Chapter 31

2.6K 40 16
                                    

Promise

Bipolar disorder... isang problema sa utak na nagdudulot ng hindi pangkaraniwang pagbabago sa mood, enerhiya at abilidad ng isang tao para gawin ang pang-araw-araw na gawain. Maaari ring maapektuhan ang pakikitungo nila sa tao nang dahil sa matinding highs and lows ng kanilang emosyon.

Ilang araw akong nagbasa sa internet tungkol sa bipolar disorder. Naririnig ko lang ito noon pero ang totoo niyan ay wala akong idea tungkol sa sakit na ito.

Hindi ko alam kung paano ko siya matutulungan. Basta ang alam ko lang ay gusto ko siyang tulungan. At gusto kong maramdaman niyang nandito pa rin ako sa kabila ng nalaman ko tungkol sa kanya.

Nakasulat na ako ng labing-pitong mensahe para maidikit sa lollipops. Kaunti nalang at matatapos ko na ito.

"K, anong oras na?" Tanong ni Markell na nakaupo sa harap ko habang tinutulugan akong itali yung mga notes sa lollipop.

Tumingin ako sa cellphone ko para tignan ang oras. "2:30."

"2:30 na ng madaling araw," inulit ni Markell.

Tumango lang ako at nagpatuloy sa pagsusulat ng notes sa papel. Ano pa ba ang pwede kong isulat?

"Hindi ka pa ba matutulog?" Tanong ulit niya.

"Kailangan ko pa itong tapusin." Inunat ko ang leeg ko sabay ayos ng upo ko sa sahig.

Tumayo bigla si Markell sa kinauupuan niya at iniwan ako. Hindi man lang nagpaalam. Alam ko namang hindi niya obligasyon na tulungan ako pero sana man lang sinabihan niya ako na matutulog na siya.

"Goodnight!" Mahina kong sigaw sa papalabas na lalaki mula sa kwarto ko.

Tinignan ko yung mga lollipops na nasa loob na ng transparent na jar. Malapit na itong mapuno. Hindi ako matutulog hangga't hindi ko ito natatapos. Sabi ng doktor ni Jalen na simula bukas ay sasailalim siya sa isang treatment routine kaya hindi muna namin siya mabibisita hanggang sa maging stable ulit siya.

"You're strong as a rock."

"Keep your head up."

"Don't let it drown you."

"I'll be waiting for you."

"You're my king."

"My love for you is constant."

Iyan ang ilan sa mga naisulat ko na. Hindi ko alam kung makakatulong ito kay Jalen pero I'm hoping na kahit papaano ay mapasaya siya ng mga mensahe ko.

Ilang minuto ang nakalipas at biglang may kumatok sa pintuan ko. Nagulat ako ng bumalik si Markell na may dalang baso. Nilapag niya ito sa maliit na mesa kung saan ako nagsusulat.

"Avocado smoothie para may energy ka," aniya sabay upo ulit sa tabi ko.

"Salamat." Kinuha ko ang baso at uminom dito. Agad naman akong nabuhayan sa lamig at tamis ng ginawang smoothie ni Markell.

"Kailan kaya ako makakatanggap ng ganito?" biglang parinig ng lalaking kasama ko.

"Hindi ka naman kumakain ng lollipop," I pointed out.

"Hindi nga, but still..." Kinunot ni Markell ang ilong niya sabay kuha ulit ng lollipop para maitali yung maliit na papel dito.

"Ang dami ko na kayang naibigay sa'yo. Huwag ka ngang magtampo diyan," sagot ko.

"Kung hindi lang talaga kita mahal, hindi ko 'to gagawin," sambit niya.

Tinignan ko ulit siya. "Kell, alam kong may magmamahal rin sa'yo at mamahalin mo ng higit pa sa pagmamahal mo sa akin."

The Lollipop Project [Gen L Society #1]Where stories live. Discover now