.

"Manong Dan." Agad kong banggit sa pangalan nya.

Sinamaan nya ulit ako ng tingin. "Wag mo nang isama ang manong." Angal nya.a

"Luh! Tatawagin lang kita sa pangalan mo? Parang walang galang naman ang dating ko nun. Kahit naaasar ako sayo minsan syempre dapat igalang pa rin kita." Sabi ko. Kahit bwisit na bwisit ako sa kanya minsan dapat nandun pa rin ang paggalang.

"Eh di wag mo kong igalang. Bastusin mo ko." Sabi nya at ngumisi.

Naguluhan naman ako sa sinabi nya. ""Ano? Gusto mong bastusin kita?"

Tumawa sya. "Char lang!" Panggagaya nya sa akin kanina.

Ako naman ang sumimangot na lalo nyang ikinatawa.

"Ok na sa akin na tawagin mo kong Dan. Mas masaya ako dun." Nakangiting hirit pa nya.

Ngumuso ako. "Pagiisipan ko."

[The Bachelors Downfall Series #5] My Sweet KarmaWhere stories live. Discover now