"Gusto mong makita siya? Nasa kwarto lang siya, hinihintay ka." Umawang ang labi ko. Umangat ang kaniyang tingin. He sighed. "Isang buwan kang tulog." Nanlaki ang dalawang mata ko.

"Isang buwan? Parang isang araw lang. Kasi naalala ko pa 'yung nangyari. Pa'paanong isang buwan?" Tanong ko sa kaniya na puno ng pagtataka.

"So you remembered everything?" He asked back. Natigilan ako sa kaniyang tanong. "Sabi ni Tita, bumabalik na daw 'yung memories mo. 'Yung. . . Dati."

I pressed my lips. I hesitated before answering 'no'. I didn't know why did I lied.

Tumango ito na para bang napanatag siya sa aking sagot. Nagtaka naman ako.

"Mabuti nalang talaga." Inabot niya ang aking kamay at hinalikan ang palad ko. "Wala akong kaasaran. Ang tagal mong magising." Nakangusong sambit niya bigla.

Hindi ako natuwa. Ewan ko parang iba lang talaga ang nararamdaman ko. Parang 'di naman talaga siya gano'n, eh. Halatang malungkot siya.

"Masaya ako na naalala mo parin ako." He said, again.

"Bakit? Ano bang meron kung 'di na kita maaalala?" Kunwaring walang alam na tanong ko sa kaniya.

Nag iwas ito ng tingin. "Baka ilan taon nanaman akong mag hihintay." Bumilis ang tibok ng aking puso. "Get well soon, bulilit." He pat my head on his another arm while the other one is still holding my hand.

Naalala ko ang sinabi niya noon na may kasamang bulilit. He smiled a bit. Nag baba ito ng tingin habang nakangiti pa rin.

"Hindi pa ba ako pwedeng tumayo? Kamay ko lang naman 'yung naka-ano,oh!" I said and raised it a bit. I flinched when it started to hurt.

"Uhm, sigurado ka ba?" Tanong niya pagtapos niyang makita na nasaktan. "Gusto mo ba talaga siyang makita?" Tanong niya na seryoso ngayon.

Tumango ako. Matagal kong hindi nakita ang Papa ko kaya kahit masakit pa rin. Lalabanan ko para lang makita ang kalagayan niya.

Ayokong mapanatag sa isang 'okay lang siya at nag hihintay sa kaniyang silid.'

"Sige na nga." Pag suko niya at tumayo sa inupuan. Sinubukan kong umupo pero 'di kaya, inalalayan niya akong umupo sa kama ko.

Sunod naman ay pinatayo na niya ako. I was happy because he granted my wished to see my father in person. Habang naglalakad ako ay nawala lahat ng sakit dahil gusto ko na talaga siyang makita.

Tumigil kami sa 203. Binuksan ko agad ang pintuan. Parang binagsakan ang puso ko. Hindi totoo 'yung sinabi nila. Namuo ang luha sa aking mata.

Lumapit ako sa kaniya. Pinunasan ko ang luha sa aking pisngi. Monitor lang ang naririnig ko. Pinikit ko ang aking mata nang makaupo ako sa upuan.

"Sabi ni. . . Mama, okay lang siya." Kinagat ko ang pang ibabang labi ko para pigilan ang pag iyak ko ng malakas.

Hinawakan ko ang kamay ni Papa. Paulit ulit akong nag sorry sa isip ko. Hindi ko alam kung mapapatawad ko pa ba ang sarili ko sa ginawa kong ito.

Andaming pumasok sa isip ko kung bakit hindi nagalit si Mama sa akin. Kung bakit pinigilan niya si Ate Deane kausapin nanaman ako. Tama naman kasi siya, eh.

Lagi naman siyang Tama. At ako naman itong. . . Mali. Una palang mali na lahat ng ginagawa ko. Sadyang pabida lang talaga ako, pinipilit ko lang na tama ako. Kung 'di ako naglayas. Hindi mangyayari ang lahat ng ito.

"What are you doing here?" Napatigil ako sa pag-iyak at lumingon sa nagtanong sa akin.

"Just give her time, Deane." Sabi naman ni Nash kay Ate Deane. Umigting ang bagang ni Ate Deane at lumapit kay Nash.

Baka Pwede PaWhere stories live. Discover now