Chapter 44

29.3K 714 133
                                    

Maggie

NAGMANO SI Dan at kuya Austin sa matandang foreigner na bagong dating. Kami namang naroon ay curious sa kung sino ang matanda. Humarap sa akin si Dan katabi ang matandang lalaki na nakangiti na.

"Lo, sya ang girlfriend ko. Si Margarette Caperiña. Mahal, ang lolo ko si Alberto Acosta." Pakilala sa akin ni Dan sa matandang lalaki na lolo pala nya.

Tumayo ako at nahihiyang lumapit. Kinuha ko ang kamay ng matanda at nagmano.

"Nice to meet you po sir." Magalang na sabi ko at kiming ngumiti.

"Lolo na lang din ang itawag mo sa akin iha and nice to meet you too. Tama nga ang apo napakaganda mo at mukhang bata pa." Magiliw na sabi ni Lolo Alberto. Bigla ay nawala ang pagkailang ko dahil sa mabait nyang ngiti.

Hinapit ako ni Dan sa bewang at hinalikan sa sentido.

"Ah lo, sila naman ang mga magulang ni Margarette. Si tay Berting at nay Cora." Pagpapakilala naman ni Dan sa mga magulang ko na tumayo din at lumapit.

"Kamusta ho sir." Magalang na bati ni tatay at nakipag kamay kay lolo Alberto ganun din si nanay.

"Mabuti naman, ikinagagalak ko din kayong makilalang mag asawa." Magiliw din na bati ni lolo Alberto kanila tatay at nanay.

Lumapit din si ate Mikay at nagpakilala din.

Mabait si lolo Alberto, madaldal at palangiti. Purong espanyol pala sya at dating sundalo. Pero matatas syang manangalog. Pinapunta pala sya ni Dan dito para na rin sa pamamanhikan. Yun pala ang sinasabi nyang ia-announce nya. Magpopropose na pala sya sa akin.

At nandito na nga kami sa labas ng bahay sa harap ng mga kaibigan nya at pamilya ko habang nakaluhod sya at hawak ang singsing na may kumikinang na bato. Parang sobrang bilis ng mga nangyayari. Kaisng bilis ng tibok ng puso ko. Ang daming nagaganap ngayong araw na to. Nakakalula.

"Mahal, marry me please.." Nagsusumamong sabi nya. Pati ang mga mata nya ay nagsusumamo din na tila takot na baka hindian ko sya.

Tinuptop ko naman ang bibig ko at pinigilan ang pagtulo ng luha sa samu't saring emosyon na nararamdaman ko. Tumingin ako sa mga taong nakapaligid sa amin. Lahat sila ay sa amin nakatingin at may mga ngiti sa labi. Si nanay nga at ate Mikay ay parang naiiyak pa. Sila ate Ciella, ate Nika at ate Thea ay tila mga kinikilig naman. Si tatay tumango tango pa at nagthumps up. Sang ayon sya sa nangyayari.

"Pag isipan mo munang mabuti Maggie wag kang basta umoo." Buyo ni kuya Pierre.

"Oo nga, alalahanin mo parang lolo mo na yan." Banat ni kuya Seb.

"Gusto lang nyan na may mag aalaga sa kanya. Malapit ng magsenior citizen yan eh." Dugtong pa ni kuya Lex.

"Malapit ka na ring magpalit ng diaper nyan." Singit pa ni kuya Austin.

Nilingon sila ni Dan at pinagmumura. Pinalo ko sya sa braso.

"Bibig mo may mga bata." Natatawang saway ko.

"Eh sila eh, ang lalakas mang asar. Pinapunta ko sila dito para suportahan ako hindi para asarin." Nakasimangot na sabi nya.

"Sus, hindi ka pa nasanay sa kanila." Natatawang pa ring sabi ko.

"So ano na mahal, pakasalan mo na ako." Nakangusong sabi nya.

"Say yes na tita ganda, saket na tuhod ni ninong pogi." Sabat ni Addie na katabi ni tatay.

Bumunghalit naman kami ng tawa lahat. Si Dan ay mariing napapikit at nilingon si Addie.

"Salamat ha." Sarkastikong sabi nya kay Addie.

[The Bachelors Downfall Series #5] My Sweet KarmaWhere stories live. Discover now