Chapter 5

4.8K 76 57
                                    

Batman

Hindi maalis sa isip ko ang nakita ko kahapon sa penthouse. Alam kaya ito ni papa?

Kaya ba kami iniwan ni mama para sa lalaking 'yon? Kung totoo man, that's actually worse than I thought.

"K! Hindi ka naman nakikinig," Brianna snapped her fingers in front of my face, catching my attention.

"Ha? Nakikinig kaya ako." Inayos ko ang aking pagkakaupo sa isang couch sa common area ng Residence Hall kung nasaan kami gumagawa ng promotional flyers.

Recruitment week nga pala namin. Ito ang week kung saan magrerecruit kami ng new members para sa Gen L Society kung saan ako kabilang. Naaalala ko pa nung ni-approach nila ako nung first year ako. Wala naman talaga akong balak sumali sa anong orgs pero dahil naengganyo ako sa mga activities nila, naisip kong hindi rin masama na sumali ako. Besides, marami akong naging kaibigan dahil dito.

"Ini-invite tayo ng Omega Phi sa party nila tonight," Brianna blurted out.

"I'm in. It's Friday night, anyway," a girl with long, jet-black hair bounced from her seat, looking at me. Naka-baby pink blazer siya kaya litaw na litaw rin ang maputi niyang balat. Chinita rin siya kaya halos hindi na rin makita ang mga mata niya ngayong nakangiti siya sa akin.

Hindi ko siya namukhaan kaya natahimik lang ako.

"Oh, sorry, I'm Alexis, by the way. You're Koleen, right?" Inabot niya ang kamay niya sa akin habang pinoproseso ko ang sinabi niya.

"Alexis?" Pag-uulit ko. Siya kaya yung tinutukoy ni Logan na may gusto kay André?

The girl nodded. "Yes, I'm Alexis Chiu. Kaka-transfer ko lang dito from Princedale University. Mas maganda kasi ang Medicine program nila dito sa Fotheringham."

"Totoo naman. Welcome to Fotheringham, Alexis." I glanced at Brianna. She just nodded at me kaya binaling ko ulit ang tingin ko kay Alexis.

"Thanks," Alexis chirped. Mukha naman siyang mabait. Hindi ko lang alam kung bakit ayaw ni André sa kanya.

Standing up, I walked over to Brianna and whispered, "Bri, hindi mo naman kailangan sumama sa party-"

"I'm coming, K. Ayokong isipin ni Tyler na affected ako sa break-up namin." Brianna dropped the flyer from her hands, looking away.

Tumango nalang ako. Alam kong gusto niyang ipakita kay Tyler na kaya niyang mabuhay kahit wala siya. But, I also knew that saying it was easier than actually doing it. I could only hope she'd survive tonight.

#

Ang theme ng party ay "Superheroes". Ayaw ko sanang mag-costume or anything. Pero pinilit ako ni Bri na magbihis raw ako bilang si Selina Kyle tutal si Batman naman ang favorite superhero ko. Binigyan rin niya ako ng contacts para raw hindi ko suotin yung salamin ko. Buti nalang at hindi masyadong mahirap maghanap ng costume bilang Selina. Nagsuot nalang ako ng all-black na leather jacket, pants at boots.

Pagkalabas ni Brianna sa kwarto niya, napansin ko agad ang maliliit na kulot na blonde niyang buhok. Naka-cream glittery dress siya at brown boots. Naka-contacts rin siya ng blue ngayon kaya nagmistula siyang artista. I mean, kahit pa naman dati mukha na siyang artista pero ibang level siya ngayon.

"Taylor Swift?" Tanong ko sa kanya nang marating niya ako sa kinatatayuan ko sa may sala ng apartment namin.

When Brianna smiled, I knew I was right. Si Taylor Swift lang naman ang role model niya kaya kahit na hindi ko pa nakikita ang costume niya, alam kong siya ang gagayahin niya.

"At sino naman ang Joe Alwyn mo?" Tanong ko ulit.

"Si Hans," Brianna answered, to which I raised my brow to. Alam kong miyembro rin si Hans ng Omega Phi.

The Lollipop Project [Gen L Society #1]Where stories live. Discover now