"Samgyupsal tayo?" Tanong ko kay Nash. Umiling siya. Nagtaka naman ako. "Huh? Bakit?" Tanong ko naman.

"Wala ka pang nauubos sa mga kinain mo. Baka 'di mo nanaman maubos." Ngumuso naman ako saka masamang tumingin sa kaniya.

Nanlaki ang mata niya at nagpabuntong hininga. Walang magawa. Sa samgy lang ako nakabawi. Relief naman si Nash kasi akala niya konti lang makakain ko pero since marami hindi na siya nag reklamo. Siya nag bayad, eh.

"Busog na ako."

"Okay lang 'yan. Malalabas mo rin mamaya. Uminom ka ng pampa-poo-poo." I rolled my eyes and shrugged because it's true. Baka tumaba ako sa sobrang pagkain ko dito sa SK.

I decided to video our moments together. Kaya no'ng pangatlong araw namin ay nag video ako.

"Anong ginagawa mo?" Tanong ni Nash sa akin dahil naka taas ang kamay ko para mag video. Nakafront ang camera.

"Nag vivideo. Para naman may memories tayo dito sa Korea. Hindi sapat 'yung pictures lang." Sabi ko at tumingin sa camera para mag smile.

Pagkasmile ko ay natapilok ako buti nalang nahawakan ako ni Nash.

"Sigurado ka ba sa desisyon mong 'yan?" Paniniguro at seryosong tanong ni Nash. Natawa ako at tumango.

"Okay lang ako!" Pag a'assure ko sakaniya saka tumingin sa camera para i-assure din ito.

"Ako nalang hahawak." Seryosong sabi ni Nash saka kinuha ang phone sa akin.

Grabe mas ayos pa siyang humawak ng phone sa akin. Nanginginig kasi kamay ko. E 'di siya na pinagpala sa stabilization.

Minsan 'di na kami nag video pero mga magagandang tanawin lang ang mga nakuha ko.

"Dito!" Sabi ko saka tinuro ang kulay yellow na damo.

Tumakbo ako sa gitna habang si Nash naman ang nag vi'video sa akin. Nakangiti pa siya kaya naman malapad din akong napangiti.

"Nandito po kami sa Haneul Park!" Sabi ko at umikot ikot pa na para bang princesa.

"Ang ganda mo, Dinah. . . You're so beautiful." Narinig kong sabi ni Nash dahilan ng pagkatigil ko at paglapad ng ngiti ko.

Binitawan niya ang phone. May pinagpatungan siya at hinarap sa aming dalawa. I was clueless. Wala akong alam sa susunod na gagawin niya. Lumapit siya ng konti sa akin.

Natigilan ako ng lumuhod siya sa harapan ko. Napatingin ako sa mga taong nakatingin sa amin na may bahid na saya sa mukha nila. Umawang ang labi ko.

Kinagat ko ang pang ibabang labi ko no'ng makita ko ang singsing. May perlas ito sa gitna. Maganda siya sobra. At nararamdaman kong kasya sa akin 'to.

"Will you marry me?"

This time, finally. I smiled. And nodded. Yumuko ako at hinalikan siya kasabay ng pag palakpak sa paligid namin at nakarinig ng congrats.

I said yes. Again and again and saying that I love him. Pag uwi namin ay pinanood namin ang video na nag propose siya sa akin.

Tinawagan namin ang pamilya namin. "Ma, Pa," tawag ko sa kanila. Tinaas ko ang kamay kong may singsing. Napangiti ako ng natulala sila saglit.

"Deane! Pumunta ka dito! Nag propose na si Nash kay Dinah!" Tawag ni Mama kay Ate Deane. Mas lalo naman akong napangiti.

No'ng makita ako ni Ate Deane ay mas maganda pa ang reaction niya. Napahawak siya sa kaniya bibig at napatili. Pinagalitan pa siya ni Mama dahil ang ingay niya.

Pagkatapos ay tinawagan naman namin ang parents ni Nash. Umuwi si Tita Eva since wala si Nash, si Tito Lance naman daw ang kaniyang bantayin.

"Si Nash po, nag proposed na." Nakangiting sabi ko sa kanilang dalawa. Tinanong nila kung anong meron kaya sinabi ko na.

Baka Pwede PaWhere stories live. Discover now