13: Enjoyed

14 7 5
                                    

Matapos ang mahabang byahe ay huminto na ang aming sinasakyan na eroplano. Tumayo na kaming lahat at isa-isang bumaba sa eroplano, habang nag-lalakad na ako palabas ng eroplano ay naramdaman ko na may tao sa aking likuran.

Sobrang bango nito kaya na palingon ako rito at nakita ko si Mr. Caius Isaac Blythe Santiago Manuel Jr.

Ang tangkad niya, hanggang dibdib niya lang ako.

Mabuti na lang at sa aking pag-lingon ay hindi siya nakatingin sa akin. Mabilis ko ring ibinalik ang aking tingin sa harapan at nag patuloy sa pag-lakad pa labas ng eroplano.

Nasa harap ko ngayon si Lhea, nauuna siya sa daan, samantalang ako ay naka-sunod sa kaniya at naka-sunod rin sa akin si Mr. Caius Isaac Blythe Santiago Manuel Jr.

Nararamdaman ko talaga siya, para bang kinakabahan ako na hindi? hindi ko masabi kung ano talaga ang nararamdaman ko ngayon. Ni hindi nga ako makapaniwala na hanggang dito ay makikita ko siya.

Hanggang sa makarating na kami sa labas ng airport, nag-hihintay lang kami ng taxi. Pero habang nag-hihintay kami, nakita ko naman sa unahan si Mr. Caius, nasa gilid lang siya at nag-aabang rin ng taxi.

Tinititigan ko lang siya hanggang sa may humintong taxi sa kaniyang harapan at inilagay niya ang kaniyang malaking maleta sa likod ng taxi at saka siya sumakay at umalis na ang taxi pa-palayo.

Bigla naman akong siniko ni Lhea kaya na tauhan ako dahil doon at mabilis ko siyang nilingon, “Ayos ka lang? kanina pa kita tinatawag, ang sabi ko may taxi na sa harapan natin.” Sabi niya sa akin kaya na palingon ako sa aming harapan at may taxi na nga.

E kasi naman, bakit ko ba kasi tinititigan si Mr. Caius, dapat nga ay wala akong pakialam sa kaniya dahin hindi ko naman siya ka ano-ano.

Nasa hotel kami ngayon, kakarating lang din namin kani-kanina lang.

Narito kami ngayon sa Escala Tagaytay, Cavite. Narito kami sa isang malaking hotel, grabe rin itong si Lhea kasi pinili niya itong deluxe room, napaka mahal. Sinabihan ko siya na huwag rito at mag hanap na lang kami ng ibang hotel, kaso hindi siya nakinig sa akin at sinabihan niya pa ako na ayos na raw dito.

Sinabi ko na rin sa kaniya na ako ang ga-gastos pero ayaw niya naman. Ma-mahalin kasing hotel ito, may swimming pool pa sa ground floor, may spa, libreng breakfast, tapos itong kuwarto na tinutuluyan namin ay sobrang mahal pa.

Nag-papahinga na rin kami ni Lhea ngayon dahil gabi na rin. Nakahiga ako ngayon sa isang malaking kama at nasa kabilang kama naman si Lhea.

“Ilang araw tayo rito sa hotel na ito? ang mahal naman nito Lhea, nakakahiya kasi ikaw ang gumastos—”

Narinig ko naman siyang tumawa at tumagilid siya ng pagkahiga para tignan ako. “Ano ka ba, ayos lang sa akin, alam mo naman siguro na hindi permanente ang pera kaya ginastos ko rito siyempre para rin ito sa iyo ’no.”

“Talaga? pero dapat ako na naman ang ga-gastos—”

Sumingit ulit siya sa aking sinabi kaya na patigil ako sa pag salita at hindi naituloy ang dapat na sa-sabihin sa kaniya. “Absinthe, ayos nga lang sa akin. Walang problema sa akin iyon, hayaan mo lang na ako ang ga-gastos. ’Di ba, pumunta ka rito sa Pilipinas upang mag saya? kaya tutulongan kita, hindi ko hahayaang ganiyan ka na lang habang buhay.” She told me seriously.

“Sa tingin mo, ilang araw tayo rito sa Tagaytay?” tanong ko rito at nakita ko naman sa kaniyang mukha na nag-iisip pa siya pero maya-maya rin ay nag salita ito at sinagot ang aking tanong, “Siguro... Limang araw? look, marami tayong pupuntahan dito sa Tagaytay, pagkatapos nating puntahan ang lahat ng iyon ay pu-punta tayo sa Boracay! maganda roon, sobra.” Masayang sabu niya sa akin.

A Love Made by Yours (COMPLETED)Where stories live. Discover now