Chapter 22

2.6K 39 23
                                    

Queen of Hearts

Pagbukas ko ng mga mata ko, nasa loob na ako ng kwarto. Inalog ko ang ulo ko dahil sa pagkakaalala ko ay magkasama kami ni Jalen kagabi sa kotse habang sinusulatan niya ang kamay ko. Teka, nakatulog ba ako sa kotse at binuhat niya ako dito?

Agad akong napaupo sa kama ko para kalmahin ang sarili ko. Bakit wala akong maalala? Ganoon ba kahimbing ang tulog ko kaya hindi ko man lang namalayan na dinala niya ako dito sa kwarto?

Bumuntong-hininga ako at nang inilibot ko ang mga mata ko ay doon ko lang napagtanto na wala ako sa kwarto ko. Di hamak na mas malawak ito kaysa sa akin. May kulay gold na salamin sa may gilid ng kwarto na mukhang dressing table at sa baba nito ay isang maliit na couch. Pagtingin ko sa kanan ay may naka-setup na parang maliit na sala at may tv unit pa sa gitna.

Nasaan ba ako?

Bumangon ako sa kama at nagtungo sa cr na naka-konekta sa kwarto. Saktong huhugasan ko ang kamay ko nang makita ko ang drawing sa may kaliwang kamay ko. Isang mukha ng babae ang nakaukit dito at may korona rin sa ulo niya. Kamukha niya yung Queen of Hearts sa Alice in Wonderland dahil sa hugis puso nitong buhok at bibig.

Napangiti ako sa gawa ni Jalen. Hindi ako makapaniwalang nakatulog ako habang ginagawa niya ito. Effective nga talaga yung ginagawa dati ng mama niya.

Pagkatapos kong maghilamos, lumabas ako ng kwarto at namangha ako sa malaking hallway na tumambad sa akin. Naka-carpet ang buong sahig kaya nahiya akong umapak rito. Buti nalang at wala akong tsinelas ngayon.

Nagtungo ako sa hagdan at bumaba ako rito habang nakatikom ang aking bibig. Ayaw kong may makakita sa akin dahil alam ko kung nasaan ako ngayon... sa mansion ng mga Atkinson.

"Koleen?"

Isang pamilyar na boses ng lalaki ang nakabasag ng diwa ko. Hindi ko sigurado kung tama ang narinig ko o guni-guni ko lang ito.

"K!"

Napatigil ako sa may gitna ng hagdan. When I looked over my shoulder, a guy in plain, white shirt stared back at me in confusion. My heart was telling me to run towards him, but I tried to stay calm.

"K, ano'ng ginagawa mo dito?" Tanong ng best friend ko habang naglalakad na siya pababa ng hagdan para marating ako.

Gusto ko man siyang sagutin ay hindi ko rin alam kung bakit ako nandito ngayon.

Umiling ako sa kanya habang pinipigilan ang sarili kong hindi umiyak. Halos tatlong buwan na ang nakalipas simula nung huli kaming nagkita. Marami na rin ang nangyari sa loob ng maikling panahon na wala siya.

"K." Markell reached for my hand, squeezing it.

"Bakit ngayon ka lang bumalik, Kell?" I croaked, trying to suppress my tears.

"I'm sorry, K. I was trying to sort things out," the guy explained, his grip tightening over my hand.

My eyes twitched, trying to calm myself, but I couldn't.

"K, sorry na." Humakbang palapit si Markell kaya pati paghinga niya ay rinig ko na rin.

"Why don't you two make up before the family dinner later?" Boses ni Jalen ang nakaagaw ng atensiyon ko kaya napatingin ako sa direksiyon niya. Nakatayo siya sa may paanan ng hagdan habang nakatingin sa amin.

Ngayong nandito na si Markell, hindi ko maiwasang makaramdam ng kung ano. Pero hindi na ito katulad ng dati.

Tumalikod na rin si Jalen para umalis nang hindi man lang nagpapaalam.

"Anong family dinner?" Tanong ko sa lalaking kaharap ko.

Markell sighed. "Welcome party lang nila para sa akin."

The Lollipop Project [Gen L Society #1]Where stories live. Discover now