Chapter 27

22.9K 731 304
                                    

Dan

NAGSALUBONG ANG kilay ko ng pagpasok ko sa loob ng bahay ni Austin ay naabutan ko ang mga kaibigan ko kasama ang mga asawa nila. Kaya pala ang daming sasakyan sa labas at mga pamilyar sa akin. Lahat sila ay napatingin sa akin. Nagngisihan pa ang apat ng makita ang hawak kong malaking bouquet ng red roses at malaking teddy bear. Prente silang mga nakaupo sa sofa katabi ang mga asawa at may mga hawak pang beer in can.

"Anong ginagawa nyo dito?" Kunot noong tanong ko sa kanila.

"Manonood." Nakangising sagot ni Lex na katabi ang asawang si Ciella na nginitian naman ako. 

"Manonood ng ano?"

"Ano pa? Eh di ng panliligaw mo." Sabat naman ni Seb. Siniko sya ng asawa nyang si Thea.

"Galingan mo ha, siguraduhin mong matutuwa kami." Hirit pa ni Pierre sabay taas ng hawak na beer in can.

"Good luck Dan." Pagchicheer pa sa akin ni Nika.

Kunot noong nilingon ko naman si Austin na ngingisi ngisi din katabi si Mika na seryoso naman ang mukhang nakatingin sa akin. Bigla tuloy akong nailang sa kanya. Malamang alam na nya ang pakay ko.

"Sinabi mo sa kanila?" Tanong ko kay Austin. Tumango naman sya. Lalo namang lumawak ang ngisi ng tatlo at tinaas pa ang mga hawak na beer in can.

"Good luck pare!" Halos sabay sabay pa nilang sabi. Parang gusto ko silang paghahampasin ng bulaklak at teddy bear na hawak ko.

Anak ng tinapa! Mukhang may audience pa ako sa panliligaw ko.

"Hindi ba kayo hinahanap ng mga anak nyo?" Tanong ko sa kanila. Kung pagaari ko lang ang bahay na ito kanina ko pa sila pinagtataboy. Dinamay pa talaga ang mga asawa nila sa kalokohan nila.

"Nasa mga lolo at lola nila ang mga anak namin." Ani Lex.

"Nag aya kasi ng date tong si Lex, sabi nya manonood daw kami ng sine. Di ko naman akalain na dito kami pupunta at panonoorin ang panliligaw mo." Sabi naman ni Ciella.

"Magandang panoorin to babe, mas maganda pa sa mapapanood natin sa sinehan. Ngayon lang kasi manliligaw yan si Dan." Ngingisi ngising turan ni Lex.

"Huu, makapangbuska ka kay Dan eh ikaw nga hindi mo ko niligawan." Bira sa kanya ni Ciella. Nawala naman ang ngisi nya at napakamot na lang sa pisngi.

Napangisi na lang ako at malutong namang tumawa ang tatlo.

"Tawang tawa Austin ah, parang nanligaw ka ah." Nakataas ang kilay na bira din ni Mika kay Austin. Napakamot na lang din ito sa ulo.

Buti nga sa inyo. Makatawa at makapambuska eh mga hindi naman pala nanligaw sa mga asawa nila.

"Buti na lang ako nanligaw." Ani Pierre at hinalikan sa sentido ang asawang si Nika na humilig naman sa balikat nya.

"Ako din." Nakangising segunda din ni Seb at inakbayan si Thea.

Tumaas naman ang kilay ni Thea. "Talaga? Nanligaw ka? Parang wala akong natatandaan?"

Nawala naman ngisi ni Seb. "Hindi ba?"

Inirapan sya ni Thea at tinanggal ang braso nyang nakaakbay. "Ewan ko sayo."

"Tss. Yayabang nyong tatlo eh hindi naman pala kayo nanligaw." Nakangising bwelta ko sa kanila na naging semana santa na ang mga mukha at nakipag apir kay Pierre.

"Sir Austin, ma'am Mika, pababa na raw po si ma'am Maggie." Anang isang kasambahay na bumaba ng hagdan.

Tumahip sa kaba ang dibdib ko at parang pinagpapawisan ako samantalang malamig naman dito sa loob ng bahay. Napahigpit pa ang hawak ko sa bouquet ng red roses at malaking kulay kremang teddy bear.

[The Bachelors Downfall Series #5] My Sweet KarmaWhere stories live. Discover now