Chapter 20

23.2K 649 106
                                    

Dan

LULUGO LUGO akong bumalik sa kotse ko. Sandali akong nakatitig lang sa kawalan.  Sinuklay ko ng daliri ang buhok at inis na hinampas ng kamao ang manibela. Hindi mawala sa isip ko ang galit na mukha ni Maggie. Inis at galit sya sa akin dahil sa kagaguhang ginawa ko kanina.

Totoo naman ang sinabi nya eh. Sinundan ko talaga sila. At parang mababaliw ako kanina ng pumasok sila sa loob ng sinehan. Maraming nangyayari sa loob ng sinehan. Baka mamaya kung ano ang ginagawa nila. Pero hindi naman yun gawain ni Maggie. Ako lang talaga ang praning. At hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Sobrang nagseselos ako na magkasama sila ng Anthony na yun. Lagi naman akong nagseselos eh kapag may kausap lang syang iba. Naiinsecure ako kasi mas bata sila at mas bagay sa kanya.

Shit ka naman kasi Dan! Nagkagusto ka sa babaeng halos kalahati ng edad mo at ngayon pinagmukha mo pang engot ang sarili mo sa harap nya. Sermon ko sa sarili. Niyukyok ko ang ulo sa manibela. Gusto ko syang sundan kanina at magsorry. Pero natakot ako na lalo lang syang magalit. Siguro kailangan kong dumistansya muna.

Humugot ako ng malalim na hininga at binuhay na ang makina ng kotse. Nilisan ko na ang lugar kipkip ang bigat at kirot sa dibdib.

Maggie

PABABA PA lang ako ng hagdan ng marinig ko ang matinis na mga tahol ni Danie. Nandito na pala sya. Dali dali akong bumaba ng hagdan. Namiss ko sya. Isang araw ko lang syang hindi nakasama namiss ko na sya ng sobra. 

Pero napanguso ako ng maisip na makikita ko si manong. Hanggang ngayon naiinis pa rin ako sa kanya dahil sa ginawa nya kahapon. Nawala tuloy ako sa mood. Buti nga hindi nakahalata si Anthony eh.

Ng makababa na ako ng hagdan ay si Danie lang ang nakita ko na buhat ni ate Jing. May isang may edad na lalaki na nakasuot na polong puti at kausap si kuya Austin. Kumahol naman si Danie at nagpapasag sa hawak ni ate Jing ng makita ako. Napakunot noo naman ako ng hindi si manong ang inasahan kong makita. Mukhang tauhan nya ang naghatid kay Danie.

Nagpaalam na ang lalaki at lumabas na. Kinuha ko naman si Danie kay ate Jing. Hinalik halikan naman nya ako sa mukha. Mukhang namiss nya rin ako.

"Himala hindi ang papa nyan ang naghatid." Ngingisi ngising sabi ni kuya Austin.

"Baka busy lang kuya." Sabi ko. Lunes kasi ngayon at malamang nasa trabaho na si manong.

Tumango tango naman si kuya Austin. Nakapang opisina na sya at papasok na sa trabaho nya.

"Eh ikaw, wala kang pasok?" Tanong nya sa akin.

"Nine pa ang pasok ko kuya." Sabi ko. 7:30 pa lang naman. Makikipag laro muna ako kay Danie.

Nakita kong pababa si ate Mikay sa hagdan dala ang coat ni kuya Austin. Sinalubong nya ito at mabilis na hinalikan sa labi. Kinuha nya ang coat kay ate at sinampay sa braso. Inayos naman ni ate ang kwelyo at necktie nya. Napanguso ako ng maglambingan pa sila. Si baby Adelline ay malamang tulog pa.

Lumabas na lang ako ng bahay at pumunta sa garden. Nilapag ko sa damuhan si Danie at hinayaang maglakad lakad habang hawak ko ang tali nya. Dinukot ko ang cellphone sa bulsa ng walking shorts ko at binuksan ang wifi. May mga dumating na notification. May nagmessage din. Binuksan ko muna ang messenger. May mga chat galing sa mga kaklase ko, kay Lili, at Anthony. Pero ang chat na nakakuha ng pansin ko ay ang chat ni manong. Binuksan ko ito. 1 hour ago pa sya online.

Manong: Ipapahatid ko dyan si Danie sa
                    sa driver ko

                    And I'm sorry.. kahapon

[The Bachelors Downfall Series #5] My Sweet KarmaWhere stories live. Discover now