Chapter 12

20.8K 641 240
                                    

Dan

PASIPOL SIPOL ako habang binabasa ang proposal na binigay ni Austin sa akin. Nandito ako sa office nya para personal na pag usapan ang pinaplano naming collaboration sa bagong project ng kumpanya ko.

"Mukhang good mood na good ka ngayon ah." Untag ni Austin sa akin.

Ngumisi ako. "Maganda lang ang gising ko."

Ngumisi din sya. "Yung hitsura mo para kang nakarating sa ikapitong langit kagabi."

Natawa ako sa sinabi nya. Ganun ba ang hitsura ko ngayon? Maganda lang talaga ang mood ko pagkagising ko kahit medyo kulang sa tulog.

"Sya nga pala pare, nagpaalam sa amin ni Mika si Maggie. Mamamasyal daw kayo sa linggo."

Nag angat ako ng tingin sa kanya pero mabilis din nagbaba ng tingin ng masalubong ko ang matiim nyang mata.

"Oo, sinabi nya kasing hindi pa sya gaanong nakakapamasyal dito sa Manila. Marami daw syang gustong puntahan eh wala naman daw syang kasama. Nahihiya naman daw syang mangistorbo sa inyong mag asawa. Eh naawa naman ako kaya nagpresinta na akong samahan syang mamasyal." Sabi ko ng hindi tumitingin sa kanya at kunwaring pinag aaralan ang proposal.

"Ah ganun ba. Oo nga eh, hindi namin sya masamahan ni Mika. Wala pa kaming time."

Isang beses ulit akong tumingin sa kanya. "Pinayagan nyo ba?"

Bumuntong hininga sya. "Oo, tutal naman ikaw ang kasama atleast kilalang kilala ka namin."

"Oo naman, close nga ako kay Mang Berting. Tawagan ko nga sya mamaya para ipagpaalam din na ipapasyal ko si Maggie." Sabi ko.

Ngumisi naman sya. "Ingatan mo si hipag ha, baka kung saan mo dalhin. Wag masyadong gabi ang uwi." Bilin nya.

Napatikhim naman ako. Bakit pakiramdam ko may double meaning yung sinabi nya.

"Oo naman! Ano bang tingin mo sa akin?" Kunwaring naiinis na sabi ko.

Tumawa sya. "Nagpapaalala lang baka kasi makalimot ka."

Inirapan ko na lang sya at hindi na nagsalita pa. Baka kung ano na naman ang sabihin nya. Pero ang tarantado lalo pang tumawa.

"Wag ka ngang umirap, hindi bagay sa'yo. Para kang binabae." Pang aasar pa nya.

Sa inis ko ay pinakyu ko na lang sya. Daming alam eh. Basta ako excited na sa linggo.

Itinuon ko na lang ang pansin ko sa mga papel na hawak ko na binigay ng secretary nya. Mabilis ko lang itong binasa at pinasadahan ng tingin. May tiwala naman ako dito sa kaibigan ko.

Napakunot ang noo ko ng mag angat ako ng tingin sa kanya ay nakita kong ngiting ngiti sya habang nakatingin sa hawak nyang cellphone.

"Ngiting ngiti ka dyan sa tinitingnan mo ah! Babae yan no? Isusumbong kita kay Mika." Pananakot ko sa kanya.

"Gagu wala akong babae. Si Mika lang ang babae ko."

"Eh anong tinitingnan mo dyan at ngiting ngiti ka?" Nakangising tanong ko.

"Yung baby ko. Nagselfie kasi sila kanina ni Maggie ngayon ko lang nakita, pinost ni Maggie sa fb." Nakangiting sabi nya.

"Talaga? Patingin nga." Tumayo ako at lumapit sa kanya.

May limang selfie ni Maggie at ni baby Adelline na magkasama ang nakapost. Nakatag pa ang dalawang account na nakapangalan kay Austin at Mika. Sa limang selfie ay iba iba ang ekspresyon ng dalawa. May nakangiti, nakanguso, nakakindat at nakawacky. Si baby Adelline ay may hawak pang dede. Si Maggie naman ay nakasuot na ng school uniform nya at medyo basa pa ang buhok. Ang cute talaga nyang tingnan sa uniform nya. Bagay na bagay sa kanya. Babaeng babae.

[The Bachelors Downfall Series #5] My Sweet KarmaWhere stories live. Discover now