27: Bonding With Him

14 6 0
                                    

It's early in the morning and I'm still lying, nakahiga pa rin ako at nakatitig lang sa kisame.

Namamaga pa rin ang aking mga mata dahil sa kaka-iyak kagabi, I don't know what to do, nahihiya na rin akong lumabas dahil kay Caius. I don't want to see him.

Bwesit kasi, na damay siya sa gulo.

Hanggang ngayon ay nag-iisip pa rin ako kung paano ko siya ka-kausapin. Nakakahiya lalo na't nadamay siya sa gulo ng buhay ko. Hindi kasi puwede ’yon, nakakahiya para sa akin at nag da-dalawang isip pa ako hanggang ngayon kung ka-kausapin ko pa ba siya. Ayaw ko siyang madamay.

I really really hate my life.

Therapy sucks.

I thought everything was fine.

Akala ko ayos na lahat pero dahil sa Tito at Tita ko kagabi, parang bumalik lahat sa akin ang sakit, pangangamba, kaba, na nangyari sa aksidenteng nangyari sa pamilya ko at kay Kace five years ago.

I don't know what to do.

Gusto ko na lang umalis dito sa resort na ito kahit hindi pa kami nag i-isang linggo rito.

Gusto ko na lang bumalik sa Amsterdam.

Parang mas lalo ko lang sinisira ang sarili ko dahil nasa Pilipinas ako, tapos nakatagpo ko pa ang mga kamag-anak ko.

Napalunok na lang ako at tumayo mula sa higaan. Nag-lakad ako papunta sa bintana upang tignan kung ano ang ganap sa labas.

Nakita ko namang may mga tao na sa resort at masaya silang nag-lalakad kasama ang mga kaibigan nila at ang pamilya nila.

Sana ay ganiyan din ako katulad nila.

Lumayo naman ako sa bintana at pumunta sa banyo upang mag hilamos at mag ayos sa aking sarili. At nang matapos iyon ay nag bihis na rin ako ng damit at lumabas ng kuwarto upang mag libot sa buong resort na pinag-aarian ni Caius.

Nang makalabas ako sa kuwartong iyon ay sinalubong ako ng masarap na ihip ng hangin.

Nag patuloy ako sa pag la-lakad hanggang sa makarating ako sa tabing dagat. Sa unahan ko naman ay nakikita ko ang mga taong masayang lumalangoy sa dagat kasama ang mga mahal nila sa buhay.

Ipinagkrus ko naman ang aking kamay at nag-iisip kung na saan nga ba sina Lhea, Tristan, at Caius.

Hindi ko sila nakita.

Chineck ko rin ang cabin kanina pero wala rin sila doon.

Kaya hindi ko na sila hinanap at pumunta na lang ako sa tabing dagat.

Inangat ko ang aking tingin upang tignan ang maliwanag na kalangitan at maririnig mo ang malalakas na alon kasabay ng mga ibong nag ka-kantahan at masayang lumilipad.

Habang nakatitig ako sa maganda at maliwanag na kalangitan ay may naramdaman akong mga hakbang na papalapit sa akin kaya nilingon ko ito at nakita kong si Caius ito na ngayo’y papalapit sa akin.

He smiled at me kaya sinuklian ko rin siya ng magandang ngiti kahit naiilang ako lalo na sa nangyari kagabi.

Ipinasok niya naman ang isang kamay niya sa kaniyang bulsa at ngumiti sa aking harapan.

“Good morning, kanina pa kita hinahanap.” He chuckled, “Narito ka lang pala. Akala ko kanina tulog ka pa kaya hindi muna kita inistorbo sa kuwarto mo.” He continued while he's smiling.

Kahit naiilang ako ay pinipilit ko pa ring ngumiti sa kaniya. “Ayos lang, kaka-gising ko lang talaga. Hinanap ko rin kayo nang makalabas ako sa kuwarto pero hindi ko kayo mahanap kaya nag punta na lang ako rito.” Sabi ko naman sa kaniya.

A Love Made by Yours (COMPLETED)Where stories live. Discover now