Chapter 59: A day with him.

Magsimula sa umpisa
                                    

Napansin kong hininto niya na 'yung sasakyan. Nasa harap kami ng Mall? Tanging sombrero lang ang mga suot namin para maitago 'yung mukha namin.

"Please, just for this day kalimutan natin ang mga 'yon. Ayaw kong makarinig ng sorry or kung anu-ano pa. Gusto ko kahit ngayong araw lang na 'to, bumalik 'yung dating ako at ikaw. Yung Yanna at Kenjie na nagkukulitan sa harap ng maraming tao. 'Yung tayo noon." he said softly.




Napangiti ako. "Arte mo····Kenken. Tara na gutom na ako. Libre mo ah!"




Sa sinabi niyang iyon, nakapagdesisyon ako na ipagpapabukas ko na lang ang sasabihin ko. Dahil ngayong araw na ito ibabalik namin ang dating Yanna at Kenjie.




Humarap siya sakin at pinakita niya 'yung ngiti niya na gustong-gusto ko. "Salamat, Yanyan."

 I smiled.

*

 

"Sige. Hintayin kita sa labas ng ladies room." He said.

 

Bago kasi kami pumunta kung san man kami kakain, I excused myself para pumunta sa CR. Sinilip ko muna 'yung loob tapos lumabas ako ulit para sabihan siya na medyo maraming tao sa loob kaya baka matagalan ako ng konti.

"I will be fine. Go on, Yanyan."



Nginitian ko na lang siya, halos payuko akong pumasok sa CR since baka may makakilala sakin.

Medyo inabot ako ng i think almost 10 minutes sa CR, grabe kasi talaga 'yung tao kahit weekdays.



Paglabas ko, nakita ko si Kenken na parang hingal na hingal. "Anong nangyari sayo?"




He chuckled. "S-Sorry, wala na kasing ganito sa department store." Inabot niya sakin ang napaka cute na stufftoy. Kamukha siya ni Keyannna, color blue nga lang 'to. Si Keyanna? Siya 'yung stufftoy na binigay sakin ni Kenken nung accidentally na nagkita kami sa Mall. "···kaya pumunta pa akong blue magic."


(See Chapter 7)

Kung pwede lang tumili sa sobrang kilig ginawa ko na. He did that for me?

Narealize kong medyo na-tanga na ako kasi hindi ko pa kinukuha sakanya 'yung stufftoy. Nakatulala lang ako kay Kenken habang nagpipigil ng ngiti.

Narinig kong tumawa siya ulit. "Here? Ayaw mo ba?  Hinanapan ko na nga ng boyfriend yung anak natin."



Wait lang, Yanna uso huminga. Pero kasi sakanya mismo nanggaling 'yun, ANAK NAMIN?


Napahawak ako sa dibdib ko, medyo kumirot kasi dahil sa biglaang saya na nararamdaman ko, pero ininda ko 'yung sakit. Napangiti ako ng sobra tapos inabot 'yung stufftoy. "A-Anak natin? Boyfriend ng anak n-natin?"




He pinched my cheeks. "I'm not sure if these are blush on or you're just really blushing. You're so cute."



Hindi pa rin ako makapaniwala, parag tulad lang kami ng dati. Nagkukulitan. Nag-aasaran. Ang saya ko sobra. "B-Blush on 'yan, 'wag kang assuming."


Inakbayan niya ako. Gahd knows how much I miss him being near. Halos magkagulo lahat ng paru-paro sa tyan ko. "Tara na? Nagugutom na ako. Keyanno ang ipangalan mo  d'yan."

 


Nagsimula na kaming maglakad. Hindi pa rin kumakalma 'yung puso ko, ang bilis ng tibok nito kaya medyo kumikirot din. Too much emotion is bad for my heart but I don't care, ayokong alalahanin 'yung sakit ko ngayon. "Keyanno? Sige!" tinignan ko si Keyanno "Hi boyfriend ni Keyanna! Alagaan mo si Keyanna huh?"

Falling in Love, Again.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon