Chapter 32

2.7K 45 16
                                    

Gift

Warning: This chapter contains some mature scenes. Not for minors. Please read with care.

Nagising ako sa magkakasunod-sunod na pag-ring ng cellphone ko. Agad ko itong kinuha mula sa ilalim ng unan ko dahil baka tungkol ito kay Jalen. Kahapon lang ay magkasama kami at mukhang stable naman siya. Pero hindi ko pa rin alam kung kailan pwedeng umatake ang kondisyon niya.

Nang makita ko ang caller ID ni Markell, agad ko itong sinagot. "Kell, bakit? May nangyari ba-"

"Happy birthday to you... happy birthday to you..."

Nagising ang buong diwa ko sa boses ng mga lalaki mula sa kabilang linya at nang may pumiyok ng malakas, alam ko na agad kung sino ito.

"Happy birthday, K!" Pasigaw na bati nila nang matapos ang kanta.

"Salamat," sagot ko habang nag-uunat ng isang kamay. Muntik ko pang makalimutan na kaarawan ko ngayon. January 17.

"Hindi mo ba kami papapasukin?" Tanong ng best friend ko.

Agad akong napaupo sa kama ko. "Nandito kayo?"

"Of course!" André answered through the phone.

Dragging my feet towards the door, nagtungo ako sa labas ng kwarto para pagbuksan ang mga bisita ko. Bumungad sa akin ang tatlong lalaki na nakangiti. Hawak ni André ang cake at balloons naman ang kay Logan. Hinanap ng mata ko si Jalen pero wala siya.

"Happy birthday," sambit ni Markell na nakakuha ng atensiyon ko. May hawak siyang box na may pulang ribbon na nakatali rito at inabot ito sa akin.

"Salamat. Uh... nasaan pala si..." I paused.

"Kailangan niyang bumalik sa rehab center," sagot ni Markell.

"Ganun ba," mahina kong sagot. Akala ko pa naman makakasama ko siya ngayong kaarawan ko.

"Pero huwag kang malungkot dahil makakasama mo naman kami," André answered, grinning at me.

"Tara na?" Kinuha ni Markell ang kamay ko.

"Saan niyo naman ako dadalhin?" Tanong ko.

"Sa mansion," sagot nito.

I squinted at him. "Bakit doon?"

"Request ni Lolo A na dun ka mag-party. Alam mo naman na nalulungkot siya pag mag-isa siya."

Naaalala ko ulit yung mga sinabi ni Lolo A sa akin noon. Paano ko ba naman siya matatanggihan?

#

Napuno ng makukulay na banderitas ang likod ng mansion at nagmistulang piyesta sa dami ng pagkain sa mahabang mesa na naka-setup sa may garden. May lechon baboy, spaghetti, pansit, macaroni, lumpia, fried chicken, kanin at siyempre ang paborito kong dinakdakan.

Nagulat ako nang makita ko sina Bri, Hailey, Alexis pati na rin sina Flora at iba pang miyembro ng Gen L Society na naghihintay na sa akin doon. Ito na yata ang pinakamalaking birthday party sa tanang buhay ko. Ito na rin sana ang pinakamasaya kung nandito lang sana sina mama at papa.

"Happy birthday, K!" Isa-isa akong niyakap ng mga kaibigan ko.

"Ang cute naman ng suot mo, K," komento ni Alexis sa tabi na naka-pink na tank top at puting tennis skirt.

Tinignan ko ang suot kong maong na overall jumper shorts na bigay sa akin ni Markell bilang regalo. Sabi niya children's party raw ang theme pero yung mga bisita ko naman naka-kaswal na damit.

The Lollipop Project [Gen L Society #1]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang