12: Airport

17 7 2
                                    

Two weeks had passed wala pa ring pinagbago ang aking buhay. Dapat kasi ay nasa flower shop ako ngayon pero sinabihan ako ni Lhea na huwag na muna ako pumasok at kailangan ko raw munang unahin itong sarili ko at kailangan ko raw muna mag pahinga.

Kaya ang ending, nasa apartment ako ngayon, nakahiga at nakatitig sa kisame.

Iniisip ko kung ano ang mangyayari bukas.

Ano ba meron bukas?

Well, bukas na ang punta ko sa Pilipinas. Kaya hindi ako pinatrabaho ni Lhea sa flower shop ngayon dahil kinakailangan ko raw mag ipon ng lakas para bukas. Siguro mananatili ako roon sa Pilipinas for one month or two months, depende hanggang sa maka move on na ako sa nangyari kina Mama.

Hahanapin ko roon ang kasiyahan na gusto ko, baka nandoon nga ang kasiyahan na kay tagal ko nang hinahanap.

Gusto ko pumunta sa Boracay, El Nido, Coron, Puerto Princesa, Tagaytay, Davao, Bacolod, at marami pang iba. Marami akong inilagay sa bucket list ko, pero hindi ko magawa dahil nasa Pilipinas ito lahat at natatakot lang talaga ako umuwi sa Pilipinas dahil sa mga kamag-anak ko na nag ba-banta sa akin.

Ngayon lang din ako nagka lakas loob na bumalik sa Pilipinas. Puwede naman siguro ako umuwi sa Pilipinas nang hindi nalalaman ng mga kamag-anak ko, 'di ba?

I just want some happiness, kahit sandali lang.

Dito kasi sa Amsterdam, ang hirap makahanap ng kasiyahan, nasanay na rin kasi ako dito kasi matagal na akong nakatira rito at dito rin ako lumaki. Dito kasi sa Amsterdam nangyari ang trahedyang nangyari kina Mama, kaya nahihirapan akong makalimutan iyon.

Tatak na tatak pa rin talaga sa aking isipan ang nangyari.

It's so hard to forget.

Napakagat na lamang ako sa aking pang ibabang labi at kinuha ang aking cellphone na nasa aking tabi upang tawagan si Tita Jane.

Alas dose na rin kasi ng tanghali, baka hindi siya busy ngayon, kaya su-subukan kong tawagan siya upang ipaalam sa kaniya na u-uwi ako ng Pinas. Itatanong ko na rin kay Tita Jane kung gusto niya bang sumama sa akin pa-punta roon sa Pilipinas bukas.

Habang nag ri-ring ito ay umupo ako sa aking higaan at sumandal sa headboard ng kama. Ilang minuto rin ang nakalipas ay sinagot na ni Tita Jane ang tawag ko, "Absinthe! how are you?" bungad na tanong sa akin ni Tita na nag pangiti sa akin.

"I'm fine. Ikaw po ba? kumusta ka na Tita?" I asked her too. "I'm good. Ang tagal na pala no'ng huling kita natin. Ta-tawagan sana kita para kumustahin, pero na unahan mo ako." Tumawa naman siya kaya na pangisi na lamang ako dahil doon.

"Mabuti naman po ang lagay ko rito Tita. Kayo ba? kumain ka na po ba Tita? ano po ba ang ginagawa niyo ngayon? baka busy ka?" sunod-sunod na tanong ko kay Tita mula sa aking cellphone.

"Maayos lang ang lagay ko rito Hija. At saka ka-katapos ko lang din kumain ng tanghalian, sana ikaw rin. 'Tsaka huwag mong iniisip na baka busy ako ngayon kasi wala naman akong ginagawa at nakahiga lang ako ngayon sa sofa habang nanonood ng pelikula." Sambit ni Tita.

"Ikaw ba Hija? kumain ka na ba? anong oras na o." Pag-aalalang sabi niya sa akin, ngunit pinili kong mag sinungaling, "T-Tapos na po." I lied.

"Mabuti naman, damihan mo palagi ang kinakain mo ha? kumain ka rin ng maraming gulay para masigla ka araw-araw."

Dahil sa sinabi ni Tita ay napangiti ako ulit ako. Sana nga ay ganoon ako, palaging kumakain sa tamang oras, palaging ka-kain ng mga masustansiyang pagkain para masigla ako sa araw-araw. Pero hindi ko kayang gawin iyon dahil nasanay na akong hindi kumain minsan at tanging tubig lamang ang iniinom ko para ma busog ako at mawala ang gutom na nararamdaman ko.

A Love Made by Yours (COMPLETED)Where stories live. Discover now