Chapter 29

2.6K 38 10
                                    

Hurt

"Can you sing me a song?" Jalen requested as he locked his hand on mine. Ang init ng kamay niya. Pero mas mainit yung akin. Pasmado pa man din ako kaya ramdam ko ang lagkit sa mga kamay namin ngayon.

"Pangit ang boses ko," I refuted.

"I might sleep if you sing."

I let out a huge breath. Nakahiga pa rin siya ngayon sa sahig habang nakasandal sa akin. Kung ito ang paraan para makatulog siya, tatanggalin ko na ang hiya ko.

"Please?" Jalen mumbled, squeezing my hand.

Tumikhim ako para hanapin ang boses ko. Here goes nothing.

"Why is that sad look in your eyes? Why are you crying? Tell me now, tell me now, tell me why you're feeling this way. I hate to see you so down, oh baby. Is it your heart? Oh, that's breaking all in pieces? Making you cry, making you feel blue. Is there anything that I can do?

Tumigil ako nang pumiyok ang boses ko. Nakakahiya.

Umupo si Jalen mula sa posisyon niya. "Why'd you stop?" He asked.

I pressed my lips, taking another breath of courage. "Why don't you tell me where it hurts now baby? And I'll do my best to make it better..."

Biglang nilapit ni Jalen ang mukha niya at hinalikan ulit ako sa labi.

Namalikmata ako habang ramdam ko pa rin ang labi niya sa akin. "J-Jalen..."

Round 2 na ba agad?

Hindi ko na naituloy pa yung sasabihin ko nang nilapat niya ulit ang labi niya sa akin and this time, mas marahas ang paghalik niya.

Hinawakan niya ang mukha ko habang sinabayan ko ang paggalaw ng labi niya. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa ko ngayon, pero isa lang ang alam ko... ayaw ko itong itigil.

Nakarating ang labi ni Jalen sa may pisngi ko hanggang sa bumaba ito sa may leeg ko.

Nang maramdaman ko ang pagsipsip niya sa balat ko, napakirot ako sa sakit. "Aahh..."

"Fuck, I'm sorry. I'm so sorry, Konstant," Jalen cursed under his breath, stopping whatever he was doing.

Napalunok ako habang kinakalma ang sarili ko. "O-okay lang ako."

Kinuha ni Jalen ang mga kamay ko at pumikit ito saglit. "I didn't mean to hurt you."

Tumango ako. "Alam ko, Jalen."

He shook his head, dropping my hands and standing up. "This is why I told you to stay away," pasigaw niyang sabi.

"Jalen, okay lang talaga ako." Tumayo na rin ako para kalmahin siya. May na-trigger ba ako para magalit siya?

"Get out!" He suddenly ordered me. Nanlilisik ang mga mata niya ngayon. "I said get out!"

I flinched from his roar. Kanina lang ang lumanay niya pero ngayon, parang gusto niya akong patayin.

Ganito ba kalala ang kondisyon niya?

Gusto ko siyang tulungan pero hindi ko alam kung ano ang pwede kong gawin.

"K, nandiyan ka ba?" boses ni Markell galing sa labas ng kwarto ang biglang nakabasag ng pag-iisip ko. 

"What is he doing here?" Tanong ni Jalen sabay lagay ng mga kamay niya sa ulo niya. He started pacing back and forth na para bang may bumabagabag sa kanya na hindi niya masabi sa akin.

"Open the door!" Markell continued to knock on the door aggressively.

Tumigil si Jalen sa paglalakad at lumapit sa akin. "Did you set me up?"

The Lollipop Project [Gen L Society #1]Where stories live. Discover now