Chapter 17

2.9K 44 15
                                    

Nightmare

Dala ko ang poot at pagkalito sa bawat hakbang ko palabas ng rehab center. Sa sobrang bigat ng utak ko, pakiramdam ko ay sasabog na ito. Ayaw kong magtagal pa dito at baka makita pa nila ako. Hindi ako handa sa kung ano man ang dahilan kung bakit parehas na nandito ang mama at papa ko.

"Konstant, wait!"

Boses ni Jalen ang umalingawngaw sa katahimikan ng gabi. Tuluyan nang nakalubog ang araw kaya nababalot ang paligid ng kadiliman.

"Konstant!"

Hindi pa rin ako tumigil sa paglakad hanggang sa maramdaman ko ang kamay sa braso ko. Napatigil ako at napalingon sa lalaking sumusunod sa akin. "Ano?" pasigaw kong sagot.

"Are you not going to talk to them?" Jalen asked in a calm manner.

Umiling ako nang paulit-ulit habang nakatingin sa madamong lupa. "Bakit mo ako dinala dito? May alam ka ba?"

Jalen let out a deep sigh. "I didn't know they'd be here today."

Inangat ko ang tingin ko para tignan siya sa mata. "So, may alam ka nga?"

His lips parted to say something, but nothing came out of his mouth. Nakatingin lang siya sa akin na para bang tinatantiya niya kung ano ang magiging reaksiyon ko sa kung ano man ang alam niya.

"Ano nga, Jalen?" Hindi ko mapigilang hindi mapasigaw. Wala akong ibang mapagbuntunan ng galit ko.

"It's better if you ask them yourself," he finally answered.

I forced out a laughter. "Ano? Sino sa kanila ang may sakit? Si papa? O si mama? Kaya ba niya kami iniwan?"

"Koleen, anak!" Ang pamilyar na boses ni papa ang nakaagaw ng atensiyon ko. Papalapit na siya sa amin ngayon habang inayos ko ang tayo ko.

"Ano'ng ginagawa niyo dito, pa?" Kalmado kong tanong kahit na kumukulo na ang loob ko.

Humakbang palapit ang tatay ko para kunin ang kamay ko. "Anak, sinamahan ko ang mama mo dito."

Tumango ako. "Nakita ko nga po."

"Anak..." Napatigil ang tatay ko bago siya nagsalita muli. "Clinically diagnosed ang depression at psychosis ng mama mo simula nung mamatay ang kapatid mo."

Depression? Psychosis?

Napasinghap ako at doon ko naalala na may kapatid nga pala dapat ako. Nine years old ako noon nang pinagbubuntis ito ni mama. Hindi ko nakita ang kapatid ko. Basta ang alam ko lang noon na sabi ni papa ay nasa langit na siya.

Simula noon ay nag-iba ang tingin ni mama sa akin. Lagi nalang siyang nasa kwarto. Hindi na niya ako pinagluluto at hindi na rin niya inaayos ang buhok ko. Hindi ko ito noon maintindihan hanggang sa marinig ko ang pagsigaw niya na ayaw raw niya akong makita.

"Umalis ka na dito! Wala kang kwenta!"

Iyong mismong araw na yun ang huling pagkikita namin ni mama. Sabi sa akin ni papa ay umalis raw si mama para manatili sa ibang bansa. Hindi na rin siya bumalik at buong akala ko ay tuluyan na niya akong iniwan.

"Anak, I'm sorry, hindi ko sinabi sa'yo noon," sambit ni papa habang hawak pa rin ang kamay ko.

Napailing ako habang nakatingin sa lupa. "Bakit, pa?"

"Ayaw kong isipin mo na may mali sa mama mo. Nagpapagaling na siya ngayon kaya gusto kong magkasama kayo ulit."

"Hindi niyo po ba naisip na mas magagalit ako kapag hindi niyo sinabi? Gaya nalang ngayon na nalaman ko na ang totoo?"

The Lollipop Project [Gen L Society #1]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt