Chapter 17

19.6K 589 168
                                    

Maggie

HINDI AKO makapaniwala sa nakikita ko. Isang cute na toy poodle ang nasa harapan ko ngayon ang nakatingin sa akin. Nakalabas ang maliit nitong pink na dila at kumakawag pa ang buntot.

Tumingin ako kay manong ng makapasok na sya sa loob ng kotse.

"Surprise!" Malawak ang ngiting sabi nya.

Napasinghap ako at muling tumingin sa cute na aso.

"Ito ang surpresa mo sa akin?" Di makapaniwalang tanong ko at hinawakan na ang cute na toy poodle na naglilikot na.

"Oo nagustuhan mo ba?" Nakangiting tanong nya.

"Surpresa mo to sakin ibig sabihin akin to?" Excited na tanong ko at binuhat na ang toy poodle at dinala sa kandungan ko.

"Sa ating dalawa syempre." Nakangising sagot nya at pinaandar na ang kotse.

Napanguso ako. Ang assuming ko naman. Pero ok lang, aming dalawa naman daw eh atleast kasali ako.

Napahagikgik ako dahil panay na ang dila ng toy poodle sa mukha ko. Ang cute din ng maliliit nyang tahol.

"Mukhang tuwang tuwa sya na nakita na nya finally ang mama nya." Natatawang komento ni manong.

"Mama?"

"Oo, ikaw ang mama nya at ako ang papa nya. Cute no?" Nakangising sabi nya.

Napataas ang kilay ko. "Bakit ikaw ang papa?"

"Syempre ako ang bumili sa kanya eh, saka sa ating dalawa yan. Kaya matic ako ang papa nya ikaw ang mama nya."

Oo nga naman. Pero parang may mali. Kung sya ang papa at ako ang mama eh di parang anak namin tong toy poodle.

"Parang ang sagwa. Ano to anak natin?"

Ngumiti sya. "Parang ganun na nga. Pero hindi literal na anak. Ganun talaga kapag owner ka ng aso o pusa, parang magulang ka na nila. Eh since tayong dalawa ang owner nyan eh di tayo ang magulang nya."

"Ah." Tumango tango ako. May point naman sya. Ganun nga iyon kapag may pet ka. Tumahol naman ang toy poodle ng tatlong beses.

"O kita mo, pati sya agree sa sinasabi ko."

Tumawa ako at hinalik halikan ang mukha ng toy poodle. Ang cute cute talaga nito. Mukhang stuffed toy. Noong una akong nakakita ng ganitong aso ay sobrang nakyutan ako at pinangarap ko ng magkaroon ng ganito.

"Wait, ano pala pangalan nito?" Tanong ko kay manong.

Kumamot sya sa ulo. "Wala pa akong maisip na pangalan eh. Chuchu lang ang tawag ko sa kanya, baka may naiisip ka?"

"Hmm." Nag isip ako ng pwedeng ipangalan sa toy poodle. Haru kaya? O kaya whitey kasi puti sya. Pero masyado ng common eh.

Nag isip pa ako ng ibang pangalan.

"Teka, may naisip na ako."

Nilingon ko si manong. "Ano yun?"

"Danie na lang kaya ang pangalan nya. Pinagsamang pangalan natin. Dan at Maggie equals Danie. O diba ang cute?" Ngiting ngiti na sabi nya.

"Pwede pwede." Pagsangayon ko. Tumahol naman ang toy poodle ng tatlong beses.

"O pati sya agree din, gusto nya yung pangalan." Natatawang sabi nya. Tumawa na rin ako. Mukhang gusto nga nito ang pangalan na naisip ni manong. Kaya pumayag na rin akong Danie ang pangalan nito.

"Isasama din ba natin si Danie sa pamamasyal?" Tanong ko kay manong habang kandong kandong si Danie.

"Oo naman, kawawa naman sya kung maiiwan lang bahay tapos ang papa at mama nya namamasyal." Nakangising sabi nya.

[The Bachelors Downfall Series #5] My Sweet KarmaWhere stories live. Discover now