Umalis din kaagad sila Faye. Ang paalam nito kay Athena ay hanggang alas-sais lang sila ngunit mag-a-alas-syete na ay wala pa rin ito. Hindi naman alam ni Athena kung paano tatawagan si Faye dahil wala naman ito sariling phone. Kaya naman iniwan na lang ni Athena ang susi ng condo nila sa may-ari nito. Sabay silang aalis ni Clarice kaya walang maiiwan sa condo bukod kay Faye.



Pagkalipas nang ilang araw na hindi nakabalik si Athena sa trabaho niya ay ngayon lang ulit siya bumalik. Naubos na ang natitirang ipon niya at kailangan ni Faye ng pera kaya kailangan na niyang bumalik sa trabaho.



Labis ang pag-aalala ni Athena para sa kapatid. Inisip niya na lang na kasama naman nito ang mga kaklase niya at mukha namang mapagkakatiwalaan ang mga ito, she just chose to be at ease and not worry too much. Another thing is that she has a lot of trust in her sister.



Ibang hotel na ang pupuntahan ni Athena kaya hindi siya nag-alangan dahil natitiyak niya na hindi na si Joaquin ang client niya. Binasa niya ulit ang text message galing sa kaniyang kliyente para makasigurado na tama ang pupuntahan niya.



"Hi! I'm Tsenre! Malibu Hillside Hotel. Room 24. Code: TSNRR24." Mahinang basa ni Athena sa information galing sa client. Hindi alam ni Athena kung mababaduyan ba siya o mamamangha sa pangalan. Masyado kasing unique sa paningin niya.



She merely believed that the fact that it wasn't Joaquin was crucial. She adamantly opposes having Mayor Joaquin as her client once more.



Pagkarating niya sa hotel ay nag-message siya na nandito na siya. She went to the bathroom again to change her clothes before going straight to the room.



Athena took a deep breath before knocking on the door.



"You?!" Athena's eyes widened at the shock of Joaquin, who appeared to her when the door opened.



The Mayor stared at her with a smile, unfazed by Athena's sharp gaze.



"I already told you. I am not Joaquin just for nothing, Athena," he reasoned with a wink, "What are you waiting for? Will you just stand there, or I will carry you inside?" he adds more.




"May paa ako! Kaya ko maglakad!" Athena snorted as she entered the hotel room in a bad mood.



"Bakit ikaw ang nandito e iba 'yong pangalan doon aa nag-message sa akin?!" reklamo ni Athena na isinalampak ang sarili sa kama.



"That's for me to know and you to find out."



Nainis naman si Athena sa sinabi ni Joaquin dahil wala siyang nakuhang matinong sagot dito. Humagukhil lpa si Joaquin na tila nang-aasar. Instead of Athena being pissed off, Joaquin's giggles made him cute, so, she couldn't get annoyed at it.



Hanggang sa naalala ni Athena ang pangalan ng sender. Kinuha niya ang phone niya't binasa ulit ang pangalan no'n. "Tsenre," basa niya sa pangalan nito. "Ernest Joaquin." Banggit niya rin sa pangalan ni Mayor.



She glared at Joaquin after she realized that Joaquin just reversed the letters of his first name from 'Ernest' to 'Tsenre'.



"Walang hiya ka talaga! Gagawin mo talaga lahat 'no? Just to be my client!" singhal ni Athena, pagkakuwa'y binato niya ng unan ang Mayor.



Natatawa naman itong sinalag ang unan gamit ang dalawa niyang kamay. "Sabi ko naman kasi sa 'yong itigil mo na 'to, right?" Joaquin reasoned as he sat next to Athena.



"Sinabi ko rin naman sa 'yong kailangan ko ng pera at ito ang madaling paraan para kumita," mabilis na bwelta ni Athena.



Umawang naman ang bibig ni Joaquin habang nakatitig kay Athena. Nanatili silang magkatigigan nang halos ilang segundo. Si Joaquin ang bumawi sa titig niya dahil hindi niya nakayanan.



Napalunok ito ng sariling laway sabay iwas nang tingin. "Then, be my escort." Alok ni Joaquin dito.



"Ba't ko naman gagawin 'yon? One night lang ang usapan, tapos!" tanggi ni Athena na tinaasan pa ng kilay si Joaquin.



"Because with me, you will be safe, Athena."



Hindi makasagot si Athena sa sinabing 'yon ni Joaquin. Muli lang silang nagkatitigan hanggang sa si Joaquin ang muling bumawi ng titig.



Hindi niya magawang labanan ang mga titig ni Athena dahil sa tuwing gagawin niya 'yon, tila inaakit siya nito.



"I mean, I don't need you as my fvck buddy, Athena. That's not my purpose, why I'm here and why we are seeing each other right now. I just need someone who's I can be with wherever I want to go, whatever I intend to do, travel with me whenever I want."



"Nasaan ang mga kaibigan mo? Girlfriend mo? Why don't you do those things with them?" puna ni Athena.



"Wala akong girlfriend. And I don't want to be with my friends."



Kumunot ang noo ni Athena sa
pagtataka kay Joaquin. "Ayaw mo sa mga kaibigan mo? Bakit naman? Aren't they true friends for you?"



Napanguti namang tinignan ni Joaquin ang dalaga. "That's not the point, but every so often that's true."



Hindi nagsalita si Athena. Hinintay niya lang ulit na magsalita si Joaquin. "Funny how sometimes you can trust strangers more than your own friends because their opinion on you are unbiased. It's easier to tell a stranger something very personal. It's like there's less risk, opening yourself up to someone who doesn't know you entirely." Mahabang paliwanag ni Joaquin na kaagad namang naunawaan ni Athena.



"Sabagay tama ka naman. Kung sino pang malapit sa 'yo, kung sino pang pinagkakatiwalaan mo ng lubusan, sila pa pala ang maaaring sumira sa 'yo," dagdag na pagsang-ayon ni Athena.



"Exactly. Sometimes the people you'd take a bullet for, are the ones behind the trigger."



"Oo na. Sige na, pumapayag na ako maging escort mo!" pagpayag ni Athena sa alok ni Mayor Joaquin.



"Really?!" Joaquin asked in shock. His eyes widened at the same time as his lips parted.



Natawa naman si Athena sa itsura ni Joaquin. Bukod sa cute ay para itong bata na binilhan ng bagong laruan sa sobrang tuwa.



Athena nodded while looking meaningfully at Joaquin.



"I am a nyctophile. Be ready for countless nights with me, Athena."

•••
mindfreaklessly

Countless Nights with Mayor | COMPLETEDDonde viven las historias. Descúbrelo ahora