Chapter 38

26.1K 755 135
                                    

Warning 🔞

Maggie

MATAMANG NAKATINGIN sya sa akin habang tinitikman ko ang sarsa ng kalderetang baka na niluto nya.

"Ano, ok na ba ang lasa? O kulang pa sa alat?" Tanong nya.

Tumango tango ako. "Ok na. Sakto na ang lasa." Sabi ko at nag thumps up.

Ngumiti naman sya. "Maupo ka na, maghahain na ko." 

"Tulungan na kita." Presinta ko.

"Wag na, baka madumihan ka." Pigil nya sa akin.

"Ang oa mo." Pigil ang ngiting sabi ko.

"Oa na kung oa, basta maupo ka na lang dyan. Sabi ko naman sa'yo pagsisilbihan kita ngayong araw." Sabi nya.

Inikutan ko sya ng mata para itago ang kilig. "Sige na nga."

Umupo na ako sa lamesa at nangalumbaba habang pinapanood sya. Nakasando at short lang sya at may suot ding apron. Naggagalawan ang muscles nya sa mga braso sa tuwing gagalaw sya. Ang sarap pagmasdan. Parang ang sarap sarap pisilin ng mga ito. Pati mga muscles nya sa likod na hakab sa suot nyang sando ay naggagalawan din. Bumaba ang paningin ko sa pang upo nya. Mukhang mas matambok pa ang pang upo nya sa pangupo ko. Parang.. ang sarap tampalin. Agad kong ipinilig ang ulo sa pumasok sa isipan ko. Ano ba yan Margarette? Nagiging mahalay ka na!

Araw ng linggo ngayon at natuloy na ang plano naming bonding dito sa bahay niya. Sya ang nagluto ngayon ng pananghalian namin. Si manang ay kanina pa umalis at umuwi sa kanila. Bale dalawa lang kami dito sa bahay nya kasama si Danie na nilalaro ang teddy nya o mas tamang sabihing minumurder.

"O kain na tayo mahal." Nakangiting sabi ni Dan pagkahain ng ulam at kanin sa lamesa. Sya pa ang  kumuha ng plato ko at sinandukan ito ng kanin. Tumayo naman ako at pumunta ng lababo para maghugas ng kamay.

Masaya naming pinagsaluhan ang pananghalian namin. Infairness masarap din syang magluto. Sabi nya marunong naman talaga syang magluto. Natuto sya ng mag aral sya sa ibang bansa ng dalawang taon. Wala daw kasing katulong dun kaya kailangan nya talagang matutong magluto, maglaba at maglinis ng bahay. Pansin ko lang, parehas kaming malakas kumain. Taob ang kaldero ng kanin pati niluto nyang kaldereta at chicken barbecue. Si Danie naman ay nilagaan nya ng manok kanina at yun ang hinihimay himay nya ngayon. Ako naman ay niligpit na pinagkainan namin at ako na rin ang naghugas. Pinakain na nya si Danie habang pinupunasan ang lamesa.

Pagkatapos naming kumain ay nagkayayaan kaming manuod ng movie sa kwarto nya. Dapat nga sa entertainment room nya kami manonood. Pero mas gusto ko dito sa kwarto nya para kapag inantok ako hihiga na lang ako at matutulog. Si Danie nga ay tulog na sa ibaba habang yakap yakap ang teddy nya. Parang bata lang.

Humikab ako. Heto na nga medyo nakakaramdam na ako ng antok. Comedy romance ang pinapanood namin. Maganda naman sya at nakakatawa. Humikab ulit ako.

"Uy mahal, wag mo kong tulugan." Untag sa akin ni Dan na nasa tabi ko. Parehas kaming nakasandal sa headboard ng malaking kama nya.

Ngumuso ako. "Inaantok ako eh." Magaspang ang boses na sabi ko.

Ngumuso din sya. "Daya mo naman."

"Eh anong gagawin ko, inaantok ako." Pinadausdos ko na ang katawan ko para makahiga. Isang beses pa akong humikab.

"May alam akong paraan para di ka antukin." Sabi nya at tinaas ang isang kilay.

Antok na tiningnan ko naman sya. "Ano na naman yan?" Tanong ko sabay kamot s pisngi.

Ngumisi sya at nagulat ako sa sumunod nyang ginawa. Dumagan sya sa akin. Napasinghap ako.

"A-Anong ginagawa mo?" Nauutal at natatarantang tanong ko at tinulak sya sa dibdib. Pero hindi sya natinag. Sa laki at tigas ng katawan nya ay siguradong pipi ako kung hindi lang malambot ang kamang hinihigaan ko.

[The Bachelors Downfall Series #5] My Sweet KarmaWhere stories live. Discover now