28: I Can Do This

16 6 0
                                    

It's been six days since we stay here in this resort. Bukas na rin kami babalik sa Tagaytay, mag-iisa na naman ako sa hotel nito.

Hindi ko pa alam at hindi ko pa sigurado kung ano ang susunod na mangyayari sa akin after naming umalis dito. Sobrang bilis ng araw at bukas na kami babalik sa Tagaytay.

Ang saya pa namin kahapon dahil dumating ’yung mga kaibigan ni Caius, I don't know them dahil bigla lang silang sumulpot at nagkaroon kami ng kaunting kasiyahan. Balita ko rin ay umalis na daw sila sabi ni Caius, binisita lang daw siya ng mga kaibigan niya rito.

Sobrang dami ng ganap kahapon. Hindi rin ako makapaniwala na nakita ko na lang ’yung sarili ko na tumatawa sa mga pinag-uusapan nina Caius kahapon, pati na rin sina Tristan at Lhea.

Narito ako ngayon sa cabin nakatingin sa karagatan, nakatayo at umiinom ng mainit na kape na tinimpla ko kanina. Ako lang mag-isa rito, wala pa sina Tristan, Lhea, at Caius. Ni hindi ko alam kung na saan sila ngayon, kanina pa ako rito sa cabin.

Habang nakatitig ako sa karagatan at umiinom ng kape ay bigla ko na lang narinig ang ringtone ng cellphone ko kaya nilingon ko ito sa lamesa at nilapitan upang tignan kung sino ang tumatawag.

Nakita ko namang si Tita Jane ito kaya nilagay ko muna sa lamesa ang kapeng iniinom ko at kinuha ang cellphone ko upang masagot ang tawag ni Tita Jane.

“Hello Tita?”

“Hello Absinthe! how are you? it's been awhile, kumusta ka na riyan sa Pilipinas? ayos lang ba ang lahat diyan?” sunod-sunod na tanong sa akin ni Tita Jane mula sa cellphone ko, dahil naman doon ay na pangiti ako.

“Ayos lang po ako rito Tita. Wala po dapat kayong ikabahala dahil ayos lang ang lahat dito. Kayo po ba? kumusta kayo riyan? ayos lang po ba ang lahat jan sa Amsterdam?” tanong ko naman kay Tita habang nakatingin ako sa buong karagatan.

“I’m fine too.” She chuckled. “Kailan nga pala ang uwi mo rito? kung uuwi ka na, huwag mo kalimutang ipaalam sa akin ha? para malaman ko na safe ka talaga.” I smiled because of that. “Maraming salamat Tita, pero hindi pa po kasi ako sigurado kung makakauwi ka agad ako next month. Mag de-desisyon pa po kasi ako kung mananatili muna ako rito ng matagal o uuwi na ako jan sa Amsterdam next month. Mag sasaya po muna ako rito.” I chuckled softly.

“I see, magpakasaya ka jan Hija. At kung may problema ka man tawagan mo lang ako. Mag-iingat ka jan Absinthe, always take care of your self. I missed you already, Absinthe.”

“I miss you too, Tita. I'll see you soon!” masayang sambit ko, pagakatapos non ay nag paalam na rin si Tita sa akin dahil may gagawin pa raw siya. Kaya ibinalik ko ang aking cellphone sa lamesa at kinuha ang aking kape at ininom ulit iyon.

Malapit nang maubos ang kape ko kaya habang iniinom ko ito ay naramdaman kong may nag lalakad sa unahan at nang tinignan ko ito ay nakita ko sina Tristan at Lhea na masayang nag tatawanan papunta rito sa cabin.

“Magandang umaga.” Pagbabati ko sa kanilang dalawa nang makarating na sila sa cabin at nasa harapan ko sila ngayon.

They both smiled at me. “Good morning too, ikaw pa lang ba mag-isa rito?” Tristan greeted and he asked me.

Tumango naman ako sa kaniyang katanungan. “Oo, actually, kanina pa ako rito. Kanina ko pa kayo hinihintay.” Pag-aamin ko.

Tumingin naman ako kay Lhea at nag tama naman ang aming mga mata. “Si Caius ba? na saan?” she asked me too.

I shook my head. “I don't know. Hindi ko rin siya nakita, hindi ko alam kung na saan siya ngayon.”

“I think he's busy.” Tristan uttered. “Hintayin na lang natin siya, pupunta rin naman ’yon dito. Siguro busy lang ’yung mokong na iyon.” Natatawang sambit niya at pumasok sa cabin.

A Love Made by Yours (COMPLETED)Where stories live. Discover now