"Wala akong kailangan, Errol. Ayokong mag demand. Ayokong mag makaawa. Alam ko kung anong pakiramdam na mapilitan. Kaya hindi ko gagawin 'yon. I will never ask why you didn't choose me because I understand you." Mahabang pahayag ko sa kanya.

"Why am I so stupid to let someone like you go? Ang swerte ko sa 'yo, Lucille. Tapos bibitawan lang kita? Parang ayaw ko. Pero ayaw ko rin na magtiis ka sa pagkukulang ko. . ." Agad ding bawi niya sa mga sinabi niya.

I smiled at him and held his left cheek. "We need this, Errol. You need this the most. This is for us."

"Thank you for everything, Dinah Lucille." Bumilis ang tibok ng puso ko dahil ito ulit ang unang beses na marinig ko ang unang pangalan ko sa kanya.

Nag aya siya na umupo kami sa grass. May dala pala siyang parang blanket at mga pagkain! Na sa likod ng kotse niya at naka basket pa.

Naka kain pa kami ng wala sa oras. Malapit na ring mawala ang araw. Naka sindi na rin ang ilaw sa paligid. Mayro'n pa ring mga tao.

Humiga ako sa left shoulder niya habang bahagya akong nakatingala. Nakatingin sa langit. He held my hand to play with it. Lumipat ang tingin ko sa kamay ko na pinaglalaruan niya.

"What if we'll gonna see each other again after this?" I asked him.

Pinaglalaruan niya ang kamay ko habang ako naman ay nakatitig sa kamay niya na pinaglalaruan ang kamay ko.

"Look at me, Lucille." He said.

Agad naman akong tumingin sa kanya. He cupped my chin. Nilapit niya ang mukha niya sa akin at pinagdikit ang noo namin.

"Baka balikan kita..."

"But we are doing this for us not only for you. . . hindi naman ako marupok." Hindi ko alam kung bakita ko nag sinungaling sa parte na 'yon.

Mahina siyang natawa.

"I'll court you again. Baka pwede pa. Baka pwede ka pa noon. O baka sana pwede ka pa." Napakurap kurap ako sa maraming baka na sinabi niya.

Pero sa kahit maraming baka na na banggit niya. Lahat naramdaman ko na baka mangyayari nga 'yon. Baka hindi na pala ako pwede kapag niligawan niya ako. Baka may iba na pala akong mahal. Baka may sarili akong pamilya.

"Susubukan kong hintayin ka, Errol. Kung para sa atin din naman 'to. E 'di mag hihintay ako." Desididong sabi ko naman sa kanya.

Inalis niya ang hawak niya sa baba ko at umiling. Kumunot naman ang noo ko at nag taka.

"We'll see. . . kapag nagkita ulit tayo. We will make it work. Okay?" Bahagya siyang yumuko. Tumango naman ako.

"Mag aaral ako ng mabuti para sa 'yo at para sa amin. Thank you for making me realized what I really want in life, Errol. Sobrang laking tulong ng ginawa mo sa akin." Mahabang pahayag ko at nginitian siya.

Inalis ko ang magkahawak namin na kamay at hinawakan ang magkabilang pisngi niya para halikan siya.

"Mahal kita."  Sabi ko nang lumayo na sa kanya. Hawak hawak pa rin ang pisngi niya. Matipid siyang ngumiti at tumango.

"Mahal na mahal din kita."

We enjoyed it and after that. Hinatid niya ako. Mabigat ang loob ko. Nag pasalamat ako sa kanya. Pag pasok ko sa loob ay mabuti nang hindi na nila ako tinanong.

Dumaretso ako sa kwarto ko. Wala na akong time na mag ayos. Dumapa ako sa kama ko at hindi na ulit pinigilan ang sarili kong masaktan at maiyak dahil sa sakit.

Ayoko. . .

Aaminin ko maganda ang kinalabasan ng pag hihiwalay namin pero parang ayoko pa rin. Mas gusto kong mag kulangan na lang siya ng oras sa akin kaysa maisip ko na wala na.

Baka Pwede PaWhere stories live. Discover now