They stayed there at their mother's grave for more than three hours. When the sky darkened due to impending rain, saka pa lang nila naisipan na umuwi dahil baka abutin sila ng ulan kung mamaya pa sila aalis.



Wala pa sana silang balk umalis sa puntod ng kanilang ina ngunit wala naman silang dala na payong at kahit masisilungan malapit sa puntod ay wala rin.



Walang imik kahit sino sa kanila pagka-uwi ng condo. Animo'y lahat sila at malalim ang iniisip. Ebidensiya sa kanilang mga mukha ang kalungkutan at labis na pangungulila.



Natapos ang araw na 'yon na punong-puno ng katahimikan. Tanging paghinga lang nila ang maririnig mong guamagawa ng ingay.



If not breathing, one of them would be crying. They almost used up the tears from crying but it still wasn't enough to relieve the pain they were going through



Pagsapit ng panibagong araw ay gano'n pa rin ang nangyari. Walang imikan. Walang nagsasalita. Walang nasa maayos na pag-iisip.



Kung ikaw ang makakakita sa kanila ay hindi mo mapipigilan na hindi maawa at mahawa sa kanilang kalungkutan.



Hindi na nila nagawang ayusin pa ang sarili. Gulo-gulo ang mga buhok. Namamagang mata dahil sa walang humpay na pag-iyak na kahit ang palibot nito ay nangingitim na, idagdag pa ang mga eye bags nilang malalaki na. Mukha nilang hondi maipinta. Mga damit nilang suot-suot pa mula kahapon ay hindi pa rin nila nagawang palitan hanggang ngayon.



Makailang ulit din silang pinilit ni Clarice na kumain ngunit kahit isa sa dalawa ay walang nagtangka. Pareho itong walang gana.



Natapos ulit ang araw na iyon na gano'n pa rin ang dalawa. Pinagtiisan na lang ni Clarice at hinabaan ang pasensya dahil wala naman siyang magawa at naiintindihan niya ang pinagdadaanan ng dalawa. Maging sa trabaho niya ay pinili na lang niyang ipagpaliban muna ito sapagkat mag-aalala lang siya sa dalawa kung iiwanan niya ito para pumasok.



Natatakot si Clarice na baka may gawing masama ang dalawa sa kanilang mga sarili habang wala siya sa paligid nito.



Kahit papaano ay nakaramdam si Clarice ng kaunting galak nang makita niyang kumilos na si Athena para maligo.



Nagawa na rin ni Clarice na makausap ito kahit palaging tipid ang sagot. Wala man gana ay kumain na rin si Athena, hindi man ito kasing dami ng kinakain niya sa normal na araw, ang importante kahit papaano ay nagkalaman ang tiyan niya.



Nahirapan mang pilitin ni Athena si Faye na kumain, wala itong nagawa kundi sundin siya labag man sa loob nito.



Pinipigilan ni Athena ang sarili na umiyak habang tinutupi ang mga damit ng kaniyang nanay na balak na niyang itago. Halos dumugo na ang ibabang labi niya sa pagpigil na tumulo ang mga luha niya.



Alam kasi niya na kapag umiyak siya at maring ito ni Faye, maging ito ay maaaring madala sa pag-iyak niya.



"Faye!"



"Tao po! Faye!"



Athena calmed herself down after she heard a knock from outside, even Faye's name was being called by whoever it was.



Pinupunasan ni Athena ang mata niya na may bahid ng mga luha bago ito tumayo para pagbuksan ang kumakatok.



Bago pa niya 'yon magawa ay naunahan na siya ni Clarice. "Yes? Ano ang kailangan niyo?" nagtataray na tanong nito kaya naman bahagyang natakot ang dalawang babae na silang kumakatok kanina.



Countless Nights with Mayor | COMPLETEDWhere stories live. Discover now