Chapter 22

19.8K 646 162
                                    

Maggie

two years later..

"TITA GANDA AKO." Sabi ng magaapat na taong gulang kong pamangkin na si Adelline suot ang pang kinder na uniform nya. Dress ang style nito na kulay skyblue na stripe, may blouse na puti sa loob at may ribbon necktie. Malapit na kasi syang mag school.

"Ganda ah, pero mas maganda si tita." Nakangising sabi ko. Pero totoo namang maganda sya. Gwapo at maganda ang daddy at mommy nya eh. Bagay sa kanya ang uniform. Mukha syang anghel. Anghel na makulit.

"Di kaya! Mas maganda ako." Sabi nya at nagbeautiful eyes.

"Mas maganda pala ha, hindi tayo magjajabi." Sabi ko sa kanya.

"Joke lang! Syempre mas maganda si tita sunod ako." Biglang kabig nya.

Sus! Basta talaga jabi ang bumilis bumawi eh.

Hinila ko sya at pinanggigilan. Ang lusog lusog nya halatang mahilig sa pagkain. Ang sabi ni tatay parang ako daw sya noong kasing edad nya ako. Keri na. Cute naman sya. Tawa sya ng tawa at tili ng tili ng pagkikilitiin ko sa tiyan. Lumapit naman si Danie at tumatahol na nakisali din.

"Ayaw ko na tita ganda." Hinihingal na sabi nya. Tinigilan ko naman sya.

"Hubarin mo na yang uniform mo baka madumihan pa yan." Sabi ko sa kanya.

Tumango naman sya. "Jabi tayo tita?" Aya nya sa akin.

Yan tayo eh. Binuhat ko si Danie, dinila dilaan naman ako nito sa mukha.

"Wala akong pera." Sabi ko. Gusto ko lang naman syang asarin.

"Ih, sige na. May pera ka eh. Jabi na tayo." Pangungulit nya at nanghahaba na ang nguso. Alam kong hindi na nya ako titigilan.

"Ala nga akong pera." Giit ko pa. Gusto ko umiyak muna sya. Napangisi ako sa isip.

"Eh di hihingi ako kay mommy, weyt lang." Agad nga itong tumakbo papasok ng kusina kung nasaan si ate. Napanguso na lang ako. Naudlot ang pagpapaiyak ko sa kanya. Maya maya ay tumatakbong bumalik sya at may hawak ng 500 pesos. Malawak ang ngiti nya sa labi.

"May pera na ako pang jabi." Pakantang sabi nya na winagayway pa ang pera at kumendeng kendeng pa.

"O pabihis ka na kay ate Jing para aalis na tayo."

Binigay naman nya sa akin ang pera at tinawag si ate Jing para magpabihis dito. Hindi na ako magpapalit ng damit. Nakatshirt ako ng itim at maong na shorts na hanggang kalahati ng hita. Nilagay ko ang cellphone sa bulsa ko. May pera pa naman ko sa bulsa sukli kanina sa parcel ko. Binalingan ko si Danie.

"Dito ka lang ha, hindi ka pwedeng sumama bawal ang pet na cute sa jabi. Uuwian na lang kita ng chicken." Kausap ko sa kanya. Tumahol naman ito. Tumawa naman ako.

Binaba ko na sya ng marinig ko na ang matinis na boses ni Adelline na pababa na ng hagdan akay ni ate Jing. Nakabihis na sya ng paborito nyang damit na may nakaprint na mukha ni princess Sofia sa harap. Nakatali na pataas ang buhok nya at suot ang paboritong sandals na princess Sofia inspired din.

"Tara na tita." Aya nya sa akin at humawak na sa kamay ko. Excited na excited na ang hitsura nya. Basta talaga pagkain at gala mabilis sya eh.

"Ate Jing pasabi na lang kay ate na umalis na kami, sa fast food lang kami." Sabi ko.

"O sige, mag ingat kayo. Heto pala ang payong mainit sa labas." Sabay abot sa akin ni ate Jing ng de tuping payong. Kinuha ko naman ito. Mainit nga sa labas dahil mag a-alas kwatro pa lang ng hapon.

"Babye Danie." Paalam ni Adelline kay Danie. Tumahol naman ito.

Paglabas namin ng gate ay agad kong pinara ang tricycle na walang laman. Malapit lang naman ang fast food chain dito. Paglabas ng village ilang metro lang ang layo ay nandun na. Pwede namang lakarin kaya lang siguradong magpapabuhat itong makulit na to kapag napagod na. Buti ba kung ang gaan gaan. Eh halos kasing bigat na nya ang kalahating sako ng bigas.

[The Bachelors Downfall Series #5] My Sweet KarmaWhere stories live. Discover now