Chapter 27

6.1K 93 26
                                    

Confession

Sa halos isang oras na biyahe papunta sa Gypsy bar galing sa mansion, walang ibang laman ang isip ko kung hindi si Jalen. Taimtim akong nagdarasal sa isip ko na sana okay lang siya pati na rin si Brianna.

Nang tumigil ang Jeep ni Markell sa harap ng bar, agad akong lumabas ng kotse at nakita ko rin agad si Brianna na nakaupo sa may gilid. Nakahalukipkip siya sa lamig ng gabi. Naka-mini skirt pa naman siya at halter na top.

"Bri!" Tumakbo ako palapit sa kanya habang tinatanggal ko yung jacket na pinahiram sa akin ni Markell kanina para ibigay kay Bri. Dahil sa pagmamadali ko, hindi na rin ako nakapagpalit ng damit. Naka-pambahay at tsinelas lang ako.

"K!" Niyakap ako ng mahigpit ni Brianna at doon ko naramdaman ang kaba at lungkot niya.

"Okay ka lang?" Tanong ko sabay lagay ng jacket sa balikat nito.

Umiling siya. "I don't know what's happening with him."

"Nasan siya?" Markell suddenly appeared behind me.

"Sa loob," Bri answered.

"Stay here. I'll deal with him," Markell ordered me. Gusto kong sumama sa kanya sa loob pero ayaw ko rin namang iwan si Brianna dito mag-isa kaya hinayaan ko na si Markell.

Dinala ko si Brianna papunta sa loob ng kotse para mainitan at mahimasmasan siya. Ilang minuto pa ang lumipas at hindi pa rin lumalabas sina Markell kaya naisipan kong pumasok na rin sa loob ng bar.

Agad akong binati ng usok at dilim pagpasok ko. Kahit na sobrang lakas ng music sa loob, narinig ko ang kaguluhan na nangyayari sa may gitna ng dance floor. Lumapit ako at nakita ang hinahanap ko.

Nakaupo sa sahig si Markell habang nakataas ang kamao ni Jalen na nakatayo sa harapan nito. Napapalibutan sila ng mga tao na parang walang pakialam sa nangyayari.

"Jalen, huwag!" Tumakbo ako palapit sa lalaking nakaitim para pigilan siya. Pero nang hawakan ko ang kamay niya, bigla itong tumama sa may gilid ng ulo ko kaya napaupo ako sa sahig ng wala sa oras.

"K!" Markell shouted, running to my aid. "K, okay ka lang?"

Nandilim kaunti ang paningin ko at pakiramdam ko ay parang lumulutang ako. Parang naging paralisado rin ang katawan ko. Inangat ko ang mukha ko at nakita si Jalen na nakatayo pa rin habang tinitignan ang mga kamao nito.

Markell suddenly stood up, facing his brother. "What the hell, Enrico!" sigaw nito.

Hindi na nakasagot pa si Jalen nang suntukin siya ni Markell. Nakaupo lang ako doon habang tinitignan sila. Gusto kong tumayo pero naging lantang gulay ako sa sakit ng katawan ko.

Bago pa tuluyang mabasag ang mga mukha ng dalawang lalaki sa harap ko, may dumating na rin na mga bouncer at pinaghiwalay na sila.

Lumapit ulit si Markell sa akin para tulungan ako. "K, kaya mo bang tumayo?"

Tumango lang ako habang pinilit ang mga paa kong gumalaw. Nakatayo naman ako sa tulong niya. Hinanap ko ulit si Jalen pero wala na siya sa harap namin.

"Let's go," aya ni Kell.

"Nasaan si Jalen?" I mumbled.

"K, siya pa ba ang uunahin mo?" Galit na tanong ni Kell.

"Pero kailangan niya tayo," I pointed out.

Markell scoffed, shaking his head. "We can't help someone who doesn't want help."

I swallowed hard. Ayaw kong makipag-argue sa best friend ko pero kailangan kong hanapin si Jalen. "Sige. Kung ayaw mo siyang tulungan, ako nalang."

The Lollipop Project [Gen L Society #1]Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum