"Surgeon lang ako pero yung doctor na nag refer kay Mr. Henrich sa akin ay hiniling mismo ng pasyente na i-donate ang heart niya. Nangangailangan kami ng heart donor that time. Pero sa ibang hospital pa si Mr. Henrich. Ang ginawa ay trinansfer pa namin si Mr. Henrich dito sa hospital dahil wala naman operating room sa hospital na pinagdalhan sa kanya nung una. We found out na healthy naman ang heart niya at sakto kay Mr. Dyn ang puso" paliwanag ni Monique.



Habang nagkukwento siya ay pabigat nang pabigat ang dibdib ko. Tama nga ang sinabi ni Yasmin.



"Kung ganon. Ano ang buong pangalan nung nakatanggap sa puso ni Henrich?" tanong ko.

"Sa pagkakatanda ko. Siya ay si Mr. Dyn Marc Villaruel" saad ni Monique.

"Sophia, alam mo ba na mali itong ginagawa natin? Pati ako ay nakakagawa ng pagkakamali"dagdag pa nito.

"Monique kailangan ko ang tulong mo please" saad ko.

"Hindi pwede 'to. Parehas tayo mapapaalis sa trabaho" saad nito.

"Kailangan ko informations patungkol sa Dyn na 'yon. Kailangan ko siya makausap" saad ko.

"Para saan? Sophia nababaliw ka na ba? Hindi pwedeng maglabas nalang basta ng impormasyon patungkol sa isang tao. Private ang lahat. Walang silbi ang pag provide ng privacy ng hospital"saad ni Monique.

"Kahit dito lang tulungan mo ako" saad ko.

"Hindi pwede" saad nito. Alam ko na sa tono pa lang ng pananalita ni Monique ay hindi ko na siya mapipilit pa. Mahirap makipag matigasan kay Monique.

"Kung ayaw mo. Ako mismo ang gagawa ng paraan. Isumbong mo man ako o hindi, gagawin ko"saad ko.

"Sinabihan na kita Sophia" saad ni Monique bago ako makalabas ng office nito.



Pagkalabas ko ay dumeretso agad ako sa office ko at inopen ang computer. Provided ito ng hospital kaya sigurado akong may access ito sa lahat ng system ng hospital.



Nagsimula akong magtipa sa keyboard at ginawa lahat ng pagkalap ng impormasyon.



Mabilis na lumipas ang oras at hindi ko alam kung ilang oras na ako rito pero ang alam ko ay gabi na. Kanina pa ako panay pasok sa kahit anong sute na about sa hospital pero wala akong makita na medical record ng mga patients.



Inis kong pinatay ang computer at kinapa ang phone ko. Napangiti ako dahil naalala ko ay napicturan ko ang record kanina. Kinuha ko ang phone ko at tinignan ang gallery ko. Napatingin ako sa isang information at zinoom ko 'yon.



"Patient name: Dyn Marc Villaruel" bulong ko nang lumitaw ang pangalan ng nakatanggap sa puso ni Henrich.

"Age: 28 years old, Sex: Male, Date of birth: Nov *****" pagbasa ko.

"Adress: ******, Phone: *****, Past Illne--"

"Doc pinapatawag po kayo sa ward" saad ng isang nurse na bigla na lang binuksan ang pinto sa office ko.

"Hindi ka ba marunong kumatok?" tanong ko.

"Ma'am emergency po" saad ng nurse.



Dali-dali kong sinuot ang lab gown ko na nakasabit sa gilid at sinundan ang nurse.



Pagkarating namin sa ward ay may mga pasyente na pare-parehas na mukhang manganganak. Napakunot ang noo ko at nagtaka dahil andami nila na manganganak.



Inuna ko asikasuhin ang mauunang manganak at dinala sa delivery room. Nakahanda na rin ang mga nurse na kasama ko para magpaanak. Nag simula kaming lahat at nag perform regent's maneuver to prevent perineal lacerations. Sinabihan ko ang mother na mag inhale at exhale ng mabilis sabay ire.



After niya sundin ang sinabi ko ay wala akong choice kundi mag perform episiotomy sa mother at after non ay nailabas din ang ulo ng bata. Tinignan ko kung may cord sa neck ang bata. Nang wala namang cord sa neck ng baby ay hinawakan ko ang neck nito gamit ang index at middle finger ng magkabilang kamay ko. Pull up hanggang sa lumabas ang kabilang shoulder at pull down para lumabas naman ang kabila.



Nang mailabas ko ang baby ay tumingin ako sa wrist watch ko at sinabing nakalabas na ang baby.



"Baby is out! 8:37pm" saad ko at inilagay ang baby sa lower abdomen ng mother at nag suction sa mouth before sa nose. Nilagyan ko rin ito ng identification tags sa ankle.



Hinayaan ko ang mga nurse na gawin ang part nila. Pinanood ko rin sila na i-dry ang baby sa loob ng 30 secs. Nilagyan nila ng bonnet to keep the warm temperature ng baby. Nag clamping din ang mga ito at nag cut sa cord.



Next ay delivery ng placenta at ginawa na nila. After nila matapos ay lumapit ako para i-perform ang episiorrahaphy. Ito ay pag repair sa episiotomy na ginawa ko kanina.


After ay sila na ang tumapos at sila na rin ang nag assess sa baby. After ay nag handwash ako at tinapos ang lahat ng dapat kong tapusin.



Inasikaso ko amg lahat ng pasyente hanggang sa matapos ang shift ko. Pagbalik ko sa office ko ay nakita ko ron ang phone ko na naiwan ko ata kanina nang tawagin ako ng nurse. Napabuntong hininga na lang ako at kinuha 'yon saka ibinulsa at naghanda para makauwi.





Thanks for reading.




"𝑺𝒕𝒂𝒚 𝒍𝒐𝒘 𝒌𝒆𝒚. 𝑵𝒐𝒕 𝒆𝒗𝒆𝒓𝒚𝒐𝒏𝒆 𝒏𝒆𝒆𝒅𝒔 𝒕𝒐 𝒌𝒏𝒐𝒘 𝒆𝒗𝒆𝒓𝒚𝒕𝒉𝒊𝒏𝒈 𝒂𝒃𝒐𝒖𝒕 𝒚𝒐𝒖."

- 𝓜𝓻𝔂𝓸𝓼𝓸𝔀

Follow Your Heartbeat (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon