Chapter 6

21.4K 754 177
                                    

Maggie

ARAW NGAYON NG kasal ni ate Mikay at kuya Austin. At talaga nga namang bongga ang lahat. Mula dito sa lumang simbahan ng bayan na namumutiktik sa bulaklak at sa reception sa bahay. Syempre ang pinaka gusto ko sa lahat ay maraming iba't ibang klase ng pagkain. Marami akong nakitang mga pagkain kanina na sa social media ko lang nakikita at hindi pa natitikman. Di bale mamaya, magiging laman na sila ng tiyan ko. Ang alam ko tatlong catering services ang kinuha galing pa ng Maynila at talagang bongga at sosyal ang pagkakaayos sa reception. Sinakop ba naman ang katabing malawak na lupain namin. Maraming mga bisita ang dumating. Karamihan ay taga Maynila, mga kamag anak at kaibigan ni kuya Austin. Halatang mga sosyal at mayayaman.

Bumuntong hininga ako at inimpis ang naiipit na tiyan sa suot kong green na dress na hanggang sakong at hapit sa katawan ko. Dapat pala hindi ako kumain kanina. Napanguso ako at hinimas himas ang tiyan.

"O anak, bakit nanghahaba na ang nguso mo dyan. Wag mong sabihing nagugutom ka na naman?" Natatawang puna sa akin ni tatay na mukhang politiko sa suot nyang barong.

"Hindi po tay, medyo naiipit po kasi ang tiyan ko." Nakangusong reklamo ko.

"Yan kasi, ang dami mong kinain kanina." Pasermon na sabi ni nanay at inayos ang suot kong dress.

"Wala pa ba si ate nay?" Naiinip ng sabi ko.

"Malapit na sabi ng organizer."

Kinibot kibot ko ang nguso ko. Gusto ko ng umupo.

"Ayusin mo nga yang nguso mo anak at parang pwet ng manok." Saway sa akin ni nanay.

"Nanay naman eh."

Tumawa si tatay. "Hamo na Cora, maganda pa rin naman ang bunso natin."

"Naman tay!" Ngiting ngiti na sabi ko.

"Kuh! Parehas talaga kayong mag ama." 

Nagtawanan naman kami ni tatay. Parehas naman akong close sa kanilang dalawa. Kaya lang si tatay kasi kunsintudor sa akin.

Mayamaya pa ay dumating na ang kotse na lulan ni ate. Nilapitan na ito nila tatay at nanay dahil silang dalawa ang maghahatid kay ate sa altar. Ako naman pinapunta na ng isang organizer sa hanay ng mga abay. Ilang minuto na lang ay magsisimula na. Hay sa wakas makakaupo na ako sa loob..

Napapataas kilay at napapanguso ako habang naglalakad sa aisle. Paano ba naman kasi kung makatingin si manong Dan na nakatayo sa tabi ni kuya Austin ay parang nakakaloko. Ngingisi ngisi pa. Infairness ang gwapo nya sa suot nyang barong. Para syang modelo parehas sila ni kuya Austin. Nako-conscious tuloy ako sa suot kong hapit na dress, lalo na ang tiyan ko na malamang ay bakat sa suot kong dress kaya pigil pigil ko ang hininga at pilit iniimpis ang tiyan. Malamang mamaya asarin na naman nya ako. Bago ako lumiko para makaupo sa upuan ay binigyan ko muna sya ng isang irap. Sorry po Lord, nakakabanas lang kasi si manong.

Natuon ang lahat ng mata sa pintuan ng simbahan. Pumasok na kasi si ate na akay nila tatay at nanay. Kahit natatabingan ng puting belo ay aninag pa rin ang kagandahan ni ate. Mas lalo syang gumanda sa suot nyang puting puting traje de boda. Moderno ang pagkakayari at halatang mahal. Keri lang naman dahil mayaman si kuya Austin.

Sumasagi din tuloy sa isip ko kung kelan din ako makakapagsuot ng traje de boda na kasing bongga ng kay ate. Siguro 5 years mula ngayon o higit pa. Pero syempre bago ako makapagsuot noon ay dapat may boyfriend din ako na mag aaya sa akin ng kasal. Pero hindi pa sa ngayon. Saka na bata pa naman ako. 

Umugong ang hiyawan at kantyawan sa loob ng simbahan ng magpunas si kuya Austin ng luha dahil sa vow ni ate Mikay. Halatang mahal na mahal nya si ate Mikay. Masaya ako para kay ate dahil bubuo na sya ng sarili nyang pamilya. Medyo nakakalungkot lang dahil syempre hindi na namin sya laging makakasama.

[The Bachelors Downfall Series #5] My Sweet KarmaDonde viven las historias. Descúbrelo ahora