16: Felt Something

21 7 2
                                    

“Seriously? I can't believe that.” Lhea laughed habang nag-mamaneho siya ng sa-sakyan at nakatuon ang kaniyang tingin sa kalsada, papunta kasi kami ngayon sa isang restaurant upang doon kumain ng hapunan. Sinabi rin ni Lhea sa akin na siya na raw ang mag-lilibre sa akin.

Kinuwento ko rin sa kaniya ang nangyari kanina.

Na nakita ko si Mr. Caius. At sinabi ko rin kay Lhea na si, Caius Isaac Blythe Santiago Manuel Jr. ang therapist ko, sinabi ko rin kay Lhea na ba-balik ako kay Mr. Caius pagkatapos ang dalawang linggo upang ma tignan niya ako muli kung may nag bago na ba sa akin at upang matignan niya ako kung nagiging maayos na ba ang kalagayan ko.

“That’s nice--”

I cut her off, “You’re insane Lhea--” and she cut me off too, “Nope, mas maganda nga ’yon kasi siya ’yung naging therapist mo. Parang kailan lang nasa Amsterdam pa tayo tapos bumibili siya sa flower shop natin. At parang kailan lang pinakilala ko siya sa iyo, do you still remember that, right? ’yung tinawagan kita tapos pinakilala ko siya sa iyo kasi--”

“Kasi sinabi mo sa akin na nag pa reserve siya and kailangan kong asikasuhin iyon para sa kaniya dahil day off mo pagka bukas no’n.” Pagtatapos ko.

Tumawa naman siya. “Right,” tumatango-tango naman siya habang nakangiti at nakatingin sa kalsada at ako naman ay nakatingin lang sa kaniya habang hindi siya nakatingin sa akin.

“I don’t know what to say next, I mean-- I'm just impressed that he's your therapist--”

Sumalubong naman ’yung dalawang kilay ko dahil sa pagtataka at tinanong siya, “Impressed? for what?”

“Dahil therapist mo siya. Hindi ko rin naman akalain na ganoon pala siya, na isa pala siyang therapist at psychologist, kasi sa tuwing bumibili siya sa flower shop natin, ang fluent niya talaga sa dutch language. I really really thought hindi siya isang Pinoy, hindi naman kasi halata sa kaniya na isa siyang Pinoy e. Parang may lahi siya.” Lhea uttered.

Tumango na lang ako sa kaniyang sinabi. Panay salita siya tungkol sa kahit ano, pinag-usapan din namin si Mr. Caius, hanggang sa narating sa usapan ang kasintahan niya, naalala ko na naman si Kace dahil doon kaya pinili ko na lang huwag mag salita at pinakinggan ko na lang si Lhea.

At mabuti na lang din talaga matapos ang ilang minuto ay narating na namin ang restaurant na sinasabi ni Lhea upang doon kami mag hapunan.

Kumakain na rin kami ngayon, tahimik lang kami ni Lhea habang kumakain kami pareho. Ramdam ko rin na malapit na ako mabusog kaya sinulit ko na at kumain ako ng marami, dahil naalala ko na may sinabi pala sa akin si Caius, sinabi niya sa akin na kinakailangan ko raw kumain sa tamang oras upang makainom ng gamot.

Sinabi rin sa akin ni Lhea na pumapayat na ako, kaya wala akong magawa kun’di kumain ng marami upang makainom rin ako ng gamot at nasa loob ito ng sling bag ko ngayon.

Habang kumakain kami ay biglang binasag ni Lhea ang katahimikan kaya napaangat ang tingin ko rito at na patigil ako sa pag kain.

“You’re so quiet. Are you okay?” she asked me habang hawak-hawak niya ang tinidor at tinusok niya ito sa steak na kinakain niya ngayon at isinubo iyon sa kaniyang bibig.

I just noticed na ang tahimik ko pala simula kanina, hindi ko kasi maiwasan na isipin si Mr. Caius-- oh... I'm not thinking about him, right?

Funny.

“Absinthe? ayos ka lang ba?”

I blinked my eyes so many times before I answered her question.

I nodded and I smiled at her, “Oo naman, sadyang masarap lang ang pagkain. Kanina pa kasi ako nagugutom. Maraming salamat dito Lhea.” Nakangiting sambit ko.

A Love Made by Yours (COMPLETED)Where stories live. Discover now