11: Decided

22 8 0
                                    

Narito ako sa sa-sakyan ni Lhea, katabi ko siya ngayon at nasa harapan pa rin namin ang clinic na pinasukan ko kanina.

Napahagulgol ako sa pag-iyak kani-kanina lang dahil sa ginawa ko kanina sa loob ng clinic. Nang makapasok ako sa sa-sakyan ni Lhea ay sakto naman at may tumawag sa kaniya at iyon ay si Miss Jill. Sinabi niya kay Lhea na umalis ako, pero hindi niya alam na narito lang pala ako sa sa-sakyan ni Lhea

Ano ang gagawin ko ngayon?

Ano ang ga-gawin ko sa aking sarili?

Ganito na lang ba ako habang buhay?

Gusto ko na makalimutan ang nangyaring trahedya noon, pero paano? gusto ko makalimutan iyon, pero may parte sa akin na sinasabi na huwag ko silang ka-kalimutan.

Nakakalito ang sarili ko ’no? nakakatawa minsan, pati ako ay nahihiya na rin sa aking sarili. I feel sorry for what happened earlier, nakakahiya ’yung ginawa ko kay Miss Jill kanina, pero hindi ko talaga kaya, hindi ko kaya.

Puro siya tanong, oo alam kong ganoon ang mga therapist o psychologist, pero sa bawat salita na sinasagot ko sa tanong niya ay para bang may sumusuntok sa aking puso. Napaka sakit. Napaka sakit pa rin hanggang ngayon.

Siguro ganito na lang ako habang buhay hanggang sa mamatay ako.

I'm so stupid.

Pagod na pagod ako, pero mas lumala lang ngayon. Parang nawalan na tuloy ako ng gana mag trabaho sa flower shop at tungkol sa naisip ko kanina na uuwi na lang siguro ako sa Pilipinas, siguro hindi na lang ako tu-tuloy.

Mapapahamak lang ako doon kapag nalaman ng mga kamag anak ko na umuwi ako roon.

Gusto ko makausap at mayakap si Tita Jane, pero paano? malayo siya sa akin, nawawalan na ako ng gana lumabas simula doon sa ginawa ko sa clinic kanina.

Habang tumutulo ang aking mga luha ay nag-salita naman si Lhea sa aking tabi, “Absinthe, ayos ka na ba? ano ba ang nangyari sa iyo kanina?”

Nag da-dalawang isip pa ako kung sa-sagutin ko ba itong tanong ni Lhea Natatakot na ako sa kaniya. Alam kong alam niya ang ginawa ko roon sa clinic dahil mag kaibigan sila ni Miss Jill at alam kong sinabi ni Miss Jill sa kaniya lahat nang nangyari kanina.

I breathe deeply.

“Absinthe? are you okay? sinabi sa akin ni Miss Jill ang nangyari kanina, and she said that you are crying at nag ma-madali kang lumabas sa clinic. Are you alright?” tanong muli ni Lhea sa akin.

I squeeze my hands tightly at napapikit na lang. I don't know what to say. Hindi ko alam kung ano ang isa-sagot sa sinabi niya sa akin ngayon.

“Absinthe...”

I bit my lower lip at sumagot, “Y-Yeah... I’m f-fine...” nauutal kong sabi habang nararamdaman kong dumadaloy pa rin ang aking mga luha sa aking mag kabilang pisngi.

“Are you sure?”

Tumango naman ako at nilingon siya sabay ngiti. “Yeah, I'm fine.” I grinned.
“By the way, I’m sorry.” Napayuko naman ako nang matapos kong sabihin iyon sa kaniya. I feel guilty. Nag bayad si Lhea roon sa therapist, pero parang sinayang ko lang, sinayang ko lang ang tulong niya para sa akin.

“For what? wala ka namang kasalanan Absinthe—”

Inangat ko naman ang aking tingin at hindi siya pinatapos mag-salita, “Meron Lhea. I felt guilty for what happened earlier, nag bayad ka roon sa therapist, pero sinayang ko lang. Hindi ko tinapos ang therapy session kahit kaka-simula lang namin. Hindi ko talaga kaya Lhea, p-pasensiya na. H-Hindi ko pa talaga k-kaya kalimutan a-ang nangyari sa k-kanila.” I said while I'm holding my tears.

A Love Made by Yours (COMPLETED)Where stories live. Discover now