Chapter 11

20.5K 635 80
                                    

Maggie

NAPATANGA AKO sa sinabi ni manong. Sinusundo daw nya ako.

"Bakit mo ko sinusundo? Asan si manong Sitong?" Nakataas ang kilay na tanong ko. Kung may magsusundo man sa akin ay si manong Sitong dapat yun. Ang driver ni kuya Austin.

"Wala sya. May ginagawa kaya ako na ang susundo sa'yo." Pormal na sabi nya. Kahit nakasuot pa ng itim na itim na shades ay ramdam ko ang init ng tingin nya sa akin.

Ano na naman kaya ang trip nya at bigla akong sinundo? O baka naman inutusan sya ni kuya Austin.

"Inutusan ka ba ni kuya Austin na sunduin ako?" Tanong ko.

Kumamot sya sa ulo. "Oo, baka daw kasi gabihin ka."

Tiningnan ko naman ang suot na relo. Pasado alas singko na nga ng hapon. Bumuntong hininga ako at hinarap si Lili at Kokoy. Si Lili ay parang namatanda na titig na titig kay manong. Siniko ko sya.

"Mauna na ako sa inyong dalawa." Paalam ko sa kanila. Tumango naman si Kokoy at kumaway pa. Si Lili naman ay kumaway din sa akin bagama't hindi pa rin inaalis ang tingin kay manong. Napailing na lang ako. Sinabihan ko na lang si Kokoy na sya na ng bahala kay Lili.

Pinagbuksan ako ni manong ng pinto. Agad naman akong sumakay. Ginala ko ang mata sa loob ng kotse nya. Halatang mamahalin. Komportable ako sa upuan. Malapad at malambot. Malamig at mabango ang loob. Naaamoy ko pa ang naiwan nyang pabango. Pero hindi ito yung kotseng nakita ko na gamit nya kasama ang jowa nya. Ilan kaya ang sasakyan nya? Paiba iba sya ng ginagamit eh. Iba talaga kapag mayaman.

Pumasok na rin sya sa loob ng kotse at sinarado ang pinto. Hinubad nya ang suot na shades at nilagay sa ibabaw ng dashboard. Tumingin sya sa akin at ngumiti. Tinaasan ko lang sya ng kilay. 

"Seatbelt ka na." Untag nya sa akin.

Tumalima naman ako. Hinugot ko ang seatbelt at kinabit sa katawan ko. Naalala ko noong unang sumakay ako sa sasakyan ni kuya Austin hindi ako marunong magkabit nito at naipit pa ako.

"Ok na?" Tanong nya na nakatingin pa rin sa akin.

Bigla naman akong nailang. Kanina pa kaya sya nakatingin sa akin?

"Oo ok na." Sabi ko at umayos na ng upo.

Sumipol naman sya at binuhay na ang makina. Umusad na ang lulan naming kotse. Tinuon ko na lang ang paningin ko sa unahan ng kotse. Nakikita ko naman sa glid ng mata ko na patingin tingin sya sa akin na parang may gustong sabihin. Kunot noong nilingon ko sya. Tumikhim naman sya.

"Sino yung lalaking kasama mo kanina?" Biglang tanong nya.

Lalong nangunot ang noo ko sa tanong nya. Sinong lalaki ang tinutukoy nya? Ah baka si Kokoy?

"Si Kokoy?"

"Pfft! Ang bantot naman ng pangalan ng manliligaw mo." Aniya at tumawa pa.

Nagsalubong naman ang kilay ko. Manlalait talaga tong matanda na to eh. At ano daw? Manliligaw ko?

"Joseph ang totoong pangalan ni Kokoy at hindi ko sya manliligaw, kaibigan ko lang sya."

Tumingin sya sa akin at tinaas ang isang kilay sabay ngisi. "Ang sabi ni Austin manliligaw mo daw yun."

Nagsalubong lalo ang kilay ko. "Ano? Sinabi ni kuya Austin na manliligaw ko si Kokoy? Pa'no naman nya masasabi yun eh hindi naman nya kilala si Kokoy at hindi pa nakikita." Ang kilala lang ni kuya Austin ay si Anthony dahil nakita nyang kachat ko ito. Napagkamalan pa nga nyang manliligaw ko.

Nawala ang ngisi nya at kumunot ang noo. "Ano? Iba pa yun? Bakit ang dami mo naman yatang lalaki?"

Halos mag isang linya na ang kilay ko sa mga tinuran nya. "Anong lalaki ko ang pinagsasabi mo dyan manong? Adik ka ba? Wala akong lalaki." Asik ko sa kanya. Pinagsasabi nito.

[The Bachelors Downfall Series #5] My Sweet KarmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon