01: Bouquet

53 9 9
                                    

While I'm staring at this wonderful painting, I suddenly felt my phone vibrated. I grabbed it from my shoulder bag at nakita ko namang nakatanggap ako ng tawag mula kay Lhea.

Kaya nag-mamadali akong nag-lakad palabas ng museo at doon ko na sinagot ang kaniyang tawag nang makalabas na ako roon sa museong iyon.

“Absinthe? where are you? bakit wala ka rito—” I cut her off.

I chuckled softly. “Lhea‚ day off ko ngayon. Bukas pa ang trabaho ko.” pagpa-paalala ko sa kaniya.

Minsan talaga ay makakalimutin talaga siya. But I understand her.

She's Lhea Salvacion. My best friend. My sister. My buddy.

Na patingin naman ako sa buong paligid at pati na rin sa kalangitan.

Lumalalim na ang gabi.

Na pansin ko namang na patahimik si Lhea sa kabilang linya at maya-maya naman ay tumawa ito ng malakas‚ kaya inilayo ko ng kaunti ang aking cellphone sa aking tenga.

“Oh— sorry‚ I really forgot.” natatawa niyang sabi.

I sighed, “It’s okay Lhea." I answered.

“Kanina nga pala may nagpa-reserve sa akin ng tatlong bouquet‚ roses iyon at kukunin niya ’yon bukas. Sinulat ko na rito sa binder‚ in case na hahanapin mo ’yung name niya.” she informed me.

Isa akong florist dito sa Amsterdam. Nag ta-trabaho ako bilang florist sa Gheli Flower Shop. Ako ang nag a-ayos ng mga bulaklak‚ nag bibisbis‚ nag de-disenyo, nag gu-gupit ng mga halaman at inaayos iyon, ako rin ang cashier, and many more.

Bukas ay hindi ko na day off‚ kaya solo ko na naman ang flower shop.

Ganito kasi iyan‚ kung day off ko ngayon‚ si Lhea naman ang mag ta-trabaho ngayon‚ bukas ako na naman‚ at sa susunod na araw naman ay si Lhea na naman. Palit-palit lang kami dahil kaming dalawa lang ang nag ta-trabaho roon dahil wala kaming mahanap na puwedeng mag trabaho sa flower shop.

Pag mamay-ari rin ni Lhea ang flower shop. Siya ang nag patayo non, and I can still remember na nag apply ako bilang florist sa flower shop niya at tinanggap niya agad ako.

Hanggang sa nag-tagal ako sa flower shop niya.

Kaming dalawa lang din ni Lhea ang pinoy roon sa flower shop‚ kadalasan sa mga bumibili sa amin ay nag sa-salita ng Dutch language, no’ng una ko rito sa Amsterdam, nahihirapan talaga ako pag-aralan ang Dutch language.

Hanggang sa na sanay ako at naging fluent na rin ako dahil doon, pati na rin si Lhea.

Tumigil naman ako sa pag-aaral at hindi ko itinuloy ’yung college ko simula nang mawala sa akin sina Mama‚ Papa at si Kace.

Second year college lang ang na tapos ko.

Kaya nag-hanap ako ng trabaho, magandang trabaho rito sa Amsterdam at nakita ko itong flower shop ni Lhea, malaki ang sahod.

Namana sa akin ang lahat ng pinag-aarian nina Mama at Papa, pero para sa akin, hindi iyon importante, dahil mas importante sila sa akin.

Hindi ko tanggap na wala na sila sa mundong ito.

Oo, malaki ang sahod ko rito, pero paano ang sarili ko? malaki nga ang sahod ko rito sa trabahong ito‚ pero hindi naman ako masaya araw-araw, wala naman akong choice kaya dito ako nag trabaho kasi malaki ang sahod. Dito lang ako mabubuhay dahil ako na lang mag isa.

Mabuti na lang at nandito si Lhea.

Tumigil naman ako sa pag-aaral dahil sa stress, hindi ko kaya. Alam ko na para sa iba ay mababaw ang aking dahilan‚ pero para sa akin ay mahirap. Na wala ko sina Mama at Papa‚ pati na rin si Kace.

A Love Made by Yours (COMPLETED)Where stories live. Discover now